‘YAN ang tanong ng ilang concerned police ng Manila Police District (MPD) upang kalampagin natin ang tila natulog na kasong kinahaharap ng isang pulis-Maynila na minolestiya ang isang babaeng menor de edad.
Para palang Erap disqualification case ito na parang ‘natulog’ na rin sa Korte Suprema?
Tinutukoy nating kaso ang PEOPLE OF THE PHILIPPINES VS R. ROBLES.
Sa sobrang tagal nga raw ng nasabing kaso ‘e DALAGA na ‘yung minolestiyang menor de edad!
Ilang taon na ang nakararaan nang ating pasabugin ang isyung ito tungkol sa nasabing PULIS MANYAKOL na hinimas at nilamas ang buong katawan ng isang menor de edad sa TONDO at kung hindi tayo nagkakamali ‘e pinipilit pang pahawakan at ipasubo ang kanyang ari sa batang babae.
Namputsa naman talaga!!!
Ang pulis na suspek dito ay ‘yung demoted na si PO2 REZ ROBLES.
Anyway, naniniwala tayo na sa darating na November 26-28 ‘e magkakaroon na ng hatol ang butihing hukom ng Manila RTC Branch 33 para magawaran ng hustisya ang kaawa-awang biktima.
Gen. Rolando Nana, paki-check nga po si PO2 REZ ROBLES na balitang-balita na nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ngayon sa Sta. Ana police station (PS6)?