Saturday , November 23 2024

6 na benepisyo ng abokado

080914 avocado

NATIVE sa Mexico at Central America, kilala ang abokado sa pagkakaroon ng maraming benepisyo, bukod sa masarap na lasa.

Kainin man ito nang hilaw o katasin para maging malinamnam na inumin, nararapat lamang na maging bahagi ito ng ating pang-araw-araw na dieta, lalo na dahil sa nagpapataas ito ng ating mineral at vitamin intake, at makapagpapababa din ng long-term risk ng iba’t ibang mga sakit—kabilang na ang ilang nakamamatay na karamdaman.

Kung hindi pa rin makatiyak kung sisimulang kumain nang regular ng abokado, narito ang anim na dahilan para gawin ito.

1. MAYAMAN ANG ABOKADO SA CAROTENOIDS

Naglalaman ang abokado ng maraming nutrient, at ang carotenoids (partikular ang lutein) ang pinakamahalaga, lalo na dahil nagbibigay ng proteksyon laban sa sakit sa mata. Ang ating paningin ang isa sa pinakamahalaga nating asset, at habang ito ay humihina habang tayo ay nagkaka-edad, mayroon din tayong magagawa para bumagal ang proseso o pagalingin ang eye disease, sa ilang kaso. Nagsisimula ito sa maganda, balanse at masustanysang dieta—kabilang ang kahit isang abokado kada araw, dahil ito ang pinakamagaang na paraan para makakuha ng carotenoids (mula sa lutein at alpha-carotene hanggang beta-carotene, tocopherol at zeaxanthin) na kailangan ng ating katawan.

2. NAGPAPABABA ANG ABOKADO NG CHOLESTEROL

Alam n’yo na siguro na may dalawang uri ng cholesterol: ang ‘good’ cholesterol at ‘bad’ cholesterol. Ang huli ay maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo (arteries) at mga vital organ, kung walang gagawin para mapigilan ito. Lumilitaw na ang mga fatty food at sugar ang pangu-nahing dapat sisihin sa mataas na level ng bad cholesterol, subalit mabuti na lang at madali itong makontrol sa pamamagitan lamang ng pagkain ng abokado sa regular basis. Sa pagkain ng abokado, napapababa ang ating cholesterol sa mabilis, epektibo, natural at alang side-effect- na paraan—dahil na rin sa mataas na amount ng oleic acid na makikita sa prutas. Sa pagpapababa ng level ng LDL cholesterol dahil sa mataas na folate content, pinapababa rin ng abokado ang banta ng sakit sa puso.

3. MAHUSAY ANG ABOKADO SA PAG-IWAS SA PAGIGING OVERWEIGHT

Kung nagpapababa ng timbang, wala nang mas mainam at epektibong paraan kaysa pagkain ng abokado, at dahil sa mahalagang kadahilanan. Mayaman ang prutas sa fiber, na kilala sa pagpapabusog ng tiyan at nagpapatagal ng pakiramdam ng pagiging busog sa mas mahabang panahon. Sa average, naglalaman ang isang medium-sized na abokado ng mahigit sa 7 gramo ng fiber, na parehong soluble (natutunaw) at insoluble (hindi natutunaw). Mahalaga ang fibers sa kalusugan ng ating immune system—lalo na sa soluble fiber, dahil nakatutulong ito para tunawin ang mga carbohydrates.

4. PINAGAGANDA NG ABOKADO ANG BLOOD PRESSURE

Ang hypertension ay isang kondisyon na nakaaapekto sa milyon-milyong tao sa buong mundo, at sa kasawiang-palad ay binabalewala ito dahil sa asymptomatic, na ang ibig sabihin ay madalas wala itong ipinapakitang sintomas. Gayon pa man, maraming tao ang nagkikibit-balikat sa kondisyon nila ng hypertension hanggang huli na at nagkaroon na ng matin-ding pinsala sa kanilang puso, mga ugat at daluyan ng dugo (veins at arteries). Makatutulong ang abokado para pababain ang blood pressure sa natural at epektibong paraan, dahil mayaman ito sa potassium at magnesium—dalawang mahalagang compound para sa pagbibi-gay lunas sa hypertension. Sa katunayan, mas mayaman ang abokado sa dalawang nutrient kaysa ibang prutas, tulad ng saging o kiwi fruit.

5. PINAGAGANDA NG ABOKADO ANG DALOY NG DUGO PARA MAGING MALUSOG ANG UTAK

Magkaugnay ang dalawang aspetong ito, dahil maaari lang maging malusog ang utak kapag maganda ang daloy ng dugo sa buong katawan. Subalit napakapangkaraniwan ngayon ang pagkakaroon ng impaired blood circulation, at maka-tutulong ang abokado sa pagpapaganda ng daloy ng dugo, sa kabila ng pagiging fatty food na may mataas na caloric index. Ito angdahilan kung bakit ang abokado ay inirerekomenda para sa may mga edad at matatanda, dahil pinipigil kundi man pinababagal ang ating cognitive abilities.

6. AVOCADOS CAN REDUCE THE RISK FOR BREAST CANCER

Sa nakalipas na ilang taon ay tumaas ang incidence rate ng breast cancer, at ito ay kilala sa pagiging isa sa pinaka-agresibong uri ng kanser. Mabuti na lang dahil ang balanseng dieta na kabilang sa kalahating abokado kada araw ay maaaring makabawas sa banta ng breast cancer, salamat sa mataas na content nito ng monounsaturated oleic fatty acid, vitamin E at lutein. Hindi lamang mayaman ang abokado sa mga carotenoid, kundi nakatutulong din sa ating katawan na makapag-absorb ng mga carotenoid mula sa iba pang mga prutas at gulay. Mainam din ito sapagpigil ng prostate cancer, at pinaniniwalaang pandagdag sa treatment scheme ng nasabing sakit dahil ang tocopherol sa abokado ay nakapag-i-inhibit ng paglago ng mga androgen-dependent prostate cancer cell, ayon sa pag-aaral na lumabas sa Journal of Nutritional Biochemistry. Pinahihinto din ng bitamina E ang tinaguriang mga ‘signaling agent,’ na nagbibigay stimulasyon sa produksyon at reproduksyon ng mga cancer cell, para pabagalin ang progreso ng kanser sa ating katawan.

Paalala:

Sa pagsuma ng lahat ng datos at pag-aaral, nararapat lamang na maging bahagi ng pang-araw-araw na dieta ang abokado, sa anomang paraan na ikokonsumo ito. Alin man sa dahilang masarap ito o nais lang maging malusog, ang superfood na ito ay maraming benepisyo para sa atin. Gayon pa man, nararapat din mag-ingat na hindi lumabis sa recommended daily amount sa pagkain ng abokado, dahil ang prutas na ito ay fatty at maaaring magkaroon ng opposite effect kung kakainin nang marami—lalo na kung kokonsumuhin para sa mga weight-loss property at high fiber content nito.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *