BAHAGI ng kultura ng ating bansa ang pagta-tattoo. Nang dumating ang mga Kastila sa Kabisayaan noong 1500s, nakakita sila ng mga babae at lalaking naninirahan sa isla ng Panay na may tattoo ang halos buong katawan. Kaya nga tinawag silang La Isla de los Pintados o ‘island of the painted ones.’ Ngunit hindi lamang bilang tradisyon, sumimbolo ang mga tattoo sa estado ng mga katutubo sa kanilang komunidad. Ang bawat tattoo ay representasyon sa mga lalaki ng kanilang pagkalalaki at kabayanihan habang sa kababaihan naman ay halaga nila sa kanilang tribu.
Gayon pa man, mayroon din namang madilim na kasaysayan ang pagta-tattoo. May panahon na iniuugnay ang mga taong may tattoo bilang kriminal. Pero salamat sa paglago at pagrami ng mga talentadong Pinoy tattoo artist, ang sining na ito ay unti-unting nakakamit ang dating glorya at karangalan.
Sa ngayon, masuwerte ang mga first-ti-mer dahil marami nang opsyon at pamamaraan para magpa-tattoo. Kung nais n’yong magpalagay nito, narito ang 8 tip na maa-aring konsiderahin bago isailalim ang inyong balat sa matalas na karayon.
‘DON’T ACT ON IMPULSE’
Karamihan ng tattoo na naging lihis o diskaril ay yaong ipinagawa sa gabi ng kalasingan, o plinano ng limang minuto lamang habang nasa loob ng isang tattoo shop. Para sa isang bagay na magiging permanente sa inyong balat, kinakailangan sa pagpapa-tattoo ng lahat ng planong nauukol dito. Kailangan itrato ang pagpapa-tattoo bilang pagtanggap ng reward o karangalan, gaya ng ating mga ninuno noong kapanahunan nila. Huwag na huwag magdedesisyong magpalagay ng tattoo dahil lang maganda ito sa iba. Para maging makahulugan ang tattoo, tiyakin na ito ay may mahalagang dahilan para sa iyo.
PUMILI NG ESTILONG BAGAY SA IYO
Tradisyonal man o moderno, oriental, realistiko, at kung anomang pinagmulan, ang internet ang pinakamainam na reference para sa estilo ng tattoo. Ang pagpili ng estilo ang iyong starting point para sa pagtatakda ng disenyo. Makapagbibigay ang espesipikong estilo ng style overall na pananaw kung ano ang magiging hitsura ng disenyo. Mahalaga ang prosesong ito, dahil ang magkakaibang estilo ay guma-gamit din ng magkakaibang tone na maa-aring maganda o hindi para sa iyo.
PUMILI NG DISENYONG KUMAKATAWAN SA IYO
Pumili ng tattoo na sumisimbolo ng isang aspeto ng iyong pagkatao. Maaaring ito ang pagmamahal mo sa iyong magulang, ang iyong passion para sa sining at musika, o ang iyong hilig sa adrenaline rush. Ang end goal ay magkaroon ng tattoo na nagsasabi ng isang bagay tungkol sa iyo o sa iyong hili o minamahal.
PUMILI NG TATTOO NA NAGBIBIGAY NG INSPIRASYON SA IYO
Hindi ako nagbibiro kung sasabihin ko na isa sa maraming perk ng pagkakaroon ng wastong tattoo ay i-transform ka sa better version ng iyong sarili. Ang isang tattoo na nagbibigay inspirasyon ay maaa-ring maging dahilan ng positibong pagbabago sa iyong buhay. Ang wrist tattoo na nagsasabing ‘haraya’ (imahinasyon) ay maaaring magtulak sa iyo para maging mas mahusay na manunulat. Ang tekstong nagsasabing ‘masaya’ ay mabuting paalala na maikli ang buhay para igugol ito sa pagkamuhi sa kapwa.
HANAPIN ANG TATTOO ARTIST NA PARA SA IYO
Ang mga katulad nina Rakel Natividad, Ryan Bernardino, Ian Cabrido, Dyun Demasupil, at marami pang iba ang nagpataas ng antas ng eksena ng tattoo dito sa ating bansa. Sila ang mga taong nana-ising maging artist para gawin ang iyong tattoo.
Mayroon din mga tattoo artist na kilala sa espesipikong estilo. Kung nais ang watercolor tattoo, maaaring hanapin si Wiji Lacsamana.
Bukod dito, huwag na huwag i-under-estimate ang kapangyarihan ng referral. Ang Facebook ang iyong main access sa debuho ng mga talentadong underground tattoo artist. Ang kailangan lamang ay magtanong sa tamang mga tao.
IHANDA ANG IYONG BUDGET
Hindi mura ang magpa-tattoo. At hindi naman dapat talaga, dahil inaasahan ang mga artist na makalikha ng isang bagay na perfect sa loob lamang ng lang oras. Ang totoo, nagbabayad tayo sa isang piyesa ng art piece na idinebuho sa iyong balat. Tumpak, masakit ito para sa kostumer, pero hindi rin madali ito para sa artist. Isipin na lang ang pagtusok ng karayom sa isang first-ti-mer na may ultra-low pain tolerance. Ang pagbabayad nang tama para sa iyong tattoo ay pagbabayad din nang sapat sa iyong artist, sa kanyang talent at trinabaho. Pagbibigay din ito ng respeto sa kanyang trabaho.
ALAMIN ANG PAG-AALAGA NG TATTOO
Hindi lamang nakadepende sa artist kung paano lilitaw ang iyong tattoo. May bahagi ka rin sa pag-aalaga nito sa paglipas ng panahon. Mahalaga ang tattoo aftercare tulad din ng pagplano sa disenyo nito. Maaaring pag-aralan ang kung paano pa-ngangalagaan ang tinta. At huwag din matakot na magtanong sa iyong artist.
ASAHANG MASAKIT
Ang sinomang nagsabing hindi masakit ang pagpapa-tattoo ay alin man sa mayabang o sinungaling. Nand’yan ang sakit, maaaring tolerable sa ilan. Depende ito sa kung paano ka inihanda. Bukod dito, ang bawat bahagi ng ating katawan ay may magkakaibang level ng reception sa sakit. Mahalagang sumailalim muna sa preconditioning kapag magpapa-tattoo.
May mga taong kinokonsidera ang pagpapa-tattoo na isang meditative experience. Kaya gawin na lang kung alin ang uubra sa iyo—iwasan lang ang pag-inom ng alkohol. Ang dahilan ay pinaninipis ng alak ang iyong dugo, na ang resulta naman ay pagka-obscure ng trabaho kaya nagiging mas mahirap gawin ang tattoo, at kapag nahalo na ang manipis na dugo sa tinta ay lumalabo ito.
KASAYSAYAN NG TATTOO
ANG pagta-tattoo ay isang Eurasian practice simula pa nang panahong Neyolitiko (Neolithic). Natagpuan si Ötzi the Iceman, mula sa ika-5 hanggang ika-4 milenyo BC (Bago kay Kristo), sa lambak ng Alps na mayroong 57 carbon tattoo na kinabibilangan ng simpleng mga tuldok at linya sa ibabang bahagi ng kanyang gulugod (spine), sa likod ng kanyang kabilang tuhod, at sa kanang alak-alakan. Ang mga tattoo na inakalang isang uri ng pagpapagaling dahil ang kanilang pagkakalagay ay may kahalintulad sa acupuncture.
Nakadiskubre rin ang mga siyentista ng mga mummy na may tattoos at nagmumula sa huling bahagi ng ikalawang milenyo BC, halimbawa ang Mummy ng Amunet mula sa sinaunang Ehipto at mga mummy sa Pazyryk sa Talampas ng Ukok.
Malimit sa mga kulturang Pre-Christian Germanic, Celtic at mga tribu sa central at northern Europe ang may mara-ming tattoo, ayon sa mga surviving account sa kasaysayan. Ang mga Pict ay nakilalang maraming tattoo (o mga peklat) na may elaborate na mga disenyo na war-inspired a kulay itim o dark blue woad (o posibleng tanso para sa asul na tone). Inilarawan ni Julius Caesar ang nasabing mga tattoo sa Book V ng kanyang Gallic Wars (54 BC).
Sa Pilipinas, ang tattoo ay bahagi ng pamumuhay ng mga Filipino mula nang pre-Hispanic na kolonisasyon sa mga isla. Sa sinaunang kulturang Pinoy, ang pagpapa-tattoo ay isang uri ng pagpapakita g antas o estado sa lipunan at gayon din ng mga nagawang kabayanihan o kahusayan. Ang iba pa nga’y naniwala na mayroon itong mahikal na kalidad. Ang pinakakilalang mga may tattoo sa Pilipinas ay yaong nasa North Luzon, partikular na ang mga Bontoc Igorot, Kalinga at Ifugao.
Unang nadokumento ang pagpapa-tattoo sa Pilipinas ng mga European Spanish explorer nang lumapag sila sa mga isla noong huling bahagi ng ika-16 na siglo.
Kinalap ni Tracy Cabrera