MARAMING PARAMDAM SI MARY JOYCE KAYA HINDI NA NAGTAKA SI JOMAR NANG TAWAGAN SIYA KINAGABIHAN
Nag-thumb’s up siya kay Mary Joyce.
Pagkalandi-landing ngiti ang iginanti nito sa kanya.
Maagang umuwi si Jomar sa kanyang condo. Doon na lang niya pinagtatawagan ang mga katransaksiyon sa hanapbuhay. Mag-aalas-diyes ng gabi ay namamahinga na siya sa malambot na kama. Nagpatugtog siya ng mga paboritong love songs sa mini-speaker. Ipinikit ang mga mata yakap ang mahabang unan.
Noon naimadyin ni Jomar ang malambot na hipo ng napakakinis na hita ni Mary Joyce. Na-dama niya ang mainit-init na kalamnan niyon. Mala-koryenteng gumapang sa bawa’t himaymay ng kanyang katawan. Pero nagawa pa rin niyang magtimpi noon.
Pamaya-maya ay umalagwa na ang kanyang isipan. Buhay na buhay ang larawan ni Mary Joyce sa kanyang harapan, umiindak-indak,umiindayog ang mga balakang sa pagkembot-kembot at umaalog-alog ang malulusog na dibdib. At sa kanyang imahinasyon pa rin ay unti-unti niya itong hinubaran ng mga kasuotan. Ay! Kahit ang kasuluk-sulukang bahagi ng katawan nito ay pagkaputi-puti. At humahalimuyak pa sa kabanguhan.
Tumunog ang ringtone ng cp ni Jomar. May tumatawag sa kanya. At si Mary Joyce ang nabosesan niyang nag-”hello.”
“O, ikaw pala…” aniya makaraang makapag-”hello” at “good evening.”
“Sabi ko sa ‘yo kanina tatawagan kita, di ba?” paalala ng dalaga sa kanya.
“Ah, yes…” ang sagot niya.
“Libre ka ba tonight?” tanong pa ng kausap niya sa cellphone.
“Ikaw pa! Matatanggihan ba kita?” tawa ni Jomar.
Nagpasundo kay Jomar si Mary Joyce sa isang gasoline station na malapit lang sa village na inuuwian ng pamilya-Revillaroja. Naroon na ang sasakyan ng dalaga pagdating niya sa nabanggit na lugar. Lumipat ito sa minamaneho niyang kotse. At iniwan na lamang nito sa gasolinahan ang bagongbagong biling sportscar na kulay pink.
“Sa’n tayo?” ngiti ni Jomar sa pagtatanong kay Mary Joyce.
Walang sabi-sabing hinagkan siya nito sa bibig. Mariin. Pakuyumos. Halos kapwa sila napahingal nang magkalas ang kanilang mga labi.
“Ano, magtatanong ka pa? “ halakhak ng dalaga.
(Itutuloy
ni Rey Atalia