Tuesday , December 24 2024

Dear Teacher (Ika-5 labas)

HABANG INOORGANISA ANG REUNION PATULOY ANG PAG-INOG NG MGA ALAALA SA BATCH 2004

Walang retrato ang katabing kahon ng larawan ni Anthony. Hindi kasi nakapagsumite ng 2 X 2 picture si Adrian, ang salutatorian sa klase ni Titser Lina. Gayunman, sa kanyang alaala ay nananatili siyang buhay. Sa obserbasyon niya noon, likas sa pagkatao ni Adrian ang pagiging kimi at tahimik. At sinasabi ng mga kaibigan, kaki-lala at kamag-aral na tila “may sariling mundo” si Adrian — mahilig maggitara at kumanta-kanta. Paborito niya ang “Ima-gine” ni John Lennon ng Beatles.

Hindi kaila kay Titser Lina na kabilang ang mga magulang at kaisa-isang kapatid ni Adrian sa mga nangasawi sa paglubog ng isang pampasaherong bangka noong taon 2000. Ipagagamot sana ng nanay at tatay niya ang kapatid na babae na may malubhang kaso ng malnutrisyon nang maganap ang trahedya sa karagatan. Grade six pa lamang siya noon sa elementarya.

Sa loob ng klase ay hindi pinaiiral ni Titser Lina ang paboritismo. Pero mas na-ging malapit ang loob niya kay Adrian kaysa ibang estudyante dahil marahil pareho silang ulilang lubos. Nakita rin niya ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa ni Adrian gaya ng Tatay Celso niya. Tulad pa rin ng kanyang ama, siya ang klase ng tao na lagi nang kontra sa ano mang anyo ng kabuktutan.

Muling nagkita-kita sa maliit na restoran ang dating mga magkakaklase na sina Edna, Rowena, Liza, Teddy at Emil. Sa pagkakataong iyon, ang dating lima-katao na nag-oorganisa ng reunion ay naging mahigit isang dosena. Naniniwala sila na sa paggamit ng kani-kanilang cellphone at Facebook account ay lalong mapabibilis ang pag-anunsiyo sa inihahandang reunion ng Batch 2004.

Nagkakwento-kwentohan ang mga dating magkakaklase sa harap ng sari-saring meryenda. Napag-usapan nila ang kani-kanilang alaala sa high school. Naging paksa ang buhay ng bawa’t isa at maging ang buhay ng wala roon na mga ka-batch.

Karamihan sa Batch 2004 ay may kanya-kanyang asawa at pamilya na. May mga naging OFW. Ang iba ay nanirahan sa malalayong lugar at napadpad sa Kalak-hang Maynila.

“Pero teka… bakit kaya nagpakatandang dalaga si Titser Lina?” naitanong ni Rowena sa kaumpukang mga kababaihan.

“Oo nga… Ba’t kaya ‘di siya nag-asawa?” ang sagot ni Ena na patanong din.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *