Tuesday , November 5 2024

Bahay, kalusugan protektahan (Sa Sureseal “Iwas-Crack” sealant)

TUWING tag-ulan sa Pilipinas hindi na kataka-taka ang tumutulong bubong. Kaya nariyan na ilalabas ang mga timba, palanggana, kahit kaldero, para saluhin ang mga tulo.

Pero alam n’yo bang hindi lang ang bahay ang nasisira ng mga tulong ito, kundi pati ang kalusugan ng pamilya?

Ang mga tulo mula sa bubungan ay nagiging dahilan ng pagkasira ng mga kulay sa kisame at mga dingding. Maaari itong maging sanhi ng pagkabulok ng mga kahoy na bahagi ng bahay at maaari rin pahinain ang mga konkretong pader at mga pundasyon.

Pero mas delikado kapag tuloy-tuloy ang tulo sa loob ng tahanan dahil nag-iiwan ng basa, singaw at halumigmig (moisture) na gustong-gusto naman ng mga mikrobyong nagdadala ng sakit.

Kabilang sa mga mikrobyong ito ang amag, bacteria, virus, at “dust mites” (mga maliliit na insektong nagiging dahilan ng hika at allergy).

Ayon sa mga doktor, ang amag ay sanhi ng allergy, ubo, at dahilan rin ng pagsumpong ng hika.

Maaaring mas malalang sakit tulad ng pagbabara ng baga sa mga taong may mahinang pangagatawan.

Tumutubo kahit saan ang amag at mas madalas sa bahaging malimit mabasa o magkaroon ng singaw o halumigmig.

Gaya ng nabanggit kanina, ang “dust mites” ay lumalabas sa bahagi ng bahay na medyo mainit, nababasa, at nagkakaroon ng halumigmig.

Bukod sa pangangati at pagluluha ng mga mata, pagbahing at iba pang sintomas ng allergy, ang dust mites ay maaari pang magdulot ng hika at ibang mga problema sa baga.

Ang halumigmig ay nagpaparami ng bacteria at virus. Kapag mas madalas at mas marami ang tulo mula sa bubungan, mas marami ang naiipong singaw at halumigmig sa loob ng tahanan. Ito ang gustong-gusto ng bacteria at virus.

Kaya hindi nga ba, kapag tag-ulan, marami sa atin ang nagkakaroon ng mga sakit tulad ng sipon, ubo, trangkaso, pulmonya, at maski TB o tuberkulosis.

Ang bahay na madalas magkaroon ng tulo ay mas pinamumugaran ng mga daga at ipis. Ang mga pesteng ito ay hindi lang nagiging sanhi ng allergy; nagdadala rin sila ng iba’t ibang sakit.

Kaya kung ang bahay ninyo ay may mga tulo, tapalan ang mga butas sa bubungan gamit ang Sureseal elastomeric sealant na may “Iwas-Crack” formula. Madali lang itong ipahid sa bubong, alulod, at maski sa mga metal na tangke ng tubig.

Ang ibang mga produktong pantapal sa mga tulo ay natutuyo, nagbibitak, at nabibiyak dahil sa pabago-bago ng panahon sa Pilipinas—mula sa napakainit na tagtuyot, nagkakaroon naman tayo ng ulan, bagyo, at baha.

Ang mga pagbabago sa panahon ay nagpapabago rin sa temperatura ng bubungan, alulod, at iba pang metal na bahagi ng bahay—kaya ang mahinang klaseng pantapal o sealant ay nabibiyak. Ang resulta? Nagkakaroon muli ng tulo sa loob ng bahay.

Kaya pinakamabuting piliin na pantapal sa mga butas at tulo ang Sureseal elastomeric sealant na may “Iwas-Crack” formula. Sa Sureseal, nakasisiguro tayo na ang ating tahanan ay ‘di masisira ng mga tulo, ang ating mga mahal sa buhay ay protektado laban sa mga sakit ngayong tag-ulan. Para sa karagdagang impormasyon, magpunta sa: jardinedistribution.com.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *