Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Herbert, pinatunayang mabuti siyang ama (Sa pagpili sa mga anak)

ni Ed de leon          

TAMA lang naman ang sinabi ni Mayor Herbert Bautista at hindi na talaga kailangang magbigay ng ano pa mang comment si Kris Aquino,kahit na obviously ay nasaktan siya sa sinabi ng mayor na nagkagusto rin sa kanya, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang mga anak. Sino ba naman ang makapagsasabing mali ang isang ama na nagbigay halaga sa damdamin ng kanyang mga anak?

Nagkabiglaan kasi eh. In the first place hindi naman dapat naging ganyan iyan, kung binigyan lang siguro ng panahon ni Kris na makausap muna ngvtama ni Mayor Bistek ang kanyang mga anak tungkol sa kanilang magiging relasyon sana. Kaso ang nangyari, bigla na lang siyang gumawa ng announcement sa telebisyon na mayroon nga silang namumuong relasyon ng mayor. Totoo raw namang napag-usapan nila iyon, pero hindi ganoon katindi ang alam ng mayor. May mga ipinaaalis nga raw iyon sa prepared statement sabi ng isa naming source, pero sinabi pa rin ni Kris dahil sa advice umano ng isang kasama niyon sa show na sabihin iyon. Nabigla siyempre ang mga anak ni Mayor Bistek. Nag-react din siyempre ang kanyang common law wife, na kahit na hiniwalayan na niya seven years ago pa, siya pa ring itinuturing na first lady ng Quezon City. Aba isipin mo nga naman iyong para kang biglang natapon.

Iyong mga anak ni Mayor Bistek sa una, hindi na ng-react eh. Sanay na sila sa ganoong sitwasyon dahil napagdaanan na nila iyon eh. Eh doon sa pangalawa, kahit na nga hiniwalayan na niya, nakaporma pa rin kaya mahirap iyon.

Pero hindi sinabi ni Mayor Bistek na umatras siya sa panliligaw kay Kris dahil sa kanyang common law wife. Hiwalay na nga sila eh. Kaya hindi mo masasabing may hindi maganda sa intentions niya. Talagang libre naman siyang ma-in love ulit. Binata naman siya legally, iyon nga lang may apat na anak din siya.

At saka may katuwiran din namang pumalag ang mga anak ni Mayor Bistek. Nakakasama lang niya ang mga iyon kung may okasyon dahil busy din siya sa trabaho. Tapos kung natuloy nga naman ang relasyon nila ni Kris, mas pakikisamahan niya ang dalawa pang bata na hindi naman niya anak. Aba malabo nga naman iyon.

Pero sa sinabi niya, napatunayan ni Mayor Bistek na mabuti rin siyang tatay kaya ang masasabi lang namin ay “happy fathers’ day”.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …