MAHIGIT 800 sanggol at bata ang inilibing sa isang ‘grave’ sa Ireland malapit sa tahanan ng mga inang walang asawa na pinangangasiwaan ng mga madre.
Lumilitaw sa mga death record na 796 bata, mula sa mga bagong silang hanggang sa mga 8-anyos, ang idineposito sa isang libingan malapit sa Catholic-run home for unmarried mothers sa mahabang operasyon nito na umabot sa 35 taon mula 1925 hanggang 1961.
Ayon sa historian na si Catherine Corless, siya ang nakadiskubre sa mass grave, may indikasyon sa kanyang pag-aaral ng death records para sa St. Mary’s home sa Tuam sa County Galway na isang dating septic tank o pozo negro na malapit sa nasa-bing tahanan ang gina-wang libingan ng mga sanggol.
Ang pozo negro, na punong-puno ng mga buto at kalansay ay nadiskubre noong 1975 makaraang madurog ang kongkretong takip nito.
Inisyal na pinaniwalaan na ang mga labi ay resulta ng Great Irish famine noong 1840s kung kalian ay daan-daang libo ang namatay.
Ang St. Mary’s, na pinangangasiwaan ng Bons Secours Sisters, ay isa sa mara-ming ‘mother and baby’ home na itinayo noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa Ireland.
Libo-libong buntis na dalagang-ina—na binansagan noon na ‘fallen women’—ang ipinadala sa mga nasabing tahanan para doon magsilang ng kanilang mga sanggol. Makikita sa death records ng St. Mary’s na ang 796 bata ay namatay dahil sa malnutrisyon at mga nakahahawang karamdaman, tulad ng tigdas at sakit sa baga.
Kinalap ni Tracy Cabrera