NITONG Martes ay tinalakay sa kolum na ito ang illegal recruitment ng mga overseas worker at ang mistulang “encouragement” na nakukuha mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa mga estriktong polisiya ng ahensiya.
Tatalakayin naman natin ngayon ang maha-lagang kaibahan ng mga illegal recruiter sa mga lehitimong recruitment agency.
Legal ang recruitment ng mga lisensiyadong agency. May proseso para makakuha ng mga kinakailangang lisensiya mula sa POEA, at ang mga iniaalok na trabaho sa ibang bansa ay bineberipika ng ating mga labor attaché sa ibang bansa o onsite. Sa madaling salita, mahigpit ang monitoring sa aktibidad nila at regulated ng gob-yerno. Mayroon rin bonds para panagutan ang claims ng mga manggagawa at dinidisiplina kapag may paglabag. Handa rin sila sa mga problemang legal at pinansiyal kapag nagkaroon ng paglabag sa recruitment kapalit ng pagiging lehitimo.
Kabaligtaran naman nito ang mga hindi lisensiyadong illegal recruiter. Sinasadya nilang ila-yo ang kanilang mga recruit sa karamihan sa mahahalagang protective mechanisms ng gobyerno at ng mga lisensiyadong agency.
Kadalasang hindi nalalaman ng gobyerno kapag nagkaproblema ang mga nasabing manggagawa maliban na lang kung nagpasaklolo sila sa ating mga labor post. Dahil hindi nakarehistro, hindi sila makatatanggap ng emergency repatriation at ng iba pang tulong mula sa OWWA o mga recruitment agency. Pinakalantad sila sa exploitation sa ibang bansa. At dahil karamihan ay palihim ang operasyon ng kanilang mga recruiter, pahirapan din ang pakikipaglaban nila para sa hustisya sa mismong kanilang bayan.
Kulang na kulang ang gobyerno sa pagsawata sa mga aktibidad ng mga illegal recruiter. Kailangang-kailangan ngayon ang makakita ng paborableng resulta.
Ang pamamayagpag ng mga hindi lisensi-yadong dream merchant, sa kabila ng pinaigting na mga patakaran at mas matitinding parusa sa nakalipas na mga taon, ay nananawagan ng seryosong pagbusisi sa paraan ng pagtugon ng gobyerno sa isyu.
Malinaw na hindi epektibo ang pinaigting na mga regulasyon. Ang pagkakaroon ng napakaraming patakaran ay mas nagpapahirap lang sa pagpapatupad nito kaya naman mas nagi-ging imposible ang mga inaasahan nating resulta. At nagbibigay-daan din ito para lumala ang korupsiyon.
Hindi puwedeng pabayaan na lang ang POEA at Department of Labor and Employment (DoLE) sa paglalabas ng mga statistics tungkol sa dami ng manggagawang na-repatriate o naayuda-han, at sa bilang ng mga agency na napanagot o natanggalan ng lisensiya. Statistics lang ang mga ito habang patuloy na namamayagpag ang illegal recruitment.
Hindi substitute ng outcomes ang output. Hindi kuwestiyon kung ilang daang lisensiyadong agency (na napatunayang lumabag sa mahihigpit na patakaran) ang naipasara. Sa halip, ito ay kung nakatulong ba ang sunod-sunod na pagpapasara at suspensiyon (dahil sa maliliit o matitinding violation) para matiyak ang kaligtasan at pag-asenso ng ating mga manggagawa?
Sigurado akong alam ni POEA Administrator Hans Cacdac, isang gurong gaya ko, na ang patunay ng isang epektibong polisiya ay kung nagagawa ba nitong mas ligtas ang pagtatrabaho sa ibang bansa at mas tagumpay sa pagpapayaman ang mga manggagawang Pinoy.
Sa ngayon, sarkastiko mang isipin, ay mistulang nagbibigay ang POEA ng mga insentibo sa mga illegal recruiter sa pagkakaloob sa kanila ng mas malaking advantage kaysa mga lisensiyadong agency na umaaray sa mga patakarang pahirapan ang pagtupad. Ang malala pa, inila-lantad nito ang lisensiyadong recruiters sa tukso para sila mismo ay magsagawa ng illegal recruitment.
Sa kasalukuyan, mistulang there’s more fun in illegal recruitment.
Pero puwera biro, para maging mas epektibo ay dapat nang tigilan ng POEA at DoLE ang paggawa nang paggawa ng mga bagong patakaran para resolbahin ang mga isyu at dapat magkaroon ng mas pro-active at strategic na pag-iisip.
Makalipas ang mahigit 30 taon karanasan sa overseas employment program, dapat lang sigu-rong ito ang asahan sa mga opisyal ng POEA.
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.
Robert B. Roque, Jr.