Friday , November 22 2024

Facebook, Google pumalag kay Uncle Sam

PATULOY na ipinaaalam ng Silicon Valley sa kanilang mga users ang data requests ng  mga awtoridad sa pamamagitan ng subpoena sa kabila ng ‘utos’ na ilihim ang kahilingan nila.

Ipinahayag ng Apple, Facebook, Google, Microsoft at Yahoo, na kanilang ipinapaalam sa sa kanilang mga kliyente na hinihingan sila ng mga awtoridad para isumite ang mga natatanging impormasyon pero hindi nila ginawa.

Ang Silicon Valley, kinikilalang sentro ng makabagong teknolohiya ay nagpaabot sa kanilang mga kliyente ng mga datos na hinihingi  ng pamahalaan sa papamagitan ng subpoena, sa kabila ng kahilingan ng mga awtoridad na panatiliin ang “level of secrecy.”

Sa ulat ng The Washing Post, Apple, Facebook, Google, Microsoft at ang Yahoo ay dinagdagan ang kanilang polisiya para ipaalam sa mga kliyente ang data request kung ang isang huwes o isang kilalang awtoridad  ay naghain ng “gag order.”

Ang nasabing usapin ay “technically unrelated to surveillance matters” pagbubunyag ng whistleblower na si Edward Snowden.”

Maging ang National Security Agency at ang Foreign Intelligence Surveillance (FISA) Court ay sangkot sa data request.

Pero ang bagong polisiya ng kompanya ay isang malinaw  na reaksiyon sa pagkapahiya na dinanas  ng mga kompanya bunga ng nasabing pagbubulgar.

Simula sa nasabing pagbubulgar ng “NSA surveillance programs,” ang mga kompanya ay nagpakita na hindi sila pabor  na ibigay sa pamahalaan ang libreng datos galing sa kanilang mga kliyente.

Karamihan sa kanila ay inireklamo ang pamahalaan sa FISA court sa karapatan na maglabas ng mga datos hinggil sa mga inihaing kahilingan.

Nagkaroon ng pagkakasundo na ang ilang piling datos ay inilabas nitong Pebrero.

Ang Silicon Valley ay hindi na maglalabas ng mga lihim na FISA figures, at ng mga sinundan na buwan pagkatapos ng pagbubulgar ni Snowden.

Kinonsulta ng ZDNet ang ilang legal experts, lawyers, at academics  nitong  Nobyembre, at ang nagkakaisang tugon ay they “don’t know” na dapat lang dahil ano ang mangyayari kung inilabas ng mga kompanya ang mga datos sa kabila ng “restrictions.”

Ayon kay  Deborah Caldwell-Stone, deputy director for the Office of Intellectual Freedom at the American Library Association, nakipag-usap siya sa ZDNet noong nakaraang taon, “any number of financial or custodial penalties could be applied to individuals known to be aware of FISA orders.”

“We don’t have a factual basis to go off,” she said, describing how experts could only speculate because the law itself does not specify what such penalties might be. However, at very least, violating a gag order would amount to contempt of court,” aniya.

Kung ang kompanya ay maglabas ng nilalaman ng FISA order, mananagot sila sa batas at papatawan ng multa ng FBI sa paglabag “of those security clearance agreements,” ayon kay Patrick Toomey, isang staff attorney sa American Civil Liberty Union’s (ACLU) National Security Project.

Sa konteksto ng Internet records, ang datos ay hawak ng ikatlong partido—ang pinakamalaking kompanya ang nasa usapin—ang korte ang nagpasya sa pagbubulgar ng tech company.

Ngunit nagpasya ang  tech companies na igiit ang karapatan ng mga konsyumer para harapin ang sinasabing subpoenas. Ang artikulo sa Washington Post ay nagpahayag na walang indikasyon na ang pamahalaan ay nangangahas na ipilit ang usapin, at sa katunayan ang bagong polisiya ay nagtulak sa maraming  sangay ng pamahalaan  na umatras.

Ang nagkakaisang hakbang ay ikinonsidera ng mga kompanya habang nasa kasagsagan ng pagtatalo hinggil sa paglalabas ng  “aggregate FISA request data.”

Ang legal na implikasyon ng nasabing aksyon  ay hindi malinaw, pero sa ganyang usapin ang mga partido na gumagalaw sa ilalim ng kapangyarihan ng FISA court. Ang “data requests” ay nagaganap sa lahat ng antas ng pamahalaan.

Ang mga mahistrado ng US, na duminig sa hiling ng  “Federal authorities for user data,” ay nagsimula rin magtulakan laban sa isa’t isa.

Ang  EFF ay mayroong tuloy-tuloy na pag-uulat na nakarating ang mga kompanya para protektahan ang “user privacy.”

Ang pinakabagong ulat ay makikita sa Dropbox, LinkedIn, Sonic.net, SpiderOak at Twitter na nagsasabi sa mga kliyente hinggil sa “data demands, with Google getting partial credit.”

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *