Monday , December 23 2024

Poison pen letter

NOONG nakaraang linggo, nakatanggap ako ng sulat mula sa isang hindi nagpakilala.

Normal lang para sa mga kolumnista ang tumanggap ng mga impormasyon, minsan ay mula sa mga hindi nagpakilalang sumulat o tumawag. Ngunit may limitasyon na itinatakda ang mga responsableng mamamahayag para sa kanilang sarili bilang isang unwritten law—ang pagtukoy sa lehitimong puna, reklamo o constructive criticism laban sa isang simpleng black propaganda, o poison pen letters na malisyoso, masama at nakasisira.

Ang liham na natanggap ko ay kabilang sa huling kategorya. Nagdedetalye ito ng napakaraming masasamang bagay laban kay Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado. Ngunit ang demolition job laban sa kanya ng kanyang mga kalaban sa politika ay sumabog sa mismong mga mukha nila.

Isang linggo makaraang magsampa ng plunder ang isang Antonio Manganti ng Barangay Camachile, Doña Remedios Trinidad, laban kay Sy-Alvarado at sa anim na matataas na opisyal ng Kapitolyo, malinaw na ngayon na ang mga isyung ito na nagsimulang kumalat bilang “white paper” ay isang black propaganda.

Si Manganti, ayon sa mga espiya ng Firing Line, ay isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa gobyerno at nagtrabaho bilang Security Agent II sa Kapitolyo noong panahon ng termino ni dating Gov. Joselito Mendoza.

Ayon sa mga eksperto sa politika, ang mga paninirang ito laban sa kasalukuyang gobernador ay bahagi ng malaking plano upang hindi mabunyag ang isang umano’y maanomalyang transaksiyon na may kaugnayan sa North Food Exchange (NFEx) na binuo at ipinatupad noong termino ng dating gobernador at ngayon ay Postmaster General Josie dela Cruz na ipinagpatuloy sa termino ng pumalit sa kanya, ang kapatid niyang si Joselito o “Jon-Jon,” na kongresista na ngayon ng ikatlong distrito ng probinsiya.

Ang NFEx ay isang special economic zone sa Balagtas na binuksan para maging distribution hub ng Northern Luzon. Layunin nitong hikayatin ang pagtatayo ng mga agricultural tra-ding center upang maiwasan ang mga middleman transaction at tsansa sa korupsiyon habang pinagbubuti ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda at ginagawang abot-kaya ang mga pangunahing pagkain.

Kaya naman malinaw na ngayong ang mga akusasyon ay bahagi ng planong “recall” laban kay Sy-Alvarado. Pero ibang istorya na ‘to. At tiyak nang walang kahahantungan dahil mahihirapan na ang Preparatory Recall Committee ng Comelec na beripikahin ang dami ng mga bo-tong kinakailangan sa recall bukod pa sa magi-ging magastos ang proseso, ayon sa kaibigan ko’ng election lawyer.

At hindi rin natin dapat kalimutan na walang lumaban kay Sy-Alvarado nang kumandidato siya noong nakaraang eleksiyon.  Paano mo patatalsikin sa puwesto ang isang gaya niya?

***

Sinabi ng isang political analyst na kasama ko’ng nagkape na maraming dapat ipaliwanag sa mga Bulakenyo ang dalawang dating gobernador pagdating sa NFEx project at posibleng gamitin nila si Sy-Alvarado.

Binuksan ang NFEx matapos itong iparehistro ng pamahalaang panglalawigan noong panahon ni Gov. Josie. Ang provincial government ang may pinakamalaking share na nasa 50 porsiyento, habang ang natitirang 50 porsiyento ay hahati-hatiin sa mga partner sa pribadong sektor at sa mga non-government organization. At dahil pag-aari ng pamahalaang panglalawigan ang karamihan ng shares, ang gobernador ng pro-binsiya ang magiging chairman.

Noong panahon ni ex-Gov. Josie, siya ang chairperson. Nang ang kapatid niyang si Joselito ang naupong gobernador, nanatili pa rin bilang chairperson ang kapatid niyang si Josie. Natuklasan din na isang linggo bago nanumpa si Sy-Alvarado bilang gobernador ng Bulacan ay isinuko ng dating provincial administrator ni Gov. Jon-jon ang controlling shares ng pamahalaang panglalawigan at pinahintulutang madagdagan ang capital shares ni ex-Gov. Josie, hanggang ang huli na ang maging major stockholder ng NFEx. Ginawa ang nasabing hakbang nang walang authorization mula sa Sangguniang Panglalawigan o Provincial Council.

Dahil dito, napaulat na lumobo sa nakalululang 90 percent ang shares ni ex-Gov. Josie, habang ang share ng pamahalaang panglalawigan ay nabawasan sa kakarampot na 10 percent na lang.

Kung totoo ito, malinaw na pag-aari na ng pamilya ng mga dating gobernador ang pinakamalaking bahagi ng shares gayong dapat na nasa pamahalaang panglalawigan ang controlling stocks.

Marami ang nagtatanong kung sino ba talaga ang malinis at sino ang naglilinis-linisan. Pero sa palagay ko, ang smear campaign laban kay Gov. Sy-Alvarado ay simple lang: itim sa puti.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *