MUKHANG nawawala sa senaryo ng Senate rice smuggling investigation si dating National Food Authority (NFA) administrator LITO BANAYO.
‘E hindi ba sa kanyang administrasyon sumirit umano ang rice smuggling ni David Bayaran ‘este Bangayan y Tan!?
Naniniwala tayo sa sinabi ni Senator Ralph Recto na ang MODUS OPERANDI sa rice smuggling ay ‘yung style “to follow ang import permits.”
Nand’yan na ang bigas sa PUERTO at naghihintay na lamang ng NFA import permits.
Kaya hindi tayo nagtataka na mayroong isang ‘bagman’ na sinasabing malapit na malapit kay Bayadnyo ‘este’ Banayo ang nakabili noon ng magagarang kotse, bahay at lupa sa Tagaytay gayon din sa Sta. Rosa sa Laguna.
Huwag natin kalimutan ang nangyari sa Subic na mismong si Pangulong NOYNOY ang nag-utos kay dating Customs Commissioner Ruffy Biazon na i-HOLD ang daan-daang container ng bigas dahil wala ngang ‘IMPORT PERMITS.’
Balita nga natin ay nagkaroon pa ng “DOUBLE CROSS” sa kargamentong ‘yan. Bayad na ang mga tongpats sa NFA at Customs pero sa huli ay bumaligtad rin sila?!
Ano po ang gusto nating puntuhin dito, kung seryoso ang Senado na makakuha ng ‘masustansiyang detalye’ para sugpuin ang rice smuggling ‘e ipatawag at imbestigahan ninyo si Banayo!
Pati na ang kanyang mga biyahe sa Hong Kong, Bangkok at Vietnam ay busisiin ninyo.
Kapag may UMARAY, ‘yun na ‘yun!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com