Monday , December 23 2024

Human Rights violators ba talaga ang mga tao ni Erap?

00 Bulabugin JSY

WEDER-weder daw nila kaya ‘MAKAPAL ang MUKHA’ ng isang Fernando Luga ‘este’ Lugo, officer in-charge ng DPS sa District III na lumabag sa HUMAN RIGHTS at manakit, manakot at mambaluka ng baril sa taga-Barangay 659-A.

Hindi natin alam kung ano ang gustong patunayan ni Kulugo ‘este’ Lugo …

Kailangan pa bang manakit ng barangay kagawad at barangay tanod ni Luga ‘este’ Lugo para lang kilalanin siya ng tao na siya ang DPS chief sa District III?

Hindi ba kayang i-establish ni Lugo ang kanyang liderato kung hindi siya mananakit?!

Napaka-BARBARIKO namang aksyon ‘yan.

Ang tinutukoy natin ay ang ginagawang pangha-harass ng grupo ni Lugo sa mga vendor (na matagal nang inirereklamo sa atin) at pambubugbog, pananakot at pagkakasa ng baril kay kagawad Robert at barangay tanod Roger ng Barangay 659-A.

Si kagawad Robert ay nagkapasa sa mukha, habang ang tanod na si Roger ay hindi makalakad nang hampasin ng tubo at dos por dos ng sandosenang tauhan ni Lugo!

At mukhang hindi pa nagkasya, kinasahan pa ng baril ni Lugo ang mga binugbog ng mga tauhan niya.

Sonabagan!!!

Attention PNP-MPD, awtorisado na palang magdala ng baril ang taga-DPS ngayon?! (Ipinagmamalaki umano ni Lugo, na binigyan siya ng permiso ni Erap na magdala ng baril … kailan pa naging PNP firearms chief si Erap?)

Hindi lang si Kulugo ‘este’ Lugo ang may dalang baril, isang Marko Sharif na nagpapakilalang tuta ‘este’ tauhan niya na sobrang yabang at palaging may bitbit na baril ang paikot-ikot d’yan sa opisina ng DPS at kung umasta e parang ‘lehitimong’ sapak ‘este’ parak.

Paano ngayon maniniwala ang mga Manileño na inaayos umano ang PEACE & ORDER under Erap administration kung mismong mga tao niya ang unang-unang lumalabag sa human rights?

‘E sa totoo lang, ayon sa mga taga-Barangay 659-A mula nang dumating si Lugo at ang kanyang grupo sa kanilang barangay ay lumala ang kaguluhan.

D’yan kasi sa Arroceros dinadala nina Lugo ang nakulimbat este mga naharbat, mali na naman, nakompiska nilang mga paninda mula sa mga pobreng vendor.

D’yan pinaghahati-hatian at pagkatapos ay iiwan na ang sandamakmak na basura at kalat.

Sabi nga ni Brgy. Chairman Ligaya, “naturingan mga taga Anti-Littering group pero sila ang numero unong nagkakalat sa aming barangay mula sa mga ninakaw ‘este hinakot na gamit ng pobreng vendors sa Divisoria.”

‘E kung ganyang mga tauhan mismo ni Erap ang pagala-galang may sukbit na baril, sino pa ang maglalakas-loob na sitahin sila?!

Meron bang REIGN OF TERROR ngay0n sa Maynila?!

Pakisagot lang po MPD DD Gen. Isagani Genabe, Jr.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *