NOONG time ni Commissioner Biazon sa Bureau of Customs, may balitang aabot sa sampu, yes, sampu, ang bilang ng mga tinatawag na aktibong mga player (technical smuggler) na naghahasik ng lagim at tila hindi man lamang sila ginagalaw ng mga awtoridad noon.
Hindi naman seguro ibig sabihin na goodbye sa kanila ang smuggling tulad ng bias na pinaka-lukratibo sa lahat dahil sa laki ng profit nila (smuggler) at ng mga kickback sa mga protector or coddler nila sa loob ng Bureau maging sa labas tulad ng Malacañang. Hindi naman basta babanat ang mga smuggler or player na assurance ng protection. After all, milyon-milyon din ang puhunan nila sa smuggling.
Bago tayo magbanggit ng ukol sa aabot sa sampu na player sa customs, itong bias ang pinakamalakas pagtubuan dahil ang taripa nito kung talagang idedeklara at ibabayad sa customs ay 50 percent, yes 50 % o kalahati nang bilhin. Isama pa rito ang ten percent VAT ‘e ‘di 60 porsiyento na.
Halimbawa, ang halaga ng bigas na angkat ay P10-M, P6-million more or less ang dapat ibayad na buwis. Karaniwan na ay construction material and declaration imbes bigas dahil ito ay kasing bigat ng bigas ang timbang.
Ang balita noong time ni Mr. Biazon isang nanay ng isang mataas na opisyal ng Bureau ang mayhawak ng plastics resins na sobrang in demand sa bansa dahil napakaraming gamit sa atin at sa ating tahanan. Ito ang napakatunog na tsismis noon. Iyon namang bigas at ibang agricultural products naman daw, in-law na babae ng isang mataas na customs official ang may hawak. Paano ngayong magla-lie low ang rice at resins smuggling.
Ang nangyayari tuloy, ang mga collector, mga taga-Customs enforcement at intelligence kasama na ang mga
small Indians ‘ika nga (assessmenbt, smalltime cops, intel agents), s’yempre mas mataas ang puwesto, mas malaking ‘di hamak ang kanilang regular take or kickback.
Kaya kung basta babayaan na lang sila ay makapag-resign or early retirement na ni walang gagawing step ang mga bagong leadership ng Bureau ang hindi matitigil ang impunity na tulad ng protection scam. Baka ang mangyari niyan, it pays to steal or it is fun selling protection to smugglers.
Yes, sampu ang lumulutang na mga pangalan. Halimbawa bukod kina “Big Mama” (she got her title while she was just starting her illegal activirty at NAIA more than three decades ago), “Ma’am T” at one “David Tan.” Kataka-taka na patalon lang ang pinalutang ng sinasabing sources sa bureau. Bakit hindi man lang nasanggi ang isang “Manny S,” “J Tolentino” at iyong Magnificent Seven sa Cebu na kuno ay siyang nagpapatakbo ng rice cartel sa Bisaya tulad ng Cebu at Mindanao.
Dahil ang smuggling ang pinakamada ling pagkakitaan ng syndicate members na malalim masyado ang konek sa mga opisyales sa ahensya, para kang humahanap ng karayom sa salansan ng dayami. Isang big problema ng awtoridad ay sapagkat walang paper trail sa mga hunghang na player. Ibang brokerage firm ang ginagamit, pero nakalutang ang pangalan nila tulad ng isang “David Tan.” Itong si David Tan, may balitang may hawak na several brokerage/trading firms na ginagamit sa smuggling. Basta raw sabihing kay David Tan, the new player on the block, tuloy-tuloy ang palusot na bigas. Isa pa nakatimbre lahat dapat ang sino mang magparating ng bigas at iba pan mga item.Kung hindi tigpas ang leeg ng mga huhuli sa kanya. Kaya pikit-mata na lang ng mga bantay salakay. Tutal kita rin sila. Untouchable ‘ika nga si David Tan na about 32 years old lang.
Para sa mga bagong opisyales ng Bureau, laliman ninyo ang investigation dahil saksakan ng lalim ang operation ng mga ssindikatong ‘yan.
Arnold Atadero