Sunday , December 22 2024

Likidong ginto

SA matinding init ng panahon at sa kawalan ng pag-asa sa gitna ng disyerto, magiging alipin sa presyo ng tubig ang isang biyahero. Sobrang pahirapan ang sitwasyon at handa ang sinoman na ipagpalit ang lahat niyang bagahe para sa isang inuming makapagliligtas ng buhay.

Sa Metro Manila, nakagugulat ang presyo ng bottled water. Para na itong likidong ginto. Para sa 330 ml ng mineral water sa convenience store, gagastos ka ng P10. Kung sa isang food cart sa mall mo ito bibilhin, nasa P20 na ito.

At sa karamihan sa atin na naniniwalang sulit ito, baka gusto n’yong mag-isip-isip muna. Tingnan n’yo na lang ang lagi nang tumataas na presyo ng gasolina. Alam n’yo ba kung magkano na ang unleaded gasoline ngayon? Nasa P52.20 kada litro. Hindi na ako masosorpresa kung isang araw ay magkaroon ng panibagong mass transport strike sa Metro Manila laban sa taas-presyo ng gasolina.

Iboboykot siguro ng mga mamimili ang Coca-Cola kung sisingil ng karagdagang P5 sa kada litro ng kilalang softdrink flavors. Sa ngayon, ang 1.5 liter ng Coke ay nagkakahalaga ng P48.

Pero wala naman kaso sa iba kung singilin sila ng isang magandang restaurant ng P60 para sa isang 350 ml bote ng mineral water.

Ang nakatatawa ay nagbabayad tayo nang mahal para sa transparent na plastic bottle kaysa laman nito.

Sige, puwedeng sabihin na malaking tulong ang merong isa o dalawang plastic bottle sa bahay o sa kotse. Pero kung meron ka’ng isang dosena o higit pa, maituturing na itong basura. Hindi inire-recycle ng mga kompanya ng bottled water ang mga boteng ito dahil mas makamumura kung gagamit ng bago, kaya naman hindi na nagbabayad ng deposits kapag binibili ito. Bukod pa rito, walang naidudulot na buti sa kalikasan.

Sabihin nang kasama sa binabayaran natin sa bottled water ang garantiyang ang iniinom natin ay tubig na pure crystal clear, ligtas sa sakit at walang kemikal. Pero sinong may sabi?

Ang paniwala ko, kung nagkasakit ang isang tao dahil sa water-borne bacteria, walang batas na sumasaklaw sa operasyon ng mga bottled water refilling station dahil galing sa local government units ang lisensiya nito. Sa madaling salita, walang anomang garantiya.

Gayondin, sinabi ng isang kaibigan ko’ng doktor na ang pinakaligtas na inumin ay ang galing sa gripo na pinakuluan ng tatlong minuto. Kapiranggot lang ng presyo ng bottled water ang gastusin dito.

Pero dahil ang pagtangkilik sa bottled water ay nakasanayan na sa Metro Manila, nasa isang daang rehistradong water brands ang bumubuo ngayon sa multi-bilyon pisong industriya—bukod pa ang maraming hindi rehistradong brand na pagmamay-ari ng kung sinong Poncio Pilato.

***

Kauupo pa lang ni Ariel Nepomuceno bilang Deputy Customs Commissioner for Enforcement ay mayroon nang kumakalat na ulat na sumisira sa kanyang magandang pangalan.

Ayon sa aking mga espiya sa Customs, may tao sa opisina ni DepCom Nepomuceno na umano’y nagmamalaki na siya raw ang kausap sa pag-alerto at pag-hold sa mga container sa nasabing tanggapan. Kumbaga, ang taong ‘yan, na may alyas na “Jerby,” ang dapat kausapin para ‘ayusin’ ang ano mang problema sa kargamento.

Pakibusisi lang po, DepCom Nepomuceno, at baka ito po ay makasira lang sa pinakaiingat-ingatan n’yong reputasyon.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *