Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VIP pa rin si Napoles

TALAGA nga naman ang nagagawa ng kuwarta. Kahit sa kulungan, ang isa sa pinakamalaking mandarambong (allegedly) ay naka-aircon pa at kontodo guwardiya. Namputek talaga. Pero kung snatcher lang ‘yan si Janet Lim-Napoles baka nai-salvage na. ‘Yan ang justice system sa kawawa kong bayang Pinas. Kapag may pera, mahalaga ka. Kapag ordinaryong magnanakaw ka lang, maghanda ka na sa lamay mo. Well, may magagawa pa ba tayo? Meron naman siguro. Pero ang nakapagtataka dito, mga kanayon, nakakulong si Napoles hindi po dahil sa kaso ng Priority Development Assistance Fund or pork barrel kundi dahil sa nakasampang kaso ng SERIOUS ILLEGAL DETENTION sa kanya. Tama po ba? Ibig sabihin, kailan ba talaga magsasampa ng kasong plunder laban sa kanya at sa mga kakutsaba niyang senaTONG at TONGresman? May magdedemanda kaya? O Baka naman gagamitin lang si Napoles para wasakin ang hanay ng oposisyon? Dangan kasi, wala na halos maipangtapat kay Vice President Jejomar Binay ang Liberal Party sa 2016. Malaks din si Jinggoy Estrada, Bong Revilla at iba pang nasa oposisyon. Kaya ngayon pa lang kontodo atake na ang adminsitrasyon.

Pero sa kabilang dako naman, maganda na rin at nabulgar ang katarantaduhan sa likod ng PDAF. Saan nga ba naman babawiin ng mga HONORABLE lawmakers natin ang daan-daang milyong pisong inuubos nila sa halalan? Aber! Hulaan nga ninyo! Sa suweldo ba nila? Sa negosyo? Malabo, hindi po ba? Kaya, mga kanayon, isipin ninyo lagi na sa bawat vote buying, sa bawat salaping tinatanggap ninyo mula sa mga kandidato ‘e bilyon pala ang nagiging kapalit.

Matagal nang modus operandi ang diskarte na ‘yan sa PDAF. Pasalamat na rin tayo at may isang Noynoy  na sumeryoso laban sa corruption sa pork barrel.

Kabi-kabila ang mga propaganda ngayon. Dapat na maging mas mapanuri tayong lahat. Hindi lahat ng nakikita o nababasa ay totoo. Karamihan diyan ay pinondohan ng mga interes na nasa likod ng propaganda.

Hindi ako nangangamba sa pagtrato ng Malakanyang kay Napoles. Mas kinakabahan ako sa kamandag ng PERA niya. Kung saan kumapit ang salapi ni Napoles, nagiging MASAYA.

At ngayon alam ko na kung bakit HAPPY SI SEN. JOHNNY ENRILE. He-he. At si Jinggoy naman. Sobra ang galit kay nasirang Gen. Angelo Reyes noon. ‘Yun pala, mas MALALA siya. Ha-ha-ha.

Gayahin kaya niya si Angie?

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …