Saturday , December 20 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

70 kongresista, ‘di nakaramdam ng awa

ABS-CBN congress kamara

HALOS milyong Filipino ang nalungkot noong hindi na muling makakukuha ng prangkisa ang ABS-CBN.   Seventy mambabatas ang hindi sumang-ayon na muli itong makakuha ng permit na makapag-ere. Labing isa namang kongresista ang sumang-ayon dahil sa pagmamahal sa kahilingan ng mga tao na payagang makabalik muli ang Kapamilya.   Aminin man o hindi, malaki ang naitutulong sa pagbibigay sa mamamayan …

Read More »

Gloc 9 at Thea, magkatulong sa pagtitinda ng lutong bahay

DAHIL sa hindi pa nasosolusyonan at hindi pa natatapos na pandemya, ramdam na ng bawat isa ang hirap na idinudulot nito sa buhay at kabuhayan.   Marami na ang pinasok ang pagtitinda ng sari-saring bagay gaya ng damit, sapatos, bags, PPEs, at pagkain.   Isa sa nakaisip na magtinda na rin ng mga lutong bahay katuwang ang kanyang maybahay (Thea) …

Read More »

Online acting class ni Gladys, tagumpay

SA bahay muna ang birthday celebration ng unica hija ni Gladys Reyes na si Aquisha.   Sa kanyang Instagram account ay ipinost ng aktres ang naging celebration at handa nila para sa 12th birthday ni Aquisha. Ilan sa mga pinagsaluhan nila ay cake, fruit smoothies, baked sushi at iba pa. Kaya naman hindi nakalimot ang aktres na pasalamatan ang lahat ng bumati sa anak at nagluto …

Read More »

Aicelle, ginambala ng mga gamo-gamo

TULAD ng mga naka-work-from-home ngayong Covid-19 pandemic, nakaranas din ang Kapuso singer na si Aicelle Santos ng challenges sa kanyang set-up sa pagtatrabaho.   Sa kanyang Instagram video ay ipinakita ni Aicelle ang mga pangyayari habang siya ay kumakanta sa kanilang bahay para sa All-Out Sundays. Sa gitna kasi ng kanyang shoot ay nilalapitan siya ng mga gamo-gamo kaya naman kinailangan siyang tulungan ng kanyang asawang si Mark …

Read More »

Collab nina Julie Anne at Gloc-9, nangunguna sa music charts

TRENDING ngayon sa music charts ng iba’t ibang streaming platforms ang latest single ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na  Bahaghari tampok ang award-winning rapper na si Gloc-9. Nabuo ang makahulugang collaboration na ito nina Julie Anne at Gloc-9 sa pamamagitan ng palitan ng e-mails.   Pinusuan ng netizens ang kantang ito na naghahatid ng inspirasyon at pag-asa sa gitna …

Read More »

Family picture nina Solenn at Nico, pampa-good vibes 

GOOD vibes ang hatid ng pinakabagong family picture na ibinahagi ni Solenn Heussaff na nakaupo siya sa kandungan ng asawang si Nico Bolzico habang karga-karga ang kanilang baby girl na si Thylane.   Dahil nakasuot ng pulang shirt si Nico habang pulang shorts naman si Solenn, nakalilito sa unang tingin na tila ba’y naging legs ni Nico ang legs ng asawa.   Bumuhos naman ang …

Read More »

Pangarap Kong Holdap at Through Night and Day ni Paolo, nangunguna sa Netflix 

MARAMING netizens ang napabilib ni Paolo Contis dahil sa husay niya sa pagpapatawa sa comedy film na Pangarap Kong Holdap gayundin sa pagpapaiyak sa romantic comedy movie na Through Night and Day.   Kaya naman hindi nakakapagtakang nangunguna ngayon sa video streaming platform na Netflix at pinag-uusapan sa social media ang dalawang pelikula niya.   Masaya si Paolo na nabigyan ng pagkakataon ang maraming viewers na mapanood …

Read More »

Kapuso singer Anthony, miss ang face to face interaction sa fans, work, at friends

KAHIT nasa bahay lang, abala ngayon si Anthony Rosaldo sa pagpo-promote ng latest single niya mula GMA Music, ang Pwedeng Tayo.   Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga sumusuporta dahil laman ng music charts ang kanyang kanta.   Gayunman, miss na rin ni Anthony ang pagtatrabaho sa labas.   “Namimiss ko ‘yung face to face interaction sa work, fans, friends and everyone. Iba pa …

Read More »

Pancho, na-enjoy ang pagpapaligo kay Skye Anakin 

MUKHANG enjoy na enjoy sa pagiging first time dad ni Pancho Magno.   July 6 ipinanganak ng asawa at kapwa GMA artist na si Max Collins ang panganay nilang si Skye Anakin.   Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang cute na video ng baby boy nila habang pinaliliguan sa unang pagkakataon. Nakatanggap ito ng maraming positive comments mula sa mga fan na cute na cute kay …

Read More »

Alden, tinalo ang isang higante

MULING mapapanood ang kuwentong Jessie at si Dante Higante ngayong Linggo ng gabi sa Daig Kayo Ng Lola Ko. Pinagbibidahan ito ng Asia’s Multimedia Star, Alden Richards.   Masipag na magsasaka si Jessie, pero may makakaharap siyang isang higante habang naghahanap ng halamang-gamot para sa ina.   Samantala, sunod na mapapanood naman ang second part ng kuwentong  Download Mommy, tampok sina Mikee Quintos, Yasmien Kurdi, …

Read More »

Ang ‘misteryosong’ lalaking kasama nina Piolo, Bela, at Direk Joyce sa biyaheng Norte

PUWEDENG sabihing sikat na siya halos sa buong mundo dahil na-feature na siya sa Huffington Post, isang international online publication.   Nakadaupang palad at nakaharap na rin siya ni Steven Spielberg dahil ang isang audio-visual production para sa global project n’yang A Liter of Light ay ipinalalabas sa Universal Sphere, isang entertainment venue sa Amerika na pag-aari ni Spielberg at ng kompanya nitong Dreamworks. Ang nasabing entertainment …

Read More »

Anak ni Greta na si Dominique, nagtipid sa pagkain sa US, dumanas ng 7 cancelled flights bago nakabalik ng ‘Pinas

PINAGPANTAY-PANTAY ng Covid ang lahat: ang mayayaman at mahihirap, maganda at ‘di-kaakit-akit, matanda at bata, sikat at ‘di kilala. (May ilang military at opisyal sa Pilipinas ang nakapangingibabaw mapaminsan-minsan, pero walang-pakundangan ding nilalait ng netizens sa social media na parang mga ordinaryong mamamayan.)   Si Dominique Cojuangco, ang nag-iisang anak ni Gretchen Barretto sa live-in partner n’yang bilyonaryong si Tonyboy Cojuangco ay nakabalik na finally …

Read More »

Angel, sa sobrang sama ng loob—Tayong mga taga-industriya pa rin ang iniwan sa ere 

SA IG post ni Angel Locsin nitong Lunes ng gabi ay ramdam mo sa bawat bitaw niya ng salita ang sama ng loob sa 70 kongresistang bumoto para hindi bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.   Tila nabahiran ito ng personal vendetta.   Naiyak na lang ang aktres kasama ang mga empleado at artista ng Kapamilya Network nang ibaba ang hatol noong Biyernes, Hulyo 10 na sarado …

Read More »

Dimples, inimbitahan para maging hurado sa 2020 International Emmy Awards

IPINAGMAMALAKI ni Dimples Romana sa buong mundo na inimbitahan siya para maging isa sa ng hurado ng 2020 International Emmy Awards.   Ang prestigious awards na ito ay ibinibigay taon-taon ng International Academy of Television Arts and Sciences (IATAS) upang bigyang-parangal ang mga TV show na ipinalabas sa labas ng Amerika.   Ginaganap ang International Emmy Awards Gala tuwing November na abot sa mahigit 1,000 television professionals …

Read More »

Lassy at Vice, matapos mag-away sa isang lalaki, super friends na ngayon

NAGSIMULA si Lassy Marquez bilang isang stand-up comedian bago  pumalaot sa daigdig ng showbiz. Sa comedy bar na Laffline at Punchline siya nagpe-perform. Malungkot siya ngayon dahil sa pagsasara ng mga ito, sanhi ng Covid-19.   “Sobrang nakalulungkot talaga. Kasi alam mo ‘yung bahay mo kung saan ka lumaki, ‘di ba nakalulungkot na iiwanan mo, kasi nandoon lahat ng memories? Kagaya niyong …

Read More »

Jen, umalma sa banat ng netizen: Kailan naging mali ang mangialam 

PINALAGAN ni Jennylyn Mercado ang banat ng isang netizen (@GeronoGloria) sa Twitter na maging neutral sa isyu ng ABS-CBN franchise para hindi ma-bash dahil hindi naman siya Kapamilya star.   Buwelta ng Kapuso actress, “But I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice.   “If being “bashed” is a small price to pay for practicing my freedom …

Read More »

Heart Evangelista at Andi Eigenmann, natututong mag-recycle

GALAK na galak na ibinabalita ng GMA News online kamakailan ang pagiging involved ng dalawang showbiz celebrities sa recycling na makatutulong sa pangingibabaw sa mga limitasyong dulot ng pandemya at ang kaakibat nito na kwarantina.   Ang dalawang iyon ay sina Heart Evangelista at Andi Eigenmann. Batay ang magkahiwalay na mga ulat sa mga Instagram posting ng dalawang artistang parehong matagal-tagal na ring ‘di aktibo sa showbiz …

Read More »

Ice, nahanap ang positibong pananaw sa Budhismo

Ice Seguerra Liza Dino

MAY bago sa buhay ng mang-aawit na si Ice Seguerra Diño.   Magandang pagbabagong kanyang niyakap. At matagal na palang pinagninilayan.   Ang Budhismo.   “I started my Buddhism journey just a week ago but I’ve already noticed a lot of positive things happening in my life.    “I just had a wonderful conversation with my mom on the phone (1 …

Read More »

Kat de Castro, binanatan si Agot

KAIBIGAN din ni Arnell Ignacio ang bagong talagang Board Official ng PTV 4 bilang Network General Manager at ChiefOperating Officer na anak ni Kabayang Noli de Castro, si Kat Sinsuat de Castro.   At nagbigay din ito ng pahayag o komento sa hugot ni Agot Isidro sa Hermes tandem bikes ng mga Pacquiao.   “I personally know the Pacquiaos.    “Senator Manny is a very close family friend. One of …

Read More »

Arnell, desmayado kay Agot—Sana andoon pa rin ang mabait na Agot

MATAPOS ANG one-liner ni Gladys Guevarra para sa aktres na si Agot Isidro, si former OWWA Deputy Arnell Ignacio naman ang may hugot para sa itinuturing din niyang kaibigang si Agot.   Na napikon sa nai-post ni Jinkee Pacquaio sa His and Hers Hermes Bike nilang mag-asawa.   Say ni Arnell, “In all honestly nalulungkot ako basta nagpopost si Agot nang ganito. At nasasabihan tuloy siya nang masasakit.    “She …

Read More »

SoNA ni Duterte

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

MARAMI ang nag-aabang sa napipintong ika-apat na State of The Nation Address ni Rodrigo Duterte sa ika-27 ng Hulyo 27. Inaabangan nila ang mga mambabatas na gigiri sa harapan ng mga kamera upang ipagmagaling ang kanilang mga kasuotan at kani-kanilang “fashion statements.”   Siyempre kung sa loob ng Kongreso may humahada, sa labas, partikular sa mga lansangan na papunta sa …

Read More »

10 bahay lockdown (Sa Negros Oriental)

COVID-19 lockdown

ISINAILALIM sa localized lockdown ang hindi bababa sa 10 bahay sa isang sitio sa Barangay Poblacion, sa lungsod ng Guihulngan, lalawigan ng Negros Oriental matapos makisalamuha ang isang pasyenteng positibo sa COVID-19 sa kaniyang mga kaanak.   Ayon kay Dr. Liland Estacion, assistant provincial health officer, noong Miyerkoles, 15 Hulyo, hindi malinaw kung paano nagkaroon ng pagkakataong makasalamuha ng pasyente …

Read More »

Sanggol, 2 bata positibo sa COVID-19 (Sa Pangasinan)

Covid-19 positive

NAITALA ang walong bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan ng Pangasinan, isa ang sanggol at dalawa ay mga bata.   Pinaniniwalaang nahawa ang sanggol at dalawang bata sa kanilang 29-anyos ama, ang unang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng San Nicolas.   Nabatid na umuwi ang ama ng mga bata sa Pangasinan noong 27 Hunyo mula sa …

Read More »

Choreographer wanted sa pang-aabuso sa bata arestado

arrest prison

KALABOSO ang isang freelance choreographer na wanted sa kasong may kinalaman sa Anti-Child Abuse Law. Kinilala ang suspek na si Romeo de Gracia, alyas Boyong, 30, binata, residente sa San Andres Extension Sta. Ana, Maynila. Naaresto si Bayson sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa, Presiding Judge  ng Manila RTC Branch 4. Sa rekord ng korte, may …

Read More »