Sunday , May 19 2024

News

HR chief na dating news writer sa Pangasinan patay sa pamamaril (Kasabay ng ambush kay Maganes)

dead gun police

KASABAY ng ambush na ikinamatay ng 62-anyos mamamahayag na si Virgilio Maganes, sa Villasis, Pangasinan, binawian din ng buhay ang isang dating news writer at kasalukuyang hepe ng human resource department ng lokal na pamahalaan ng San Jacinto, sa lalawigan ng Pangasinan, nang barilin ng hindi kilalang suspek nitong Martes din ng umaga, 10 Nobyembre. Kinilala ni San Jacinto Police …

Read More »

Babaeng hukom, 44, hininalang binaril ng clerk of court (Suspek sinabing nagkitil sa sarili)

HATAW News Team SA SILID kung saan tinitimbang ang katarungan, dalawang buhay ang kinitil ng armas na mas madalas ay instrumento ng inhustisya. Kahapon, Miyerkoles, 11 Nobyembre, ginulantang ang Maynila ng ulat na isang babaeng hukom, kinilalang si Judge Maria Teresa Abadilla, ang sinabing binaril ng kanyang clerk of court na kinilalang isang Atty. Amador Rebato sa loob ng tanggapan …

Read More »

Final Report ng “matagumpay” na SEA Games isinumite ng SEA Games Organizing Committee

Nagsumite ng final report na nakapaloob sa isang libro ang South East Asian Games Organizing Committee kay PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino and Philippine Sports Commission (PSC) Chair William “Butch” Ramirez sa isang simpleng seremonya sa Taguig City. Matapos ang labing-apat na taon, naghost ulit ang Pilipinas ng South East Asian Games …

Read More »

DDS kay Velasco: Kakampi ba o kaaway?

HINDI nagustohan ng supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte na Die Hard Duterte Supporters (DDS) ang naging pagkampi at pagtatanggol ni House Speaker Lord Allan Velasco sa red-tagging sa Makabayan Bloc na malinaw umanong pagbalewala sa Pangulo at pagmamaliit sa kakayahan ng military sa pangangalap ng impormasyon laban sa CPP-NPA. Sa YouTube Channel na Banat Balita ng DDS sinabi sa ginawang …

Read More »

P10-B BGC senate building maluho kaysa P2-B DDR (Senado binira ni Salceda)

HINDI napigilan ni House committee on ways and means chairman, Albay Rep. Joey Salceda na pasaringan ang Senado at ikompara ang ginawang paggasta ng P10 bilyon para makapagpapagawa ng modernong senate building sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City habang pinanghihinayangang gastusan ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na pinaniniwalaang  pangmatagalang solusyon sa panahon ng kalamidad na …

Read More »

Wanted sa Region 10 rapist na Padre de pamilya arestado sa Maynila

arrest prison

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Provincial Regional Office 10, ang isang 49-anyos tatay na wanted sa Cagayan de Oro City dahil sa panggagahasa sa kanyang sariling anak, kamakalawa ng madaling araw sa Balut, Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ng MPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Romeo Anicete, nakalawit ng kanyang …

Read More »

Mister nag-amok patay

dead gun police

NAG-AMOK ang isang mister at hinamon ng barilan  ang sinomang makita ngunit namatay matapos barilin ng nag­respondeng pulis makaraang pagbantaan na babarilin ang mga awtoridad sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw. Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Charlie Cardona, nasa hustong gulang, idinek-larang patay ng Valenzuela City Risk Reduction and Management Office Rescue team sanhi ng …

Read More »

Christmas carolling, bawal — DILG

IPAGBAWAL ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagka-carolling ngayong nalalapit na Yuletide season dahil sa banta ng CoVid-19 sa buong bansa. “Based on studies and statistics, the spread of CoVid-19 is more likely to occur in mass singing like choir and caroling because singers have to remove their masks as they sing and viruses are released …

Read More »

Yorme tiwalang ‘Manila is in good hands’ kay VM Honey

SIGURADO si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang kanyang mga masimulang programa ay ipagpapatuloy ni Vice Mayor Honey Lacuna sa oras na natapos ang kanyang panunungkulan bilang alkalde. Paniwala ko mauubusan ako ng oras… pero sigurado ako, pagdating ng araw, si  (Vice Mayor) Honey itutuloy ‘yun,” pahayag ni Moreno sa harap ng mga  residente na kanyang binista sa Binondo. …

Read More »

Lopez, Quezon, muling binaha (TD Tonyo umariba)

HINDI pa halos humuhupa ang baha sa ilang lugar sa bayan ng Lopez, sa lalawigan ng Quezon dulot ng mga nagdaang bagyo, binahang muli ang ilang barangay dahil sa mga ulan na dala ng tropical depression Tonyo. Kabilang sa mga binahang lugar ang mga barangay ng Rizal, Del Pilar, at Magsaysay, kaya nagbabangka na umano ang mga residente. Simula nitong …

Read More »

VAT suspendihin sa low-cost housing (Panawagan ng kongresista)

NANAWAGAN si House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera sa Department of Finance (DOF) na suspendihin ang pagpataw ng 12-porsiyentong value-added tax (VAT) sa low-cost housing habang ang bansa ay nasa panganib ng kahirapan sa ekonomiya dulot ng pandemyang CoVid-19. Nagkaroon ng palugit na tatlong taon sa VAT ang low-cost housing sa ilalim ng  Republic Act 10963, o ang Tax Reform …

Read More »

US president-elect Joe Biden binati ni Digong Duterte

NAGPAABOT ng mainit na pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Vice President Joseph Robinette “Joe” Biden, Jr., sa pagkahalal na bagong pangulo ng Estados Unidos. “On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph “Joe” Biden on his election as the new President of the United States …

Read More »

‘Online’ selling ng shabu, fraud sa socmed ‘yari’ sa Kamara

NAGING talamak ang paggamit ng social media sa transaksiyon ng illegal drugs sa bansa sa panahon ng pandemyang coronavirus disease (CoVid-19) upang hindi masilat ang kanilang ‘epektos’ sa mga nagkalat na checkpoint sa buong bansa. Ito ang nakarating na impormasyon sa Kongreso kaya nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa tumataas na kaso ng panlolokong online kasama ang pagbebenta ng illegal drugs. …

Read More »

P20-M shabu nasabat sa miyembro ng ‘Tinga Drug Syndicate’ (Taguig LGU pinuri at nagpasalamat sa pulisya)

PINAPURIHAN ng Taguig City government nitong Huwebes ang Taguig Police matapos ang matagumpay na pag-aresto sa miyembro ng tinaguriang Tinga Drug syndicate sa isang buy bust operation na nasamsam ang mahigit P20 milyong halaga ng shabu. Bukod sa kilalang miyembro ng sindikato, nahuli rin ang ibang kasabwat sa pagtutulak ng droga sa isinagawang police operations nitong Miyerkoles sa Mariano St., …

Read More »

PDEA, BoC bubusisiin sa Kamara

PINAIIMBESTIGAHAN ni ACT-CIS Representative Eric Yap ang Bureau of Customs (BoC) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkabigong matiktikan ang ilegal na droga sa aluminum pallets na idineklarang tapioca starch. Sa House Resolution No. 1330, inatasan ni Yap ang  House Committee on Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers, na imbestigahan ang …

Read More »

Same sex marriage taboo kay Duterte

“HINDI po sang-ayon ang Presidente sa same sex marriage.  Whether be it church or civil, hindi po siya sang-ayon.” Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa isinasagawang pagdinig sa Kongreso sa Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression Equality (SOGIE) bill. Layunin ng panukalang batas na bigyan ng proteksiyon ang mga miyembro ng LGBT community laban sa diskriminasyon, …

Read More »

Depensa ni Velasco pinuri ng solon (Red-tagging inupakan)

LUBOS ang pasasalamat ni ACT Teachers Partylist Rep France Castro kay House Speaker Lord Allan Velasco sa ginawang pagtatanggol at pagbibigay proteksiyon sa Makabayan Bloc laban sa akusasyon ni Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade na ang mga progressive lawmakers ay ‘miyembro’ ng Communist Party of the Philippines (CPP). Sa panayam kay Castro ng …

Read More »

Lider, miyembro ng gun-for-hire group patay sa enkuwentro

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang lider at isang miyembro ng gun-for-hire group nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa Barangay Bagong Barrio, sa bayan ng Pandi, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng gabi, 4 Nobyembre. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ni P/Maj. Leandro Gutierrez, hepe ng Bulacan Criminal Investigation and Detection …

Read More »

EJK victim nabuhay, tinodas sa ospital

NAKALIGTAS man sa bingit ng kamatayan, tinapos ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng emergency room ng ospital ang buhay ng isang biktima ng ‘salvage’ sa bayan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles, 4 Nobyembre. Kinilala ni P/Maj. Richard Corpuz, hepe ng Angono police, ang biktimang si Vincent Adia, 27 anyos, pinasok at pinatay sa loob ng …

Read More »

Bahay ng retiradong pulis sa Albay, nilamon ng apoy P1.7-M natupok (Nakaligtas sa bagyong Rolly)

fire sunog bombero

NAKALIGTAS man sa pananalanta ng bagyong Rolly, nawalan pa rin ng bahay ang pamilya ng isang retiradong pulis nang masunog ang kanilang bahay dahil sa napabayaang may sinding kandila nitong Miyerkoles ng gabi, 4 Nobyembre, sa lungsod ng Legazpi. Ayon kay Senior Fire Officer 2 Lito Patricio, hepe ng Intelligence and Investigation Division ng Legazpi City Fire Station, nagsimula ang …

Read More »

P812.73-M mula sa power plant ‘ibinuhos’ sa NGO (Quezon Ex-Gov Suarez inireklamo)

MISTULANG nanalo nang ilang beses sa lotto jackpot ang isang ‘kuwestiyonableng’ non-government organization (NGO) matapos makatanggap ng P812.73 milyon mula sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon. Dahil dito, sinampahan ng kasong pandarambong o plunder ang siyam na dati at kasalukuyang opisyal ng lalawigan ng Quezon, kasama si Rep. David Suarez dahil sa umano’y maling paggamit ng P812.73 milyong pondo ng lalawigan …

Read More »

Paghahanda ng LGUs pinuri ni Go

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang maagap na paghahanda ng local government units (LGUs) bago pa man humagupit ang bagyong Rolly. Sinabi ni Go, ang mabilis at agarang pre-emptive evacuation ang dahilan kaya naiwasan ang mas matinding sakuna bagamat mayroong mga disgrasya na hindi naiwasan tulad ng pagragasa ng lahar. Ayon kay Go, dapat palaging tandaan na mas dapat …

Read More »

Pangulong Digong idinepensa vs kritiko

IPINAGTANGGOL ni Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga puna nang mag-alis ng face mask habang nakikipag-usap sa ilang opisyal at residente sa kanyang pagdalaw sa mga nasalanta ng bagyong Rolly sa ilang bahagi ng Bicol. Ipinaliwanag ni Go, nahihirapang marinig ng pangulo ang mga sinasabi sa kanya ng mga residente …

Read More »

‘Missing in action’ sa bagyong Rolly 10 Mayor inisyuhan ng ‘show cause order’

PINADALHAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng “show cause orders” ang 10 alkalde na ‘missing in action’ habang sinasalanta ng super bagyong Rolly ang kanilang lokalidad. Tumangging pangalanan ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya ang mga naturang alkalde bilang bahagi ng due process. Aniya, ang mga LGU official ay mula sa Region VIII, Region …

Read More »