Puregold’s OPM Con Generations 2026, super-patok at siksik sa pasabog
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAKASAYSAYAN at hindi malilimutan ang ginanap na Puregold’s OPM Con Generations 2026 sa full-house crowd sa Araneta Coliseum last July 11.
Siksik sa pasabog ang masasabing biggest musical event of the year sa bansa. Dito’y pinagsama ng Puregold ang mga malalaking OPM artist at ang mga maiinit na pangalan ngayon sa mundo ng musika sa isang malaking stage.
Ilang linggo bago ang naturang event ay marami nang excited dito. Actually, sold out agad ang tickets sa loob lamang ng dalawang araw. Ang gabi ay naging isang tribute sa mga artist, awitin, at komunidad na humubog sa OPM sa iba’t ibang henerasyon.
Ang event sa Big Dome ay pinangunahan ng SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at XONARA. Nagkaroon din ng special number dito sina Bamboo, Chito Miranda, ang frontman ng The Dawn na si Jett Pangan, Jay Durias, at iba pa.
Napakinggan dito ang breadth ng modern Original Pilipino Music. Ang mga nagtanghal ay nagpamalas ng wide spectrum ng genres at styles, mula sa P-pop, folk-pop, at alternative music to hip-hop at contemporary pop. Na nagpapakita ng ating mayaman na music scene ngayon.
Ang sense ng community na naging kasingkahulugan ng OPM Con ay kitang kita sa buong gabi. Nagsama-sama ang pamilya, magkakaibigan, at iba’t ibang fandom sa ilalim ng isang bubong, dahil ping-isa ng pagmamahal sa musikang Filipino anuman ang genre o henerasyon. Ang bawat performance ay may katapat na nakabibinging palakpakan at cheers sa mga nanood, mula simula hanggang katapusan ng concert.
Sa harap ng libo-libong fans na dumagsa sa Big Dome, nagsilbing pagpupugay ang OPM Con sa mga musikero, awitin, at komunidad na patuloy na humuhubog sa OPM sa iba’t ibang henerasyon. Pinatunayan ng event na ito ang pagtangkilik ng mga Filipino sa ating OPM music na adbokasya rin ng Puregold.
Nakatatak sa puso at isipan ng mga nakilahok ang hindi malilimutang event. Ipinakita rito na ang musika ay kayang pag-isahin ang iba’t ibang henerasyon ng ating bansa.
“The Big Dome has long been a home to some of OPM’s most iconic acts and unforgettable performances, and seeing it come alive once again for Filipino music is something Puregold will always be proud of,” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager of Puregold Price Club Inc.
Dagdag pa niya, “OPM has the power to bring generations together. Puregold is deeply grateful to the artists, fans, communities, partners, and everyone who helped turn this vision into a true historical moment for OPM.”
Para sa updates, paki-like ang @puregold.shopping sa Facebook o mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok.
