NDM Studios may pa-birthday sa mga alaga
MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG masayang birthday celebration ang inihatid ng NDM Studios na may temang Tanjoubi Matsuri (isang unique birthday festival sa Japan) sa pangunguna ni Direk Njel De Mesa sa kanilang June at July celebrants na mga alaga na ginanap sa Ramen Butcher Manila noong July 12, 2026.
Ang mga alagang nagdiwang ng kaarawan ng June at July ay sina Robert Sen̈a, Isay Alvares, Lance Raymundo, at Anthony Ocampo.
Kasama rin ang NDM staff and community na sina Angie Reyes, Atty. Effer Reyes, Maricris Reyes, Emilio Perez.
Kasabay din ng selebrasyon ng June and July birthday celebrants ang induction at oath taking ng mga bagong company executives ng NDM Studios na sina Giselle Sanchez at Lance.
