Aubrey Caraan Rosario

Aubrey Caraan pressure sa Rosario

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAKI ang pressure na nararamdaman ng cast ng horror film na Rosario   na mapapanood na sa Aug 05, hatid ng Viva Films sa direksiyon ni Roni S. Bernaid at pinagbibidahan ni Aubrey Caraan.

Ayon nga kay Rose Van Ginkel“Yes po of coure, ako po kasi fan po ako ng horror. And I think dito sa atin hindi masyado naka-open ‘yung horror films, sana po bigyan na lang ito ng chance na panoorin niyo. 

“I think parang base sa ating  trailer, maganda siya, so sana po panoorin.” 

Dagdag naman ni Aubrey, “Ako grabe ‘yung pressure kasi alam po natin na ang Filipino audience grabe ang expectation sa horror movies.

“Kailangan namin silang mapaniwala na na-experience namin ‘yun, na nakakatakot talaga.

“So, siyempre grabe ‘yung pressure. Tama ‘yung sinabi ni direk Roni na kailangang ibalik namin ‘yung tiwala na ibinigay sa amin ng Viva.

“’Yung magandang reviews and everything, and of course nakaka-pressure na big screen talaga. 

“Siyempre titingnan pa rin ng mga tao ‘yung ticket sales talaga, so ‘yun po pressure talaga.” 

 Makakasama nina Aubrey at Rose Van sa Rosario sina Jairus Aquino, Lance Carr, Meg Imperial, Yumi Garcia, Rosario, Suzette Ranillo, at  Bernadette Allyson.

Sa panulat at direksiyon ni Roni S. Benaid  hatid ng Viva Studio at Viva Films production at mapapanood simula August 5 in cinemas nationwide.