NANGAKO si Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia na ipagpapatuloy niya ang pagbuhay sa 27 kilometrong Ilog Pasig matapos nitong talunin ang Yangtze River ng China sa kauna-unahang 2018 Asia Riverprize. Ipinarating ni Goitia ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga opisyal ng International River Foundation, Australian River Partnership, committee organizers, mga hurado at …
Read More »TimeLine Layout
November, 2018
-
5 November
12 tripulante nasagip sa lumubog na barko (Patungong Boracay)
NASAGIP ang lahat ng 12 tripulante mula sa lumubog na barko na patungong Boracay, sa Caticlan coast sa Malay, Aklan nitong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard. Sinabi ni Capt. Armand Balilo, Coast Guard spokesperson, ang LCT Bato Twin vessel ay nakitang nakalubog na ang kalahating bahagi dakong 10:25 am. Ayon kay Balilo, ang barko na …
Read More » -
5 November
Aplikante sa Kuwait Airways dumagsa (P56,000 sahod kada buwan)
BAGAMA’T Linggo, dinagsa ng mga aplikante ang unang araw ng pasahan ng aplikasyon para sa higit 400 trabahong iniaalok sa mga Filipino ng Kuwait Airways, ang flag carrier ng bansang Kuwait. Nasa 100 aplikante ang nagtungo nitong Linggo sa Yaazeemir International Manpower Agency sa Ermita, Maynila, tanggapan na maaaring mag-aplay para sa Kuwait Airways. Ayon sa mga aplikante, hangad nilang …
Read More » -
5 November
‘Bakasyonista’ bumuhos sa Metro (Pagkaraan ng Undas)
DUMAGSA ang umuwing mga pasahero sa Metro Manila nitong Linggo pagkaraan ng mahabang bakasyon sa mga lalawigan dahil sa paggunita sa Undas. Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, at sa bus terminal sa Pasay City, maraming mga pasahero ang bumaba mula sa mga bus nitong Linggo. Karamihan sa kanila ay sumakay ng taxi habang ang ilan ay …
Read More » -
5 November
18-anyos dalagita dinonselya ng kapitbahay (Naghanap ng signal)
HINDI inakala ng isang 18-anyos dalaga na ang hangarin niyang makasagap ng signal para sa kanyang cellphone ang magiging dahilan ng pagkalugso ng kanyang puri sa Sto. Cristo, Angat, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat kay S/Supt. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PPO, nangyari ang insidente nang lumabas ng bahay ang 18-anyos biktima dakong 10:00 pm para magpunta …
Read More » -
5 November
Regional Engineering Brigades isulong — solon
IMINUNGKAHI ng isang kongresista sa Isabela na magkaroon ng engineering brigades ng Armed Forces of the Philippines sa bawat rehiyon ng bansa upang agarang makaresponde ang gobyerno sa mga sakuna. Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano ang mga engineer ng Armed Forces ang dapat mangunang magresponde sa mga sakuna kagaya nitong nakaraang pananalanta ng bagyong Rosita na nagdulot ng malaking …
Read More » -
5 November
Mas ligtas, maayos na evacuation centers (Para sa calamity victims) — Bong Go
MAS ligtas at maayos na evacuation centers para sa mga biktima ng kalamidad. Ito ang isa sa nakapaloob sa legislative agenda ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go kapag pinalad sa kanyang pagsabak sa 2019 senatorial polls. “Panahon na po para magpatayo ng safe na evacuation centers na may kompletong pasilidad — may CR, may higaan, para …
Read More » -
5 November
6-anyos bata tinarakan nang 22 beses ng tiyuhin (‘Nangangagat na asuwang’)
PATAY ang isang 6-anyos bata makaraan pagsasaksakin ng kaniyang tiyuhin sa Bacolod City, nitong Sabado ng madaling-araw, dahil malimit umano siyang kagatin ng pamangking ‘asuwang.’ Sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Bacolod City police, 22 beses sinaksak ng suspek ang kaniyang pamangkin na anak ng kanyang kapatid dahil sa hinalang asuwang ang biktima. Hinihinalang nasa ilalim …
Read More » -
5 November
3-anyos paslit patay sa baliw na amok, suspek tigok sa kuyog
IRIGA CITY, Camarines Sur – Patay ang isang 3-anyos paslit makaraan pagtatagain nang nag-amok nilang kapitbahay sa Brgy. San Antonio, nitong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, nagulat ang pamilya ng biktimang si John Andrew Albaño nang makitang nagwawala ang kapitbahay na si Hassel Namoro habang armado ng itak. Kuwento ni Joseph, ama ng biktima, nakita niyang tumatakbo …
Read More » -
5 November
Pinay sa Saudi patay sa lason (Kinompirma ng DFA)
TINIYAK ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na masusing iimbestigahan ang ulat na minaltrato ng kanyang amo ang isang Filipina domestic helper na namatay makaraan umanong uminom ng lason, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs, nitong Linggo. Ang biktimang si Emerita Gannaban, 44, ay nagtungo sa Saudi Arabia para magtrabaho noong Hunyo. Siya ay namatay …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com