UMABOT sa 48 bedridden na Navoteño at hirap umalis ng kanilang bahay ang nakatanggap ng booster ng bakuna kontra CoVid-19, ayon sa pamahalaang lungsod ng Navotas. Binabahay-bahay sila ng mobile vaccination team ng lungsod para mabakunahan ng AstraZeneca booster. Kabilang sa mga barangay na nabisita ng vaccination team ang barangays Tanza 1, Tanza 2, Tangos North, at Tangos South. Personal …
Read More »TimeLine Layout
February, 2022
-
18 February
Tanodra-Armamento, bagong CHR chair
ITINALAGA bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) si Leah Tanodra-Armamento kahapon. Pinalitan ni Tanodra-Armanento ang namayapang dating CHR chair na si Jose Luis Martin “Chito” Gascon. Siya ay namatay dahil sa komplikasyon sa CoVid-19 noong nakaraang taon. Hindi bago sa CHR si Tanodra dahil naging komisyoner din siya sa ilalim ng kasalukuyan at ikalimang Commission en banc. …
Read More » -
18 February
Gomburza
USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. EWAN ko kung bakit walang ginagawang kapansin-pansin na pagpapahalaga ang pamahalaan kina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora sa kabila ng katotohanan na utang natin sa kanila ang ating kamalayang Filipino ngayon. Hay! Naku, ang kamatayan yata ng tatlong pari sa pamamagitan ng garote ang gumising at nagpaalab sa diwang makabayan …
Read More » -
18 February
Mula sa red-tagging
CYBER ATTACKS IWINASIWAS NG NTF-ELCAC VS MEDIAHINDI katanggap-tanggap na ang isang task force na pinopondohan ng pera ng bayan ay sumusuporta at nagsusulong ng cyber attacks laban sa ilang news sites sa nakalipas na mga buwan. “Cyber censorship has no place in a democracy. It is deplorable that a publicly funded task force supports and promotes cyber attacks on news sites,” pahayag ng National Union of …
Read More » -
18 February
Pinuno Partylist sa pangunguna ni Senador Lito Lapid kasama sina 1st nominee Howard Guintu at Alexa Pastrana
NAG-IKOT sa bawat bayan ng Bacoor, sa lalawigan ng Cavite, ang Pinatatag na Ugnayan para sa mga Oportunidad sa Pabahay ng Masa o Pinuno Partylist sa pangunguna ni Senador Lito Lapid kasama sina 1st nominee Howard Guintu at Alexa Pastrana upang ipakita ang kanyang suporta sa adhikain ng partylist na disenteng pabahay at kabuhayan na ang layunin ay magkaroon ng …
Read More » -
18 February
‘Pabahay at Palupa’ project ni Rep. Vargas, inakusahang nanloko ng 500 pamilya
INAKUSAHAN ng isang konsehal sa Quezon City ang kongresista ng Ika-5 Distrito ng parehong lungsod ng panloloko sa 500 pamilya dahil peke umano ang programang “Pabahay at Palupa” nito. Sa kanyang privilege speech nitong 14 Pebrero 2022 sa Sangguniang Panglunsod, ibinunyag ni Konsehal Allan Francisco na noong 2016 pa inalok at hinimok ng opisina ni Quezon City District Representative Alfred …
Read More » -
18 February
Sa ‘di maawat na oil price hike
SAMBAYANAN MAGTIYAGA, MAGTIPID — DOE ni ROSE NOVENARIO “HABANG maiksi po ang kumot, magtiyaga po muna tayo, magtipid po muna tayo.” Panawagan ito sa publiko ni Department of Energy (DoE) – Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero kahapon sa Laging Handa briefing hinggil sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng langis. Simula ng taong 2022, pitong beses na ang oil price hike …
Read More » -
18 February
Aarestohin kapag tumapak sa US
MARCOS JR., $2-B ‘SINUBA’ SA HR VICTIMS, $365-M UTANG SA KORTE ni ROSE NOVENARIO PUWEDENG arestohin ang anak ng diktador at presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kapag tumapak sa Estados Unidos dahil sa pagkakautang na $365 milyon sa hukuman at $2 bilyon sa mga biktima ng human rights violations ng rehimeng Marcos. Sinabi ni dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) commissioner Ruben Carranza, nahaharap sa contempt judgment …
Read More » -
18 February
TikTok duet ni Yassi kay Joshua patok sa netizens
PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PATOK na patok sa netizens ang ginawang TikTok duet ni Yassi Pressman kasama ang tinaguriang bagong TikTok King na si Joshua Garcia. Sa kanyang TikTok account, itinabi ni Yassi ang dance video ni Joshua sa kanyang kuha na tila tinatamaan ang kanyang ulo sa bawat galaw ng aktor. “#duet with @iam.joshuagarcia sorry josh. I had to HAHA,” ani Yassi sa caption. Nang mag-deadline kami, ang TikTok duet nina …
Read More » -
18 February
Paggiling ni Sharon pasabog, fans nagre-request ng more videos
PABONGGAHANni Glen P. Sibonga GUMAWA na ng TikTok account si Megastar Sharon Cuneta at ikinatuwa ito ng kanyang fans at supporters. Ang unang TikTok entry ni Sharon ay video ng pagsayaw niya ng I’ll Be Missing You kasama ang mga kaibigan at FPJ’s Ang Probinsyano co-stars na sina Ara Mina at Lorna Tolentino. Ipinromote pa niya ito sa kanyang Instagram. “Due to insistent public (your!) demand (NAAAKS!) – sige na nga gagawa na ako …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com