MAGSASAMA-SAMA sina Ella May Saison, Luke Mejares, Nina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa kauna-unahang pagkakataon sa ikatlo at pinaka-pabolosong installment ng pinag-uusapan at inaabangang #LoveThrowbackValentine concert franchise na mangyayari sa Pebrero 15 (Sabado, 8:30 p.m.) sa PICC Plenary Hall. Sa direksiyon at konsepto ni Calvin Neria, ang inihahain ng kamangha-manghang musical spectacle na ito ang pinaka-romantikong Pinoy love songs na nagbigay kahulugan sa mga love stories ng ilang henerasyon ng ‘di mabilang na mga Filipino. Dadalhin ng #LoveThrowback3 ang mga manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanila ng sakit, ligaya, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pag-ibig. Kasama …
Read More »