Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Lim una sa debate (Erap nang-indiyan na naman)

GAYA nang dati, maagang dumating si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa nakatakdang registration at naghintay sa kuwartong para sa kanya sa nakatakbang debate ng mga kandidato para mayor na ginanap nitong nakaraang weekend sa Dela Salle University – College of St. Benilde sa Malate, Maynila. Muling binalewala at hindi sinipot ng pinatalsik na pangulo at sentensiyado sa kasong Plunder …

Read More »

Tolentino: ‘Big One’ paghandaan

NANAWAGAN si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa nasyonal at lokal na pamahalaan na paigtingin ang paghahanda sa pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila o tinatawag na ‘Big One,’ kasunod ng nangyaring pagyanig sa Japan at Ecuador kamakailan. “Maigi na tayo’y handa sa ano mang posibleng mangyari dahil ang sakuna o trahedya ay maaaring mangyari ano mang oras,” …

Read More »

OIC sa BOC hinagupit (Buwan kung umaksiyon sa mga angkat na produkto)

customs BOC

KINONDENA kahapon ng nagrereklamong mga importer ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs dahil sa obyus umanong pagpapabaya sa kanilang hiling na bilisan ang proseso ng mga angkat na produkto. Sa isang manipesto, tinukoy ng mahigit 100 miyembro ng samahan ng malalaking mangangalakal sa bansa ang umano’y usad-pagong na galaw ng pag-iisyu ng clearance sa Assesment and Operations …

Read More »

OFWs alagaan — Chiz (P100-B pondo ipinanata)

BILANG pagkilala sa kontribusyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pambansang ekonomiya, sinabi ni independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero nitong Lunes na sila ay dapat na pahalagahan ng pamahalaan. Ayon kay Escudero, ang 2.5 milyong overseas contract workers ay nakapag-aambag ng P1.3 trilyon kada taon ngunit wala pang P1 bilyon ang inilalaan ng pamahalaan para sila ay pangalagaan. …

Read More »

Bongbong inilaglag si Duterte (Paliwanag ng mayor dinedma ng senador)

marcos duterte

TULUYAN nang inilaglag ni vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos si presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte at sinabihang maging sensitibo sa mga biktima ng karahasan matapos ang kontrobesiyal na komento sa Australian lay minister rape victim. Sa panayam kay Marcos, sinabi niya na kailangan maging sensitibo si Duterte lalo sa situwasyon ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen. Aniya, ang …

Read More »

Saan ididispatsa ni Leni ang sinabing P.7-M Safari bed na binili niya sa Shangri-La Mall?

MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naikolum ng inyong lingkod na P.7-M Safari Bed na sinabing binili ni Madam Leni Robredo sa London Bed Company sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong City. Naturalmente, itatanggi niya ito. Katunayan ay naghahamon ngayon si Madam Leni na puwedeng bisitahin ang kanyang condo sa Quezon City at bahay nila sa Naga para patunayan …

Read More »

VM Rico Golez umarangkada pa rin sa Parañaque

HALOS dalawang linggo na lang, eleksiyon na. Mayroon mga kandidatong umaarangkada, mayroong mga nagkukumahog, nagpupumilit at mayroong mga banderang kapos. Sa Parañaque city, kitang-kita na ang pag-arangkada ni Vice Mayor Rico Golez. (Btw, hindi ko po personal na kilala si Golez pero nakita ko ang kanyang performance dahil taga-Parañaque ako! Iba kasi ‘yung Rico Golez ‘e, hindi lang tuwing eleksiyon …

Read More »

QCPD DAID & DSOU dapat tularan ng ibang PNP anti-illegal drug agency

PNP QCPD

IBA talagang magtrabaho ang grupo ni Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID). Muli tayong pinabilib ni Major Figueroa at ng kanyang mga tauhan nang masakote ang P24-milyones shabu. Masasabi nating, sila ‘yung yunit ng pulisya na 24/7 kung magtrabaho alang-alang sa kaligtasan ng bayan laban sa salot na illegal drugs. Kumbaga, …

Read More »

Trillanes: Determinado akong tapusin ang laban at manalo bilang bise-presidente

Sa gitna ng mga bali-balitang nagpadala umano ng emisaryo si Nacionalista President Manny Villar kay tumatakbong bise presidente  Antonio Trillanes IV, upang pakiusapan na magparaya para sa pagtakbo ng isa pang kandidato sa pagkabise-presidente na si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, inilinaw ni Trillanes na walang katotohanan ang balita, tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo bilang bise-presidente. “Hindi ako aatras. Determinado …

Read More »

Meg at Roxi, walang away

MARIING pinabulaanan ng Viva Prime Artist na si Meg Imperial na may alitan sila ng kanyang kapwa Viva Artist at kasamahan sa Bakit Manipis ang Ulap na si Roxanne “Roxi” Barcelo . Nagulat nga si Meg nang may magtanong sa kanya kung totoong may away sila ni Roxi. Paano naman daw na magkakaroon sila ng hidwaan ni Roxanne eh, okey …

Read More »