Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Negosyante itinuro sa P6.4-B shabu shipment mula China

ITINURO ng isang testigong sinasabing broker ng shipment ng P6.4 bilyon halaga ng shabu, sa negosyanteng si Richard Tan ang nasabing kontrabando. Sinabi ni Mark Taguba sa Senate Blue Ribbon Committee, si Tan ang negosyanteng may-ari ng Hongfei, kompanyang nagko-consolidate ng shipments mula sa China, ay may warehouse sa Valenzuela City. Iginuhit ang diagram sa whiteboard, ipinaliwanag ni Taguba na …

Read More »

Immigration lookout inilabas vs drug lord Peter Lim, Kerwin Espinosa, 6 iba pa

aguirre peter lim kerwin

NAG-ISYU si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng immigration lookout bulletin laban sa hinihinalang drug lords na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co, at limang iba pang indibidwal. Inilabas nitong 11 Hulyo, sa nasabing lookout bulletin order, iniutos sa Bureau of Immigration (BI) personnel na iulat sa mga awtoridad ang ano mang pagtatangka ng mga suspek na lumabas ng …

Read More »

Banta ni Bato: Narco-politicians susudsurin (Vice mayor, utol inilipat sa Camp Crame)

MARAMI pang ilulunsad na operasyon laban sa mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade kasunod ng madugong pagsalakay sa mga Parojinog sa Ozamiz City, babala ni PNP chief, Director General Ronald del Rosa, kahapon. Sa press conference, sinabi ni Dela Rosa, ang operasyon laban sa mga Parojinog ay dapat magsilbing babala sa iba pang sangkot sa illegal drugs. “Marami …

Read More »

Wikang Filipino gamitin sa pagkakaisa tungo sa reporma — Duterte

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na patuloy na gamitin ang wikang Filipino bilang instrumento ng pagkakaisa upang maisakatuparan ang mga reporma at layuning itaas ang kalidad ng ating buhay at kasalukuyang estado ng bayan. Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, binigyan-diin ni Pangulong Duterte ang mahalagang papel ng wikang Filipino para pagbuklurin …

Read More »

POW ng NPA kay Duterte pinalaya (Kahit ‘minura’ si Joma)

SA kabila nang pagkaunsiyami ng peace talks, ipinagkatiwala pa rin ng New People’s Army (NPA) na iharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinalayang prisoner of war (POW) na pulis sa Davao City, kamakalawa ng gabi. Batay sa kalatas ng Palasyo, hiniling ng Front Committee 25 ng NPA na palayain ang POW na si PO1 Alfredo Basabica, Jr. kay Pangulong Duterte. …

Read More »

‘Untouchables’ sa Ozamiz nagwakas na rin (War lords, drug lords, Kuratong etc.)

PAROJINOG. ‘Yan umano ang pangalan na kapag narinig ng mga taga-Ozamiz ay parang biglang magsisitakbo sa loob ng kanilang mga bahay ang mga residente. Kaya naman nang mapabalitang napatay ang dating mayor na si Reynaldo Parojinog, ang kanyang misis at 13 iba pa, lumabas ang iba’t ibang reaksiyon sa social media. Pero mas marami ang nagsasabi na parang nabunutan sila …

Read More »

15 days ultimatum ni Bato vs illegal gambling umubra kaya sa Maynila?

Hindi natin alam kung dahil nabansagang ‘anemic’ ang kampanya ng PNP kontra illegal gambling kaya nagbanta ng 15-araw na ultimatum si Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa lahat ng regional directors. Matindi ang utos ni DG BATO, all-out war kontra illegal gambling. At matapang na pinaalalahanan ang lahat ng regional directors na gugulong ang kanilang mga ulo kung hindi …

Read More »

Reklamo laban sa namamayagpag na tulak sa Tondo! (Attn: Tatay Digong at CPNP General Bato)

GOOD pm Ka Jerry Yap sir, nais ko lamang po sana maiparating sa kinauukulan na lumalala na naman po ang bentahan ng shabu dito sa lugar ng Don Bosco Tondo sir. Ilang buwan na po, masayang nagpi-fiesta ang mga kilabot na durugista sa Coral, Concha at Sevilla streets. Isang alyas OLAN KURIKONG ang tulak ng SHABU, may bayaw na pulis-Maynila …

Read More »

Cruz, pinarangalan ng Chooks-To-Go ng sportsmanship award

NASAKTAN man nang matindi sa pakikipagbanggaan at pakikipagpalitan ng mukha sa mga karibal sa Asya sa nakalipas na 39th William Jones Cup sa Taiwan, hindi nagpatinag si Carl Bryan Cruz at nanatiling kalmado ang isipan bagamat nag-aalab ang puso. Dahil sa tahimik na pagbalikwas sa mga sakit na natatanggap sa pamamagitan ng pagbuslo ng mga umaapoy na tres bilang sagot, …

Read More »

Perlas, nagkasya sa ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup

NAKAIWAS sa kulelat na puwesto ang Perlas Pilipinas nang talunin ang North Korea, 78-63 upang maisalba ang ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup sa Bangalore, India kamakalawa. Sa unang pagtapak sa Division A matapos pagreynahan ang Divison B noong 2015, nablanko sa unang limang salang ang Perlas kontra sa mga pinakamalalakas na kababaihan sa Asya bago nakasungkit ng huling …

Read More »