Sunday , December 21 2025

Dagdag na allowance ng sundalo, pulis aprub sa Senado

LUSOT sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Joint Resolution No. 2 o ang resolusyong magtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel sa bansa. Ayon kay Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, pangunahing may-akda at isponsor ng nasabing resolusyon, “sa pamamagitan ng pagtataas ng subsistence allowance ng ating mga sundalo at pulis sa pamamagitan …

Read More »

Not guilty plea ipinasok ng korte para kay Palparan (Hirit na NBI custody isinantabi)

TUMANGGING magpasok ng plea si retired Maj. Gen. Jovito Palparan nang basahan ng sakdal sa Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 14 kahapon. Bunsod nito, ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya. Ang dating Bantay party-list congressman ay kumakaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno. …

Read More »

Media kinuwestiyon ni Trillanes (Sa bansag na berdugo)

KINUWESTIYON ni Senador Antonio Trillanes IV ang ilang kagawad ng media kaugnay sa bansag kay retired Maj. Gen. Jovito Palparan bilang ‘Berdugo’ ng mga militante. Desmayado si Trillanes dahil hindi aniya naging patas ang mga mamamahayag kay Palparan. Ipinaalala ni Trillanes, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, dapat maging makatotohanan, patas at bigyan ng media ng due …

Read More »

P5.2-M reward sa 2 tipster vs Delfin Lee, NPA leader

IBINIGAY na ng pambansang pulisya ang reward money sa dalawang civilian informants na naging susi sa pagkakaaresto sa negosyanteng si Delfin Lee at sa NPA leader na si Grayson Naogsan. Mismong si PNP chief, Director General Alan Purisima ang nag-abot ng pera sa dalawang tipster. Ayon sa PNP, P2 milyon ang pabuya para sa pag-aresto kay Lee, habang P3.2 milyon …

Read More »

P5-M shabu nasabat sa Iloilo — PDEA (Transaksiyon binuo sa Bilibid)

ILOILO CITY – Kinompirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Reg. 6, sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nabuo ang transaksyon sa ¾ kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P4.5 milyon, na nasabat sa kanilang operasyon sa Buray, Oton, Iloilo. Ayon kay PDEA Reg. 6 Dir. Paul Ledesma, ang naarestong drug courier na si Jesusito Padilla Pedrajas ng San Pedro, …

Read More »

2 holdaper sa Kyusi todas sa Caloocan cop (Sa halagang P530)

PATAY ang dalawang holdaper makaraan makipagbarilan sa isang pulis-Caloocan nang holdapin ang isang gasolinahan sa Brgy. Baesa, Quezon City kamakalawa ng gabi. Hindi pa nakikilala ang napatay na mga suspek, tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, at 40 hanggang 45-anyos ang edad. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 7 p.m. nang maganap ang insidente sa Orange Fuel gasoline station sa Quirino …

Read More »

Urot na driver kritikal sa kuyog ng 3 kelot

INOOBSERBAHAN ang 42-anyos driver makaraan pagtulungan bugbugin at saksakin ng tatlong lalaki kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Nakaratay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Pedro Pingoy, ng 69 Malumanay St.,Teachers Village, Quezon City. Sa follow-up operation ng mga awtoridad, naaresto ang mga suspek na sina Ronald Gallego, 33; Rex Menes, 33; at Jose Noah Ombion, 23-anyos. …

Read More »

Power blast posible sa Mayon — Phivolcs (‘Pag lumaki ang lava dome)

LEGAZPI CITY – Posibleng maganap ang “power blast” sa Mayon Volcano bunsod ng umusbong na lava dome sa bunganga ng bulkan. Sinisikap ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na makunan ng larawan ang nasabing kumakapal na lava dome. Ito’y para madetermina kung patuloy ito sa paglaki at kung nagkakaroon nang pagbabago sa posisyon sa ibabaw. Ayon kay Phivolcs …

Read More »

Taal Volcano binabantayan din

BINABANTAYAN din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Taal Volcano sa Batangas makaraan makapagtala ng anim na paggalaw ng bulkan sa loob lamang ng 24 oras. Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, walang napipintong pagsabog ang bulkan Taal at nananatiling nasa alert level 1 ito. Patuloy pa rin ang babala ng Phivolcs sa mga residente roon na …

Read More »

85 Caloocan residents binigyan ng oportunidad na magnegosyo

PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, kasama ang ilang opisyal ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) ng lungsod, at ng Department of Labor and Employment (DOLE)-National Capital Region, ang pamamahagi ng 50 business starter kits sa mga graduate ng Vocational Technology (VocTech) sa Caloocan City Manpower Training Center, kamakailan. Ang simpleng serermonya ay nilahukan 85 residente na nabigyan …

Read More »

Milyon-Milyong Jueteng kobransa ang hinahakot ng tandem nina Kenneth Intsik at Bolok Santos sa South Metro!

LUMUTANG na ang pangalan ng isang mataas na opisyal ng PNP-Crame na kung tawagin ay alyas “BON JOVI” — ang itinuturong ‘kamay na mapagpala’ sa operasyon ng Jueteng nina KENNETH YUKO INTSIK at TONY BOLOK SANTOS sa South Metro Manila. At dahil sa pagpapala ni alyas Bon Jovi ng PNP-Crame, sisiw ang P10 milyones na kobransa sa teng-we nina Kenneth …

Read More »

Chiz napundi na kay Abaya

MANHID ba si Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya?! Aba ‘e hindi man lang siya nahihiya sa abala at perhuwisyong naidudulot ng aberya sa MRT sa libo-libong pasahero?! Inaako raw niya ang “full responsibility” sa lahat ng kapalpakan sa Metro Rail Transit (MRT). E ano naman ngayon kung inaako ninyo Secretary Abaya?! Makalulutas ba ‘yang …

Read More »

Takot makulong

DEMONYO, oo mukhang binubulungan ng demonyo o ni satanas ang ilang alipores ni Pangulong Aquino hindi lamang sa Palasyo kundi ma-ging ng kanyang mga kaalyado sa Liberal na gutom sa kapangyarihan. Una, emergency power ang dapat para sa Pangulo dahil magkakaroon daw ng malaking problema sa power supply sa susunod na taon partikular sa buwan ng Abril at Mayo. Ano! …

Read More »

Himutok ni Father sa trapik sa Maynila!

To me, to live is Christ and to die is gain. —Philippians 1:21 NAKU, mga kabarangay, pati pala ang kaparian ay galit na galit na sa daytime truck ban na ipina-tutupad sa Lungsod ng Maynila. Paano ba naman, hindi talaga solusyon ang truck ban upang maibsan ang problema sa trapiko ng Maynila. Wala pang silbi ang traffic asar este czar! …

Read More »

Mga bulag, pipi, bingi sa sex-club sa Parañaque City

MINSANG nasabi ng palabiro ko’ng kaibi-gang si Jun na ang awitin ni Freddie Aguilar na “Bulag, Pipi at Bingi” ang madalas na kantahin sa mga videoke at sayawin ng mga “Magdalena” sa mga night club sa Airport Road sa Baclaran, Parañaque. Ang birong ito ay may bahid ng katotoha-nan dahil patama ito sa mga awtoridad na nagmimistulang bulag, pipi at …

Read More »