Sunday , May 5 2024

Chiz napundi na kay Abaya

00 Bulabugin

MANHID ba si Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya?!

Aba ‘e hindi man lang siya nahihiya sa abala at perhuwisyong naidudulot ng aberya sa MRT sa libo-libong pasahero?!

Inaako raw niya ang “full responsibility” sa lahat ng kapalpakan sa Metro Rail Transit (MRT).

E ano naman ngayon kung inaako ninyo Secretary Abaya?! Makalulutas ba ‘yang pag-ako mo sa sunod-sunod na kapalpakan ng MRT?!

SOLUSYON ang kailangan hindi pag-ako!

Tama si Senator Chiz Escudero, dapat mong tiyakin sa publiko na ligtas sumakay sa MRT.

Kaligtasan ng publiko ang kailangan mong tiyakin. Kung hindi mo kaya, dapat sigurong mag-resign ka na.

Bukod d’yan, dapat busisiin mismo ni Abaya kung bakit gagastusan ng gobyerno ang P3.8 bilyon pambili ng bagong bagon. Ang MRT ay hawak ng private concessionaire na MRT Holdings hindi ba?! E bakit gobyerno ang gagastos?!

Hindi ba’t maliwanag na panggigisa sa sariling mantika ‘yan?!

Secretary Abaya, naririyan ka sa DoTC para proteksiyonan ang mamamayan na nagpapasweldo sa iyo!

At pwede ba tigilan mo na ang pagpapa-kyut sa mga TV/radio interview n’yo!

Hindi na kayo pinaniniwalaan ni Juan dela Cruz!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *