ISANG aktibistang pari ang pa-image ni JC Santos ngayon, matapos siyang hangaan ng madla sa papel ng ‘di-buking na bading sa Till I Met You (na pinalitan na ng mukhang napaka-interesting na My Dear Heart, starring Zanjoe Marudo at ang bagong child actress discovery ng ABS-CBN 2 na si Nayomi Ramos, kasama sina Coney Reyes at Bela Padilla). Sa napaka-militanteng …
Read More »Xian, miss agad si Kim
SA bagong serye ni Kim Chiu sa ABS-CBN 2 na Ikaw Lang Ang Iibigin, hindi si Xian Lim ang kapareha niya rito kundi ang dati niyang ka-loveteam at boyfriend na si Gerald Anderson. Si Xian naman ay mapapasama sa A Love To Last na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Ayon kay Xian, dahil hindi sila magkasama ngayon sa …
Read More »Julia Montes, aalis nga ba ng Dos para sa Mulawin vs. Ravena?
SA balitang nag-audition si Jasmine Curtis-Smith para mapasama sa bagong serye ng GMA 7 na Mulawin vs. Ravena, idinenay ito ng talent management ng nakababatang kapatid ni Anne, ang Vidanes Celebrity Marketing (VCM). Sa Instagram account ng VCM, nag-post ito ng ganito. ”To set the record straight, Jasmine has not been to audition for anything yet since her contract has …
Read More »Bati ng Palasyo: Congrats Miss France, good job Miss Phililippines
MAINIT ang pagbati ng Malacañang kay Miss France Iris Mittenaere, bilang bagong Miss Universe. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, labis ang kasiyahan at pagdiriwang ngayon ng mamamayan ng France, at maituturing na “proud moment” ito ng kanilang bansa. Ayon kay Abella, hindi lamang napanalunan ni Iris ang desisyon ng judges, kundi maging ang pagmamahal ng buong mundo. Kasabay nito, …
Read More »Iris Mittenaere ng France Miss Universe 2016 (Maxine Medina, top 6)
ITINANGHAL bilang bagong Miss Universe ang pambato ng France na si Iris Mittenaere. Nangibabaw ang ganda at talino ng 23-anyos tubong Lille, France mula sa 86 kandidata na su-mabak sa 65th Miss Universe pageant. First Runner-up ang pambato ng Haiti na si Racquel Pelissier, habang second runner-up si Miss Colombia Andrea Tovar. Naging mahigpit ang laban nina Miss France at …
Read More »‘Oplan Ahos’ kontra PNP scalawags
PAGPUPURGA sa kanilang hanay na mistulang “OPLAN Ahos” sa kilusang komunista noong dekada ‘80, ang gagawin ng Philippine National Police (PNP) upang malinis sa scalawags ang pambansang pulisya. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang PNP ang pinakatiwaling organisasyon sa pamahalaan, nasa kaibuturan na ng kanilang sistema ang korupsiyon. “Kayong mga pulis, kayo talaga ang pinaka-corrupt. That’s why I said when …
Read More »Digong tumutol maging arms depot ng US (PH para ‘di maging willing victim)
PUMALAG si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng Amerika na gawin lunsaran ng giyera ang Filipinas kontra China. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, nagbabala si Pangulong Duterte sa US, ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag itinuloy ang plano na mag-imbak ng mga armas pandigma sa bansa, kasama ang mga armas nukleyar. “They are unloading arms in …
Read More »2 kelot sa labas ng Miss U venue inaresto
INARESTO ng mga pulis ang dalawang lalaking kahina-hinala ang kilos, sa labas ng venue ng Miss Universe pageant sa (MOA) Arena sa Macapagal Avenue, Pasay City, kahapon. Kinilala ang mga inaresto na sina Hansel Hayag, at Jonathan Gutierrez. Namataan paikot-ikot si Hayag sa paligid ng coronation venue at nakuha mula sa mga gamit niya ang isang wig. Katuwiran ni Hayag …
Read More »Pinoy TNT sa US bahala si Trump
HINDI kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tinaguriang “tago nang tago” (TNT) o ilegal ang pananatili sa Amerika, maaaring tamaan ng bagong immigration policy ni US President Donald Trump. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, binigyan diin ng Pangulo, bilang respeto sa patakaran sa hindi pakikialam ni Trump sa kanyang drug war, iginagalang niya ang …
Read More »Condom laglag sa DepEd
HINDI papayagan ng Department of Education (DepEd), ang pamamahagi ng condoms ng Department of Health (DoH), sa senior high school students, binig-yang-diin ito ni Education Secretary Leonor Briones kahapon. Aniya, inabisohan niya si Health Secretary Paulyn Jean Ubial hinggil sa kanilang pagtutol sa nasabing hakbangin. Ayon kay Briones, hindi maaaring suportahan ng DepEd ang pamamahagi ng DoH ng contraceptives, naglalayong …
Read More »Puganteng Briton arestado sa Bulacan
KALABOSO ang isang puganteng British national makaraan maaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, kaugnay sa kinasasangkutang kaso. Kinilala ng pulisya ang nadakip na si David Alan Sale, 69, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, ng nabanggit na lalawigan. Ayon kay Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police, si Sale ay tinutugis sa mga kasong grave coercion …
Read More »17 packs ng shabu iniwan sa sasakyan
NATAGPUAN ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang ilang kilo ng pinaniniwalaang shabu, mula sa isang abandonadong sasakyan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Atty. Ric Diaz, regional director ng NBI-National Capital Region, nakatanggap siya ng impormasyon isang pulang Nissan Sentra (WNL-700) ang may kargang shabu, sinasabing ide-deliver sa katimugang bahagi ng Metro Manila. Agad …
Read More »Lifestyle check sa PNP inaapura
DAPAT nang isailalim sa lifestyle check ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Inihayag ito ni Senadora Grace Poe, nang malantad na maraming tiwaling pulis ang kwestiyonable ang mga ari-arian partikular si SPO3 Sta. Isabel, sangkot sa tokhang for ransom ng Korean trader na si Jee Ick Joo Binigyang diin ni Poe, sa nakaraang pagdinig sa Senado, sinabi ni …
Read More »Kelot kritikal sa tandem
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 54-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Emerito Bilacaol, residente ng Block 10, Lot 24, Tanigue St., Samatad Compound, Dagat-Dagatan, Brgy. 14, ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni Caloocan Police deputy chief …
Read More »Lola itinumba ng hired killer (Lider ng informal settlers)
PATAY ang isang 68-anyos lider ng informal settlers makaraan pagbabarilin ng hinihinalang hired killer sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Milagros Masalio, re-sidente ng Rosita St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo. Habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Rey Quintana, 24, ng Kaingin St., Brgy. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















