Wednesday , December 17 2025

Recent Posts

Homeowners prexy itinumba

PATAY ang isang 48-anyos lalaking presidente ng home owners association makaraan barilin ng hindi nakilalang salarin habang nagliligpit ng paninda kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Egmedio Salvan, 48, presidente ng Gulayan Homeowners Association at residente ng 22 Sitio Gulayan, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng …

Read More »

3 paslit todas sa inulam na pawikan

BINAWIAN ng buhay ang tatlong paslit na magkakapatid makaraan malason sa inulam na karne ng pawikan sa Brgy. Liang, Irosin Sorsogon kamakalawa. Ayon kay PO3 Ronnie Dollentas ng PNP Irosin, nabili ng mag-asawang Pio at Teresa Alon ang karne ng pawikan sa isang Norman Gacias, isang fish vendor mula sa Matnog. Iniluto ng mag-asawa ang karne at ipinakain sa mga …

Read More »

P3-M alahas natangay sa jewelry shop

NATANGAY ng mga magnanakaw ang P3 milyong halaga ng mga alahas sa isang jewelry shop sa Ongpin St., Sta. Cruz, Maynila. Limas na ang mga alahas sa QT Jewelry Shop nang datnan ng may-aring si Patrick San Agustin kahapon ng umaga. Hinihinalang sa kisame ng bakanteng ikalawang palapag dumaan ang mga kawatan. (LEONARD BASILIO)

Read More »