Wednesday , April 16 2025

Rose Novenario

GRP at NPA magpapatupad ng SOMO (Magkatuwang vs terror groups)

NPA gun

PAREHONG magpapatupad ng suspension of offensive military operations (SOMO) ang tropa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) para magkatuwang na labanan ang mga teroristang grupo sa Marawi City  at iba pang parte ng bansa. Sa kalatas, sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, nagpapasalamat ang gobyerno sa pahayag ng National Democratic Front (NDF) na sumusuporta sa …

Read More »

Maute/ISIS nagpalakas sa pananahimik ng PNoy admin vs terorismo

NAGPALAKAS ng puwersa ang tero-ristang grupong Maute/ Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa pananahimik ng administrasyong AQuino kontra-terorismo. “Ang problema namin is, bakit walang katapusan ang armas nila pati bala? E di ibig sabihin, ang build-up niyan took about siguro more than three years,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa media interview sa pagbisita sa mga tropa ng pamahalaan …

Read More »

Eid’l Fitr sa 26 Hunyo regular holiday

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, bilang regular holiday sa buong bansa ang 26 Hunyo bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan. Nilagdaan ni Pangulong Duterte Proclamation 235 upang makiisa sa mga kapatid nating Muslin sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam. Ang Filipinas ang kauna-unahang may pinakamalaking populasyon ng Kristiyanong bansa na nagdeklara …

Read More »

AFP sa Maute/ISIS: Last n’yo na ‘yang Marawi City

TINIYAK ng militar, wala nang kakayahan ang mga teroristang grupo na ulitin sa ibang lugar ang ginawang pag-atake sa Marawi City. Sa press briefing kahapon, sinabi ng militar, natapyasan nang husto ng mga tropa ng pamahalaan ang kapabilidad ng mga teroristang grupo kaya hindi na uubra na makapaghasik pa sila ng lagim, lalo sa Cagayan de Oro City at Iligan …

Read More »

Nobleza, Maute ASG/ISIS isasampol sa Anti-Terror Law

MAGIGING test case ng kontrobersiyal na Human Security Act o Anti-Terrorism Law (Republic Act 9372) ang mga teroristang naghahasik ng lagim sa Marawi City, at iba pang parte ng bansa. Ayon sa Palace source, kasama sa pinag-aaralan ng legal team ng administrasyong Duterte ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9372 sa mga miyembro ng mga teroristang grupong Maute, Abu …

Read More »

Regular updates sa kalusugan ni Digong hiling ng oposisyon

IGINIIT ng opposition lawmakers na dapat ihayag ang status ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang patuloy sa kanyang “private time.” Sinabi ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, ang pagkawala ni Duterte sa public engagement sa nakaraang mga araw ay “very unusual,” habang patuloy ang sagupaan sa Marawi City, at umiiral ang martial law sa buong Mindanao. “People cannot help …

Read More »

Duterte abala sa paperworks (kaya no-show) — Palasyo

ABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paperworks kaya hindi nagpapakita sa publiko nitong mga nakalipas na araw. Ipinamahagi sa Pa-lace reporters kahapon, dakong 5:52 pm ang larawan ni Duterte na subsob sa mga gawaing-papel sa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila. Habang ang isang retrato ay magkatabi sila ni Special Assistant to the …

Read More »

Imported rice ‘di na puwedeng idaan sa Subic Freeport Zone

TAPOS na ang maliligayang araw ng rice smuggling syndicate na matagal nang ginamit na ‘palaruan’ ang Subic Freeport Zone. Inihayag ni Cabinet Secretary at National Food Authority (NFA) Council Chairman Leoncio “Jun” Evasco, Jr., hindi na puwedeng dumaan sa Subic Freeport Zone ang imported rice na papasok sa bansa. Sa Zamboanga City port lamang puwedeng iparating ang inangkat na bigas. …

Read More »

Agit-Prop ng Maute/ISIS sasampolan ng cyber sedition

SASAMPOLAN ng kasong cyber sedition ang mga naglulunsad ng agit-prop (agitation-propaganda) ng teroristang Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa iba’t ibang website. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, inihayag ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Rodolfo Salalima, may aarestohin ang mga awtoridad na nagpapakalat ng propaganda ng Maute/ISIS. “We are involved confidential. May huhulihin na. …

Read More »

Hinanakit ni Digong: Korupsiyon talamak sa 6-taon PNoy admin

PUNO ng korupsiyon ang anim-taon panunungkulan ni dating Pangulong Benigno Aquino III, at hindi na ito mabubura sa kasaysayan. Ito ang buwelta ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga taga-Liberal Party na suking kritiko ng idineklara niyang martial law sa Mindanao, bunsod nang pagkubkob ng mga terorista sa Marawi City. Ang mga taga-LP aniya na walang bukambibig dati kundi ang …

Read More »

Evasco bahala sa rehab ng marawi — Duterte

IPAGKAKATIWALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehabilitasyon ng Marawi City sa kanyang housing czar na si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, Jr. “Meron kami, sabi ko kay Jun, when I was ma-yor of Davao City siya ‘yung sa housing ko, ‘prepare a rehab plan for Marawi’.” Unahin ko lang ‘yung mga bahay na ‘yung mga mahirap. Iyong malala-king building, …

Read More »

Bandilang half-mast para sa Marawi (Sa ika-119 Araw ng Kalayaan)

INIUTOS ng Palasyo na ilagay sa half-mast ang watawat sa lahat ng tanggapan ng gobyerno simula kahapon, bilang pagluluksa sa pagkamatay ng mga sundalo’t pulis, at mga inosenteng sibil-yan sa bakbakan sa Marawi City. Hiniling ng Malacañang sa publiko, magkakaiba man ang relihiyon, na umusal ng maikling panalangin, hindi lamang para sa namatay na mga tropa ng gobyerno at inosenteng …

Read More »

US troops kasama ng AFP vs ISIS sa Marawi (Kinompirma ng Palasyo)

KINOMPIRMA ng Palasyo ang presensiya ng tropang Amerikano sa Marawi City ngunit limitado ang kanilang pag-ayuda sa aspektong teknikal sa mga operasyon ng Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) laban sa mga terorista. “The United States is assisting the Armed For-ces of the Philippines (AFP) in its operations in Marawi but this is limited to technical assistance,” pahayag kahapon ni …

Read More »

Pagkamatay ng 13 Marines ikinalungkot ng Palasyo

LABIS na ikinalungkot ng Palasyo ang pagkamatay ng 13 kagawad ng Philippine Marines sa paki-kipagbakbakan sa mga teroristang gupong Maute /ISIS  Marawi City noong Biyernes. Magiting na nakipag-hamok para sa mga kapa-tid nating Maranao ang mga sundalo para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista, ayon kay Abella. Ang insidente aniya ang lalong nagpaigting sa pagnanais ng gobyerno …

Read More »

Vin d’honneur sa Lunes kanselado

KINANSELA ng Palasyo ang tradisyonal na Vin d’honneur  na nakatakda sa Lunes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan ng Filipinas. Ang Vin d’honneur ay dalawang beses na pagtitipon ng matataas na opisyal ng pamahalaan at diplomatic corps sa Palasyo, na ang Pangulo ang host. Ang unang Vin d’honneur ay tuwing pagsisimula ng taon at ang ikalawa ay …

Read More »

Politikong olat financiers ng terorismo

MAY 230 politiko, karamiha’y mga talunan noong nakalipas na halalan, ang tinutugis ng mga awtoridad dahil sa pag-ayuda sa Maute terrorist group. Ang pangalan ng supporters ng Maute ay nakatala sa inilabas na Arrest Order 1 at 2 ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang martial law administrator sa Mindanao. Kabilang sa Arrest Order #1 ang 24 personahe at 20 naman …

Read More »

Marawi liberation asahan sa Lunes (Vin d’honneur kanselado)

UMAASA ang gobyerno na maitataas na ang watawat ng Filipinas sa Marawi City bilang simbolo ng paglaya ng siyudad sa kamay ng mga terorista. “Rest assured, our soldiers are doing their part, they’re doing their best and are continuing on with this effort on the ground to facilitate the liberation of Marawi hopefully by Monday,” ani Armed Forces of the …

Read More »

Batas militar ipinababawi ng NDF kay Digong (Kapalit ng guerilla warfare bilang tulong vs ISIS)

NAIS ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out war policy at  idineklarang  batas militar sa Mindanao bago tumulong sa operasyon ng gobyerno kontra Maute/ Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). “To accomplish ceasefire, coordination and cooperation between the forces of the GRP and the NDFP within Marawi against the aforesaid …

Read More »

Ayon kay Duterte: Corrupt ideology pinayagan ng Maranao sa Marawi City

Duterte Marcos Martial Law

PINAYAGAN ng mga Maranao ang “corrupt ideology” na pumasok sa Marawi City kaya kinubkob ng mga teroristang grupong Maute/ISIS ang kanilang siyudad. “Maranaos allowed corrupt ideology to enter Marawi,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa kampo militar sa Sultan Kudarat kahapon. Binigyan-diin ng Pangulo, drug money ang nagpondo sa mga teroristang grupo sa Mindanao at ang kalakarang …

Read More »

Pakiusap sa netizens: Propaganda ng terorista biguin — Palasyo

DAPAT kolektibong kondenahin at biguin ng mga Filipino bilang isang bansa, ang kasamaan at pagsusumikap ng lahat ng armadong grupong sirain ang Filipinas. Ito ang panawagan ni AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla sa netizens na ibinabahagi ang mga propaganda ng mga terorista sa social media. “Kaya nga po bilang isang Filipino, bilang isang bansang Filipino, we must collectively condemn. We …

Read More »

Problema mula sikmura hanggang ‘puson’ ng sundalo sagot ni Digong (One call away sa calling card)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na “one call away” lang siya para saklolohan ang kanilang mga problema mula sikmura hanggang puson. Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Camp Leono, sa Brgy. Kalandagan sa Tacurong City, Sultan Kudarat, ipinamahagi ni Pangulong Duterte sa mga sundalo ang kanyang calling card upang mabilis siyang matawagan kapag kailangan ng tulong. “For …

Read More »

Balik-eskuwela ng 20K estudyante naunsiyami sa bakbakan (Sa Marawi City)

HINIMOK ng Palasyo ang 20,000 estudyanteng mula sa Marawi City, na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kahit nasa ibang lugar na sila dahil posibleng magtagal ang pagbabalik sa normal na sitwasyon sa siyudad. Ginawa ni Education Secretary Leonor Briones ang panawagan bunsod ng ulat na 1,391 Marawi students lamang ang nakapag-enrol sa mga lugar sa labas ng siyudad. Nagpayo umano si …

Read More »

Ayuda sa OFWs sa Qatar ikinasa

TINIYAK ng Malacañang, nakahanda ang pamahalaan na ayudahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar sakaling maapektohan sila ng tensiyon sa Gitnang Silangan. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, posibleng magkaroon ng epekto sa OFWs ang pagputol ng diplomatikong ugnayan ng Saudi Arabia, UAE, Egypt, Bahrain sa Qatar kaya tinututukan ng kaukulang mga ahensiya ng pamahalaan ang sitwasyon at ikinasa …

Read More »

Military junta ‘maluwag’ na ibibigay ni Digong (Kudeta ‘di kailangan)

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa puwesto at ipasa ang po-der sa ikinasang “military junta” sakaling madesmaya ang mga sundalo sa kanyang liderato. “Hindi na kailangan kayong mag-coup d’état-coup d’état. Dagdagan ko lang ng opisyal ‘yung iba, e ‘di kayo na, inyo na. Kompleto na,” sabi ng Pangulo sa pagbisita sa mga sundalo sa Brigadier General Benito N. …

Read More »