KARAKTER talaga ang beauty queen-turned-actress na ito. May ugali kasi itong parang takam na takam sa mga giveway sa presscon na tipong nakikipagkompitensiya pa sa mga uma-attend na miyembro ng showbiz press. Minsan sa presscon sa isang pelikulang kasama siya ay kinuyog siya ng press para interbyuhin sa isang sulok. Magiliw naman niyang pinagbigyan ang mga ito. Sa kalagitnaan ng interbyu, …
Read More »Usapang pera, umiral sa pagpapalaya sa mga sangkot sa Chiong gangrape-slay case?
IUUGNAY lang namin ang isang nakagugulat na pambansang balita sa showbiz, pero sa paraang objective at walang bahid-opinyon. Ito ‘yung iniulat ni Sen. Ping Lacson sa pagkakalaya ng mga nahatulang nang-gangrape at pumaslang sa magkapatid na Chiong sa Cebu noong 1997. Dinukot muna sina Marijoy at Jacqueline habang naghihintay ng sasakyan sa tapat ng Ayala Center sa Cebu. Ang mga sumunod na detalye ay kagimbal-gimbal. Ilang araw …
Read More »Bea, marunong rumespeto
HALATANG misdirected ang mga hanash ng ina ni Gerald Anderson like an airstrike that misses its target of assault. Tulad ng alam ng marami, ang pinupuntirya niya ay walang iba kundi si Bea Alonzo, dating nobya ng kanyang anak. Buti na lang, kahit may dahilan si Bea para huwag itong sumagot, tahimik at deadma lang ang aktres who manages to keep her cool …
Read More »Ai Ai, nakatatlong pelikulang floppey
MAY pamahiin ang mga matatanda na ”tatluhan kung dumating ang mga bagay o pangyayari.”And this is either good or bad. Kung ire-relate ito sa showbiz, swak na swak ang paniwalang ito sa kaso ni Ai Ai de las Alas, hindi dahil tatlo ang anak niya o tatlong dekada na siya sa industriya. Tatlong magkakasunod kasi sa loob ng second at third quarters …
Read More »Premyadong aktor, sobrang taas ang hininging TF
PERA pala ang dahilan kung bakit inayawan ng isang premyadong actor ang dapat sana’y reunion movie nila ng isang sikat na aktres. Ang tsismis, nagde-demand ng mas mataas na TF (talent fee) ang aktor, higher than the offer sa kanyang leading lady. “Pero parang presyong ayaw, alam mo ba ‘yon?” pambubuko ng aming source. Pero anito’y wala naman daw siyang nakitang dahilan para mag-quote …
Read More »Beteranang aktres, nagtampo sa ‘di pagbati ni action star
NAGHIHINANAKIT ang isang beteranang aktres sa isang sikat na action star dahil sa pang-iisnab umano nito sa kanya sa isang pagtitipon. Ang nasabing showbiz gathering ay naganap sa lamay ng isang premyadong aktor (kailangan pa bang banggitin kung sino siya?). Ang kuwento, unang dumating ang aktres kaya naman pinalibutan siya ng mga kasamahan sa hanapbuhay bilang respeto na rin sa kanya. Maya-maya’y dumating na …
Read More »Kris, nagpapa-manage kay Lolit
OVER the week ay nagpasaklolo na si Kris Aquino kay Lolit Solis sa dalawang dahilan: una, ang i-manage siya nito; ikalawa, ang pakiusapan ang GMA na bigyan siya ng show. Sa mga ‘di nakaaalam, dati nang hinahawakan ni Lolita ang career ni Kris. Sometime in the 90s ‘yon . Si Lolit nga ang instrumental sa pagkakapasok ni Kris bilang isa sa mga original hosts ng Startalk noong 1995. …
Read More »Kris, ipoprodyus ang reunion movie nina Sharon at Gabby
IT’S official: hindi na kabilang sa Magic 8 ng MMFF ang pelikula ni Kris Aquino kasama si Gabby Concepcion. Matatandaang una munang kinunan ang mga eksena ni Gabby, at kahit hindi pa kailangan sa set si Kris ay binisita niya ang aktor with matching sanrekwang pasalubong. For starters, isa si Kris sa mga nagprodyus ng nasabing pelikula along with Quantum Films na pag-aari ni Atty. Joji Alonzo. Out …
Read More »Young actress, ‘di kuntento sa relasyon kaya naghanap ng iba
HINDI na raw pinagtatakhan ng marami kung bakit natsitsimis ang isang young actress sa isang mayamang negosyante na nasa likod umano ng pagpapagawa ng bahay nito. Yes, sa isang non-showbiz guy naman iniuugnay ngayon ang aktres na balitang nakipagkalas sa kanyang actor-boyfriend kamakailan. “Ang buong alam ng tao, eh, playboy daw ‘yung actor kaya sila nag-break pero hindi ‘yun ang …
Read More »Maine, ‘di pressure na pantayan ang kinita ng pelikula ni Alden
SA isang panayam ng press kamakailan, sinabi ni Maine Mendoza na wala siya ni katiting na pressure na nararamdaman para pantayan kundi man higitan ang kinita sa takilya ng pelikula ng kanyang other half na si Alden Richards. By now ay running a billion pesos na ang domestic gross nito including its global screenings. Like Alden, Maine is doing a film na hindi …
Read More »Ion, nag-propose nga ba kay Vice Ganda?
OVER the week, ipinagpalagay ng ilang netizens that Ion Perez’s “Say yes, please!” post in his soc-med ay isang marriage proposal to Vice Ganda. Bubusina muna kami dahil baka masagasaan namin ang mga kapatid na kabilang sa LGBTQ community whose members ay pinag-isa in union rites. Kung totoo kasing nag-o-propose na si Ion kay Vice Ganda, why take the proposal to social media …
Read More »Dinner nina Liza at Jane, ‘di pa natutuloy
MASAYANG ibinalita sa amin ni Ogie Diaz sa pamamagitan ng PM (private message) na nakatakda nang simulan ng kanyang alagang si Liza Soberano ang taping ng mulinnilang tatampukang teleserye ni Enrique Gil sa ABS-CBN. “Sa September na ang start ng taping,” ani Ogie. Pero in the meantime, sumasailalim si Liza sa occupational therapy tatlong beses isang linggo kaugnay ng naoperahan na nitong daliri. At habang ganap na nagpapagaling, …
Read More »Bea, nawalan na nga ng dyowa, pinagmumukha pang kontrabida
LITERAL na ang Filipino translation ng pamagat ng pelikula (still in progress) nina Julia Barretto at Gerald Anderson na Between Maybes ay “sa pagitan ng mga siguro.” Kung ito’y gagamiting sagot sa katanungan answerable only by either a yes or no ay mas malabo pa nga ito kaysa “maybe.” Worse than a gray area, kumbaga. Isa lang ang tiyak sa magkatambal na ito, oong-oo at kompirmadona kapwa na sila hiwalay …
Read More »Vandolph, papetiks-petiks; Tsansang maging VM, malabo
ISANG may katungkulan sa media bureau ng Office of the Paranaque City Mayor ang nakahuntahan namin kamakailan. Iisa pala ang pinanggagalingan naming asosasyon ng mga beat reporter na nagkokober noon ng Pasay City. Sa anibersaryo ng grupong ‘yon kami nagkakuwentuhan. Naitanong namin sa kanya ang tsansa ni Vandolph who’s now serving as Paranaque Councilor sa ikalawa nitong termino in case tumakbo itong …
Read More »Nadine, ‘di dapat nang-iisnab ng trabaho
MALAKING bagay para sa sinumang artista ang mapabilang sa taunang Metro Manila Film Festival. Maihahalintulad namin ito sa eleksiyon sa barangay na kinamamatayang salihan. Balita ngang si Bela Padilla na ang opisyal na makakasama ni Aga Muhlach sa Miracle in Cell #7, replacing Nadine Lustre. At ang ibinigay na dahilan ng pag-back out ng Viva artist at two-time Best Actress ay dahil “quota” na siya sa sunod-sunod niyang trabaho. …
Read More »Entertainment press, aaray din ‘pag ‘di ini-renew ang prangkisa ng Dos
ILANG araw na ang nagdaan, ang dapat sana’y ipatutupad nang Security of Tenure Bill na pumasa na sa Kongreso ay hinarang mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kung ating matatandaan, isa sa mga ikinahanga ng hanay ng mga manggagawa kay Digong ay ang binitiwan niyang pangakong wawakasan ang contractualization sa bansa. In short, wala nang “endo” o tinatawag na end of …
Read More »Pagpapabili ni aktres-aktresan ng condom, isinisigaw pa
NAWINDANG to the max ang mga co-star sa isang seksing aktres-aktresan nang minsang utusan nito ang kanyang PA (production assistant). Naganap ang insidenteng ito habang nasa taping break ng isang programa. Pasigaw daw na tinawag ng hitad ang kanyang dyulalay, “’Day, maghanap ka nga ng pinakamalapit na drugstore dito’t ibili mo ako ng condom. After ng taping, magkikita kami ng …
Read More »Kapwa city executives bilib din kay Mayor Isko
HINDI lang mga mamamayan ang bilib sa performance ni Manila City Mayor Isko Moreno kundi mga kapwa rin niya city executive. Leading by example nga ang ipinaiiral niya dahil maging ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Pasay City ay gumaya na rin sa sinimulan niyang clean-up drive ng mga bangketa. Sa tindi nga ng impact ng mga ginagawa niya—na hindi nagawa ng mga nakalipas na administrasyon—ay sagana ngayon ang original Tondo boy …
Read More »Direk Cathy, OA sa motivational style na ibinigay kay Kathryn
MAY kasabihang “different folks, different strokes.” In short, iba-iba ang tao kung kaya’t iba-iba rin ang diskarte sa buhay. Hindi exception sa kasabihang ito si direk Cathy Garcia-Molina. Kilala ang lady director na kapag hindi nagugustuhan ang acting ng kanyang mga artista sa set ng ginagawa niyang pelikula’y katakot-takot na malulutong na mura ang inaabot ng mga ito. Hindi nga …
Read More »Hunk aktor, paikot-ikot sa mall habang kalandian ang tatlong lalaki
NAWINDANG ang ilang mallers nang ma-sight nila ang isang hunk actor kasama ang kanyang tropa. Take note, puro boylet ang mga ‘yon gayong inaasahan pa naman daw ng mga utaw doon na ka-join ng macho actor ang kanyang girlfriend. “Na-disappoint kami kasi noong nagkakandahaba na ang mga leeg namin para makita siya nang malapitan, eh, puro boylet ang kalandian niya!” bungad ng isang saksing …
Read More »Ogie, ipaglalaban kung ano ang tama
NAKATADHANA na yatang pumalaot ang kaibigan at kumpareng si Ogie Diaz sa larangan ng artist management. Dekada ’90 nang makasama’t makatrabaho namin si Ogie—Roger Pandaan sa tunay na buhay—sa Mariposa chain of publications. Agad kaming nagkagaanan ng loob. That time, patnugot si Ogie ng isa sa mga magasin ng publikasyon—ang Teenstars—bukod sa nagkokolum siya sa apat pa nitong mga babasahin. …
Read More »Dating sundalo, bilib sa katatagan at stamina ni Matteo
MAPALAD kami na makakuwentuhan ang isang dating sundalo na ngayo’y isang university professor. Pakiusap lang niya na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan dahil sa military protocol. Pero ganoon na lang ang paghanga niya kayMatteo Guidicelli na kamakaila’y nagtapos ng kanyang Scout Ranger Orientation program. Ayon sa kanya, hindi biro ang rigid training na pinagdaanan ng actor na karaniwang kinukuha lang …
Read More »Miss Charity sa Miss Philippines, nasungkit ng isang Bataguena
ISANG 21 year-old Batanguena ang nakasungkit ng Miss Charity special award sa Miss Philippines Tourism Queen International na idinaos sa China kamakailan. Graduate ng business administration si Cheska Loraine Apacible na nakipag-compete with 35 other candidates. Ang nasabing pageant ay brainchild ng tumatayong Pangulo nitong si Vic Torre. Naisisingit nito ang pagiging abala sa cause-oriented project na ito sa kabila ng kanyang involvement sa medical service business, …
Read More »Maine, kina Daniel o Arjo dapat itinambal
MAITUTURING na ambitious project ang kauna-unahang wide screen partnership nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Sa kabila ng magkaiba nilang mundo (home network), napagsama nga ang dalawa with either of them setting aside his/her long-time partner: si Daniel Padilla kay Kathryn, si Maine Mendoza kay Alden. Ang inakala ngang isang suntok-sa-buwang pagsasama nina Kat at Alden ay isa nang realidad …
Read More »Pacman, magko-concert kahit walang hilig sa kanya ang kanta
SA kabila ng pagiging busy, wari’y kulang pa yata ang mga makabuluhang gawain ni Senator Manny Pacquiao na balitang magkakaroon ng major concert sa September 1. Ilang beses nang naiulat na numero unong absentee ang boxer-turned-politician sa Senado, eto’t may dahilan na naman siya para lumiban sa mga session bilang paghahanda sa kanyang kauna-unahang concert. Naalala tuloy namin ang guesting ni Pacman sa Startalk ilang taon na ang …
Read More »