Tuesday , April 1 2025

hataw tabloid

Playoff sa PBA ipinagpaliban

DAHIL sa malakas na ulan na dulot ng habagat kahapon, ipinagpaliban ng PBA ang knockout na laro ng Talk ‘n Text at Barangay Ginebra San Miguel para sa huling puwesto sa quarterfinals ng Governors’ Cup na dapat sanang gawin sa Cuneta Astrodome sa Pasay. Gagawin ang larong ito mamayang alas-7:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum kung saan ang mananalo …

Read More »

Gilas isasabak din sa Asian Games

BALAK ng  MVP Sports Foundation na isali ang Gilas Pilipinas sa Asian Games na gagawin sa Incheon, South Korea, sa susunod na taon. Sinabi ng pangulo ng foundation na si Al Panlilio na sasali ang Gilas sa Asian Games pagkatapos ng kampanya nito sa FIBA World Cup sa Espanya. “We are focusing our resources on both these tournaments,” wika ni …

Read More »

Air21 babawi — Pumaren

NANGAKO si Air21 head coach Franz Pumaren na maganda ang tsansa ng Express na makapasok sa semifinals sa susunod na PBA season. Kahit nanalo ang Express kontra Alaska, 121-107, noong Linggo ay hindi sila nakapasok sa quarterfinals ng Governors’ Cup dulot ng kanilang mahinang quotient. Sinabi ni Pumaren na ang pagdagdag kina Asi Taulava at Joseph Yeo ay senyales na …

Read More »

Jeffril T. Zarate nakatatlong panalo

Binabati ko ang hineteng si Jeffril Tagulao Zarate sa pagkapanalo ng kanyang tatlong  sakay sa mga kabayong sina Be Humble, Crucis at Native Gift nitong nagdaang Sabado sa pista ng Metro Turf. Ang pagkapanalo niya kay Be Humble ay mukhang naghahanap pa ng kalaban para sa mga kagrupo niya sa 3YO, dahil labis na kahanga-hanga na nilaro lamang siya ni …

Read More »

Lolang bingi’t bulag, 4 pa nalitson sa sunog

PATAY ang 92-anyos lolang bingi’t bulag, isang babaeng amo at tatlong kasambahay sa magkahiwalay na sunog sa Bislig City, Surigao del Sur kamakalawa at sa Fernandez Street, Sta. Cruz, Maynila, Lunes ng umaga. Kinilala ang unang biktima na si Maxima Lim, residente ng Purok-3, Barameda Street, Riverside District, Bislig City, sinabing isang bingi’t bulag na senior citizen. Sa imbestigasyon, napag-alamang …

Read More »

Next Customs IEG chief ‘bata’ ng rice cartel, smuggler na si David Tan (Appointment nilalakad ng padrinong Senador at Presidential kin)

NASA pintuan lang ng Palasyo ang hinahanap na salarin sa paglobo ng presyo ng bigas bunsod ng artipisyal na krisis na nilikha ng rice cartel na protektado nito. Kinompirma ito ng isang source na nagsabing, isang malapit kay Pangulong Benigno Aquino III ang nagkakanlong sa rice smuggling syndicate ni David “Bata” Tan at nagmamaniobra ngayon sa rigodon sa Bureau of …

Read More »

‘PNoy’s lunch with Napoles’ ipagbibitiw ni Lacierda (Kapag napatunayan ni Tatad)

NAKAHANDANG magbitiw si Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa kanyang posisyon kapag napatunayan ni dating Sen. Francisco ‘Kit” Tatad ang isinulat sa kanyang column na nakasalo pa sa tanghalian ni Pangulong Benigno Aquino III si Janet Lim Napoles ilang oras bago ang pagsuko ng negosyante sa Palasyo noong Agosto 28 ng gabi. “He has not even identified the sources of this …

Read More »

‘Not guilty plea’ ipinasok ng korte para kay Napoles

NAGPASOK ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ng “not guilty” para kay Janet Lim-Napoles kaugnay sa kinakaharap na kasong illegal detention. Isinagawa ito makaraang tumangging magsalita si Napoles sa arraignment ng kaso sa sala ni Judge Elmo Alameda. Naging mahigpit ang seguridad na ipinatupad sa loob at labas ng korte para sa pagbasa ng sakdal kay Napoles …

Read More »

Napoles inimbita sa Senate pork probe

IPASU-SUBPOENA ng Senate Blue Ribbon committee ang arestadong ne-gosyante na dawit sa P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles. Ayon kay Sen. TG Guingona, chairman ng komite, kailangan na lamang lagdaan ni Senate President Franklin Drilon ang subpoena para maisilbi kay Ginang Napoles. Nais ng komite na padaluhin si Napoles sa kanilang pagdinig sa pork barrel scandal sa Setyembre …

Read More »

24 patay sa Zambales landslides

UMABOT na sa 24 ang namatay sa naganap na landslides sa Zambales bunsod ng malakas na buhos ng ulan kahapon ng umaga. Ang 15 sa mga biktima ay namatay sa dalawang magkahiwalay na landslindes sa Brgy. Wawandue at Brgy. San Isidro sa bayan ng Subic, ayon kay Mayor Jefferson Khonghun. Narekober na ang bangkay ng siyam biktima sa Wawandue, ayon …

Read More »

Misuari mananagot – PNoy

TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino” na mapananagot si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nuri Misuari sa kaguluhan sa Zamboanga City. Kamakalawa, bumalik na sa Metro Manila si Pa-ngulong Aquino matapos ang 10 araw na pagtutok sa operasyon ng government forces laban sa MNLF – Misuari group. Sinabi ng Pangulong Aquino, may mga hawak silang testigo na direktang …

Read More »

Etits ng magsasaka sinakmal ng kabayo

DAVAO CITY – Namemeligrong tuluyang maputulan ng ari ang isang magsasaka matapos sakmalin ng kabayo ang kanyang sex organ sa Brgy. Manuel Peralta, bayan ng Malita, Davao del Sur. Kinilala ang biktimang si alyas Roldan, 19, patuloy na ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC). Una rito, nakasakay sa kanyang kabayo ang biktima dakong 2:30 p.m. kamakalawa at bababa na …

Read More »

43 babae, 6 bugaw dinampot sa 2 bar

CEBU CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang 43 kababaihan, kabilang ang 14 dalagita sa operasyon ng Regional Anti-Human Trafficking Task Force (RATFF-7) sa dalawang bar sa General Maxilom Avenue, lungsod ng Cebu. Kasabay nito, naaresto rin ang anim bugaw matapos tumanggap ng P3,000 marked money galing sa isang pulis na nagpanggap na costumer. Ang nasabing operasyon ay pinangunahan nina …

Read More »

Solons kakapkapan na rin sa Kamara

NAGPALABAS ng kautusan ang liderato ng Kamara de Reprtesentantes sa lahat ng kanilang security guard at kasapi ng Legislative Security Bureau (LSB) na kakapkapan na rin ang mga mambabatas bago sila pumasok sa plenaryo. Ang kautusan ay bunsod ng insidente noong nakaraang Biyernes na pumasok sa plenaryo ng Kamara ang security escort ni Nueva Ecija Rep. Estrellita B. Suansing na …

Read More »

Rider lasog sa cargo truck

DUROG ang katawan at ulo ng 38-anyos rider matapos  salpukin at pumailalim sa rumaragasang cargo truck kamalawa ng gabi sa Valenzuela City. Dead on the spot  ang biktimang si Rolando Calopez, ng Ilang-Ilang Street, Brgy. Bangcal, Meycaua-yan, Bulacan. Agad sumuko ang suspek na si Manuel Besona, 56-anyos, ng Iba, Meycauayan, Bulacan, driver ng truck (CBK-102) na nahaharap sa kasong reckless …

Read More »

Coaches ng The Voice, nahirapan sa pagpili ng Top 4!

ISANG napakainit na labanan ang naganap noong Linggo sa The Voice of the Philippines nang ipakilala na ang nakapasok sa Top 4 artists na siyang maglalaban-laban sa next week’s grand finals matapos ma-eliminate ang apat pang  contestants sa napaka-hit na TV talent search. Lahat ng apat na coach na sina Apl de Al, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bambo ay …

Read More »

Marian, tinanggihang mag-guest sa GGV

TINANGGIHAN pala ni Marian Rivera ang guesting niya sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda? Kaya’t nagtataka ang mga taga-GGV kung bakit tumanggi ang aktres gayung napanood naman siya sa Kris TV kasama si Ai Ai delas Alas para sa promo ng Kung Fu Divas at nalaman pa na may scheduled guestings siya Showbiz Inside Report, The Buzz, at Bandila. …

Read More »

Aira, buwis-buhay kung magsayaw

TALAGANG hindi pa rin matatawaran ang galing ng Sexbomb Girls, nariyan pa rin ang tatak nila na talagang magaling gumiling. Nakita uli ang kanilang husay sa pagsasayaw sa  GMA 7’s Sunday All Stars sa team ngTWEETHEARTS nitong nakaraan linggo nang humataw ng Latino dance si Aira Bermudez kapareha ni Rodjun Cruz na buwis buhay ang hatawan sa sayawan. Bukod kay …

Read More »

Zanjoe, parang 2nd father na kay Andrea

SEY ni Zanjoe Marudo, pinag-aawayan nila rati ni Bea Alonzo ang oras nila sa isa’t isa. Pero ngayon ay nakapag-adjust na sila at sinasamantala muna ang sunod-sunod na trabaho. Dumarating naman ‘yung time na madalang ang offer at doon sila nagba-bonding. Kinunan din ng reaksiyon si Zanjoe tungkol sa sex videos ng mga artista. Nalulungkot daw siya para sa mga …

Read More »

Aktres, muntik nang mamatay sa pinakasalang lalaki; Aktres, nakipag-one-night-stand sa isang gambling lord

MALA-DRAMEDY (drama-comedy) para sa amin ang firsthand  account na mismong itsinika ng pangunahing karakter na sangkot sa kuwentong ito. Mismong araw ‘yon ng kanyang pag-iisandibdib sa kanyang nobyo of more than a year. Sa hiling na rin kasi ng boylet kung kaya’t napapayag ang ating bida sa itinakdang kasalan sa labas ng bansa, famous for its world-class entertainment with matching …

Read More »

Nagpabawas ng bituka, kaya pumayat si Sen. Jinggoy Estrada?

KAPAG mahaba ang bituka ng isang tao, mas malakas kumain. Mas mabilis tumaba. Hindi mo naman mapipigil ang  kumain lalo’t masasarap at lagi kang nasa big gatherings. From reliable sources, ang tinatawag na “sexy” sa  Janet Lim Napoles scam na si Sen. Jinggoy Estrada ay tunay na nagpaseksi dahil hindi na maganda ang porma ng kanyang pangangatawan lalo’t hindi naman …

Read More »

Matigas pa rin ang ulo at kulang sa disiplina!

THE world is now a-changing and yet this once very popular actress has remained hard-headed and delusional. Hahahahahahahahahahaha! Hayan at binabagyo na ang ka-Maynilaan at kadalasa’y lubog na pero ang multi-awarded actress ay wala pa rin pagbabago ever. Hahahahahahahahahahaha! Imagine, she’s already in her late-50s but her life has remained stagnant and no visible improvements whatsoever. Hahahahahahahahahahaha! Momentarily, she’d be …

Read More »

Lolang bingi’t bulag, 4 pa nalitson sa sunog

PATAY ang 92-anyos lolang bingi’t bulag, isang babaeng amo at tatlong kasambahay sa magkahiwalay na sunog sa Bislig City, Surigao del Sur kamakalawa at sa Fernandez Street, Sta. Cruz, Maynila, Lunes ng umaga. Kinilala ang unang biktima na si Maxima Lim, residente ng Purok-3, Barameda Street, Riverside District, Bislig City, sinabing isang bingi’t bulag na senior citizen. Sa imbestigasyon, napag-alamang …

Read More »