Wednesday , January 1 2025

hataw tabloid

Bong humirit na mabisita si Jolo

HINILING ng kampo ni Senador Bong Revilla sa korte na payagan siyang mabisita sa ospital ang kanyang anak na si Cavi-te Vice Governor Jolo Revilla.  Nagpapagaling ngayon ang batang Revilla sa Asian Hospital makaraan maputukan ang sarili habang naglilinis ng kanyang baril, Sabado ng umaga.  Sa tatlong pahinang mosyon sa Sandiganbayan First Division ng mga abogado ni Revilla, hiniling ng …

Read More »

Bebot ginilitan sa leeg ng selosong dyowa

BUTUAN CITY – Nahaharap sa kasong homicide ang isang lalaki makaraan gilitan sa leeg ang kanyang live-in partner sa Brgy. Avilan, Buenavista, Agusan del Norte na ikinamatay ng biktima kamakalawa. Ayon kay PO3 Edmond Masambo, ng Buenavista PNP, patuloy ang kanilang paghahanap kay Richard Tagopa alyas Dodong, 30, tumakas makaraan gilitan sa leeg si Cristina Cagatan, 23, ng Brgy. Puting-bato …

Read More »

ULP sa GMA Inc. iimbestigahan sa Kamara

NAIS busisiin ng ilang mambabatas sa isyu ng unfair labor practices sa kompanyang GMA Inc. Base sa Resolution 1893, nina Reps. Emmi  De Jesus (Party-list, Gabriela), Luzviminda Ilagan (Party-list, Gabriela) at Jose Christopher Belmonte (6th District, Quezon City), dapat imbestigahan ng Kamara ang reklamo ng mga manggagawa tungkol sa ‘security of tenure.’ Batay sa isinampang kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC) ng …

Read More »

Baby girl iniwan sa MRT

ISANG bagong silang na sanggol na babae ang inabandona nang walang pusong ina sa isang estasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa Makati City kamakalawa. Ayon sa mga security guard ng MRT na nakatalaga sa Magallanes Station na sina Mark Anthony Montes, at Lucio Paano Jr., dakong 2:30 p.m. nang matagpuan nila sa hagdanan ng Southbound lane, EDSA Ave., ng naturang lungsod, ang sanggol. …

Read More »

Pamangkin ni Villafuerte inutas sa sabungan

NAGA CITY – Binawian ng buhay ang pamangkin ni dating Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte makaraan barilin sa loob ng sabungan sa San Vicente, Milaor, Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay SPO1 Aldrin Amaro, dakong 5:30 a.m. kahapon nang bawian ng buhay si Jeffrey Villafuerte dahil sa seryosong tama ng bala sa katawan. Ani Amaro, si Villafuerte ang sponsor ng sabong na …

Read More »

Security officer tiklo sa pagpatay sa barangay treasurer  

ARESTADO ang isang 42-anyos officer-in-charge (OIC) ng security personnel ng National Power Corporation (Napocor) ilang oras makaraan matukoy sa closed circuit television (CCTV) na siya ang huling taong nagtungo sa bahay ng pinaslang na barangay treasurer sa Quiapo, Maynila. Inihahanda na ni PO3 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-Homicide Section, ang kasong murder laban sa suspek na si Gabriel Ambuyot y …

Read More »

PNoy lumabag sa batas sa Oplan Exodus (Ayon sa law expert)

MAY pananagutan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa Oplan Exodus, ayon sa isang law expert.  Matatandaan, nabunyag sa nakuhang kopya ng video ng unang pagharap ng sinibak na si Special Action Force (SAF) chief Getulio Napeñas sa mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa madugong enkwentro noong Enero 26, na inamin ng hepe ng SAF na na-brief niya si …

Read More »

Dennis, imbitado kaya sa 18th bday ng anak na si Julia?

ni Timmy Basil NAGKUKUMAHOG na ngayon sina Julia Barretto at ang nanay na si Marjorie para maging bongga ang debut ng una sa susunod na buwan. Isang beses lang mag-debut ang isang babae at nagkataon na nasa showbiz pa si Julia kaya dapat lang na maging bongga at memorableito. Ang malaking tanong ngayon ay kung darating ba ang tatay ni …

Read More »

‘Silent auction’, isinagawa sa real estate property ni Mang Pidol,

 ni Ronnie Carrasco III DAHIL napilitang kanselahin ng pamilya Quizon ang kasado na sanang auction ng mga real estate property ng yumaong King of Comedy na si Dolphy last January 31, “silent auction” ang ginagawa ng mga naulilang kaanak. Supposedly to take place at the Dolphy Theatre sa compound ng ABS-CBN, hindi nakarating ang mga nagkompirmang makikilahok sa bidding. Ayon …

Read More »

Meg, muntik nang ligawan ni JC, naudlot lang

ni ROLDAN CASTRO LITAW na litaw na ang chemistry nina Meg Imperial at JM De Guzman noong mapanood namin sila sa Ipaglaban Mo at sa DearMOR sa Iwantv via * ABS-CBN Mobile. Mukhang bagay ang dalawa na pagsamahin sa isang teleserye. Bagamat may JM na nali-link sa kanya, hindi pa rin nawawala at nababanggit pa rin si JC De Vera …

Read More »

Oh My G, namamayagpag sa ratings

  ni ROLDAN CASTRO NAMAMAYAGPAG ngayon bilang pinakapinanonood na daytime TV program sa bansa ang feel-good series ng ABS-CBN na Oh My G na pinagbibidahan ng Kapamilya teen star na si Janella Salvador. Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Huwebes (Pebrero 19) kung kailan naging pang-anim sa listahan ng most watched TV shows sa Pilipinas ang Oh My …

Read More »

Mr. Fu, madalas daw manlait ng mga Kapuso artist

ni Alex Brosas MAPANGLAIT daw itong si Mr. Fu sa kanyang morning radio show kaya naman kumalat na sa social media ang pang-ookray niya sa mga artista ng GMA-7. Isang Facebook fan page ang nag-post ng hinaing against Mr. Fu. “PANAWAGAN SA MANAGEMENT NG 106.7 ENGERGY FM. “Sana po ay tapalan niyo ang bunganga ng baklang dj niyo na yan …

Read More »

Max Collins itinuloy pa rin ang Sexy pose sa FHM Magazine (Kahit tutol ang kapwa Kapusong aktor boyfriend!)

Bukod sa pinag-uusapang teleserye na “Kailan Ba Tama Ang Mali?” kasama sina Geoff Eigenmann, Dion Ignacio at Empress Shuck, may isa pang hot issue na pinagpipiyestahan ngayon sa social media. Ito ang pagpayag ni Max Collins na mag-pose nang sexy sa FHM bilang cover girl this month of March. Nauna nang sinabi ni Max na hindi pa siya ready na …

Read More »

Marion Aunor, may birthday concert sa Teatrino sa April 10

MAGKAKAROON ng birthday concert ang talented na singer/songwriter na si Marion Aunor sa Teatrino sa darating na April 10. Isa ito sa pinaghahandaan ngayon ng dalaga ni Ms. Maribel Aunor, bukod pa sa forthcoming album niya under Star Records. “May birthday concert po ako sa April 10 sa Teatrino, details to follow po,” saad sa amin ni Marion nang maka-chat …

Read More »

Trillanes: Ospital ibalik sa poder ng Health Dep’t

HIGIT 20 taon mula nang ipatupad ang devolution ng pangangasiwa ng mga ospital at sistemang pangkalusugan sa bansa, inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. (SBN) 2577 na naglalayong ibalik sa national government, sa pamamagitan ng Department of Health, ang operasyon at pangangasiwa nito na kasalukuyang nasa ilalim ng lokal na pamahalaan. Sabi ni Trillanes, …

Read More »

Kondisyon ni Jolo serious but stable – Atty. Fortun (Pasulong na bala ‘di umano napansin)

SERIOUS but stable, ito ang kondisyon sa kasalukuyan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla makaraan tamaan ng bala ng baril sa dibdib nitong Sabado. “Serious po (ang kondisyon) kasi siyempre po ‘pag nabaril po kayo, hindi naman ho pupuwede itong ibalewala. … Meron po siyang mga internal injuries pero nakausap ko siya, nakita kong lucid siya, coherent, nakakausap, nakakasagot naman …

Read More »

MWSS sinasabotahe si PNoy

GUSTO ni Presidente Noynoy Aquino na mag-iwan ng legacy sa kanyang pamumuno. Kaya naman inaprubahan niya ang Public-Private Partnership (PPP) at iba pang investment programs nitong nakaraang buwan ang anim na naglalakihang infrastructure projects na nagkakahalaga ng P372 bilyon! Kaya lang talaga yatang hindi nawawala ang ahas sa bawat kampo. May ilang tauhan si PNoy na tila sumasabotahe sa kanyang …

Read More »

“Rule of Law” ang kay Lim

WALANG matinong tao ang basta na lang tatanggapin ang desis-yon ng 11 mahistrado ng Supreme Court (SC) na kuwalipikadong makabalik sa gobyerno ang isang sentensiyadong mandarambong. Kaya nga naghain ng motion for reconsi-deration si Mayor Alfredo Lim sa SC kaugnay ng disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap” Estrada ay upang igiit ang pag-iral ng batas …

Read More »

Brgy. treasurer utas sa tarak ng kawatan

PATAY ang isang 39-anyos polio victim na barangay treasurer makaraan saksakin ng magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila. Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang kaibigan na si Sarah Torres, ang biktimang si Arlene Mediavilla, treasurer ng Brgy. 390, Zone 40, District 3, at residente ng 913 R. Hidalgo St., Quiapo, Maynila, dakong 9:45 …

Read More »

Sahiron ng ASG sugatan sa sagupaan (25 tauhan patay)

KABILANG si Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron sa napaulat na nasugatan sa sagupaan ng mga tropa ng Philippine Army Scout Ranger at mga bandidong grupo. Ayon sa report ng militar sa Sulu, dahil sa matinding labanan nitong Biyernes sa Patikul, Sulu, sugatan si Sahiron. Ngunit vina-validate pa ng Western Mindanao Command ang nasabing report. Ayon kay AFP Public Affairs Office …

Read More »

1 patay, 13 bahay natupok sa Kyusi

WALA nang buhay nang ma-tagpuan ang isang lalaki makaraan makulong sa nasunog na 13 barong-barong sa Murphy Market sa Camarilla Street, Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City. Ayon kay QC Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez, unang naiulat na nawawala ang la-sing na lalaki na kinilalang si Roberto Salvador, 50, Sabado ng gabi, hanggang sa matagpuan na lamang siyang kasamang natupok …

Read More »

Charge to experience

MABILIS ang mga nagtuturo na si dating Philippine National Police Director General Alan Purisima ang may pananagutan sa pagkakabulilyaso ng operasyon ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao pero napakabagal naman nila sa pagkondena kay Pangulong BS Aquino kahit malinaw pa sa sikat ng haring araw na ang mga kilos ni Purisima ay nasa lilim ng basbas ni Aquino. Nagmumukha …

Read More »