BEIJING – Nagpahiwatig ang China na handa silang makipagnegosasyon sa Filipinas makaraan ang inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration na walang basehan ang claim ng Beijing sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea. Ito’y kahit nanggagalaiti ang China sa desisyong inilabas ng Arbitral Tribunal na kanilang tinawag na ‘null and void.’ Ayon kay …
Read More »5 narco generals inilagay sa lookout bulletin
NAGPALABAS ang Department of Justice (DoJ) ng lookout bulletin order para sa limang dati at kasalukuyang police generals na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor ng illegal drug trade Sa nasabing bulletin order, inatasan ang lahat ng immigration officers na maging ‘on the lookout or alert’ sa mga heneral na sina Joel Pagdilao, Bernardo Diaz, Edgardo Tinio at retired …
Read More »Duterte naghahanda para sa unang SONA
KINOMPIRMA ng Malacañang na pinaghahandaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, humihingi pa ng ‘input’ si Pangulong Duterte sa kanyang buong gabinete. Ayon kay Abella, layunin nitong maging mas komprehensibo ang mga sasabihin ng pangulo at mula sa mga tanggapan ng pamahalaan. Matapos …
Read More »Desisyon ng tribunal ‘di tatanggapin ng China
BEIJING – Hindi tinatanggap at kinikilala ng China ang desisyon ng UN-backed tribunal sa argumento sa Filipinas kaugnay sa South China Sea, pahayag ng official Xinhua news agency kahapon. Ang komento sa brief dispatch na hindi tinukoy ang pinagmulan, ay kasunod nang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, na ang China ay walang historic rights sa tinagurian …
Read More »5 patay, higit 20 sugatan sa tumaob na bus sa Nueva Ecija
CAUAYAN CITY, Isabela – Lima ang patay sa pagtaob ng isang bus dakong 1:30 a.m. kahapon sa Putlan, Caranglan, Nueva Ecija. Ayon kay Sr. Inspector Adriano Gabriel Jr., hepe ng Caranglan Police Station, apat ang agad nalagutan ng hininga habang isa ang binawian ng buhay sa ospital. Sinabi ni Insp. Gabriel, ang Victory Liner bus (AYK 552) ay galing sa …
Read More »Bigtime drug dealers itutumba ng death squad (Babala ng Ozamis mayor)
CAGAYAN DE ORO CITY – Malalagay sa panganib ang buhay ng itinuturing na big time drug dealers kung magpapatuloy sa kanilang ilegal na gawain sa Ozamiz City. Ito ang banta ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Áldong Parojinog Jr., sa tinatayang 2,000 drug pushers at users na unang sumuko sa kanya mula sa siyam na barangay nitong nakaraang linggo. Sinabi ng …
Read More »Bongbong pursigido sa electoral protest
TINIYAK ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kahapon, ipagpapatuloy niya ang kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo. “Be assured that I will not stop until I show you the extent of the disenfranchisement and fraud committed in the last elections. This is for truth. This is for honest and credible elections. This is for our country’s future. This …
Read More »3 Indonesian sailors hawak ng Abu Sayyaf — Indonesia (Dinukot nitong Sabado)
JAKARTA – Naniniwala ang Indonesia na hawak ng Abu Sayyaf ang tatlong Indonesian sailors na dinukot nitong Sabado sa Celebes Sea. Sinabi ni Indonesian intelligence agency chief Sutiyoso, ang tatlo ay nagtatrabaho sa isang Malaysian fishing boat nang dukutin ng armadong mga suspek. Ayon kay Sutiyoso, nakikipag-ugnayan na sila sa Filipinas upang matukoy kung saan dinala ng Abu Sayyaf ang …
Read More »SWAT officer, 3 pa naaktohan sa Cebu drug den
CEBU CITY – Swak sa kulungan ang isang pulis na nakatalaga sa Special Weapons and Tactics (SWAT), kasama ang tatlong iba pa na nahuli sa buy-bust operation sa Sitio Harag, Brgy. Talavera, Lungsod ng Toledo, Cebu kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina PO2 Ronjie Nadora, 36; Richard Flores, 30; Neil Enriquez; at Nanding Abella, 23. Ayon kay PO2 Carlos …
Read More »Arbitral Tribunal decision, papabor sa PH — Alunan
TINIYAK ni dating West Philippine Sea Coalition (WPSC) co-convenor Rafael M. Alunan III na matatamo natin ang paborableng desisyon ngayon mula sa Arbitral Tribunal ng United Nations (UN) hinggil sa isinampang kaso ng Filipinas laban sa bansang China. Naniniwala ang WPSC at ang malayang mundo sa pangunguna ng United States at Japan na susundin ng Arbitral Tribunal ang United Nations …
Read More »Diskusyon sa Federalismo paiigtingin ng PDP-Laban
LALONG paiigtingin ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pagpapaunawa sa mga mamamayan sa Federalismo sa anim na Round-Table Discussion (RTD) na magsisimula sa Agosto 4 sa Executive House, University of the Philippines sa Diliman, Quezon City. Ayon kay PDP-Laban Policy Study Group Head Jose Antonio Goitia, lalahok sa diskusyon o RTD ang kinatawan ng mga bansang may karanasan …
Read More »Over printing ng tax stamps iniimbestigahan
KASALUKUYAN nang iniimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang napaulat na sobra-sobrang pag-iimprenta ng tax seals para sa sigarilyo at alak na umano’y ginagamit ng smugglers upang maipuslit at maibenta ang kanilang kontrabando sa lokal na pamilihan. Mismong si BIR Comissioner Caesar Dulay ang pinagkatiwalaan ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na humawak ng imbestigasyon sa usaping nagsasangkot …
Read More »PNP kumasa sa lifestyle check
WALANG problema sa pamunuan ng pambansang pulisya kung isasailalim sila sa lifestyle check batay na rin sa iniutos ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ayon kay PNP Chief PDGen Ronald Dela Rosa, mula sa kanya hanggang sa PO1 ay maaaring imbestigahan. Sinabi ni Dela Rosa, ang sino mang tutol sa gagawing lifestyle check ay tiyak na may itinatagong …
Read More »Ex-DOH chief Ona, 2 opisyal inasunto sa P392-M project bid
KINASUHAN ng Office of the Ombudsman si dating Health Secretary Enrique Ona kasama ang dalawang iba pang opisyal ng Department of Health (DoH) kaugnay sa maanomalyang pagkuha sa hospital modernization project na nagkakahalaga ng P392.2 milyon noong 2012. Sa nilagdaang resolusyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, iniutos niyang kasuhan sina Ona, dating Health Undersecretary Teodoro Herbosa at dating Assistant Secretary Nicolas …
Read More »Nakoryente sa paghuhukay 1 patay, 2 sugatan
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa niyang kasama nang makoryente sa Brgy. Antonino, Alicia, Isabela kamakalawa. Ang namatay ay kinilalang si Roderick Abedosa, 32, residente ng Aurora, Alicia, Isabela. Habang inoobserbahan sa ospital sina Jaime Longgat, 29, at Ramon Quero, 61, kapwa residente ng Antonino, Alicia, Isabela. Sa imbestigasyon ni PO2 Randel Taruma, imbestigador …
Read More »Mag-iina sugatan sa bundol, driver tumakas
LA UNION – Sugatan ang mag-iina makaraan mabundol ng isang closed van habang tumatawid sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Madayegdeg, San Fernando City, kamakalwa ng gabi. Ang mga biktima ay kinilalang si Eva Grande, 26, at ang dalawa niyang mga anak na sina Via, 6, at Luigi Grande, 3, residente sa nasabing lugar. Batay sa report, isang silver gray …
Read More »Ping sa kapihan sa Manila Bay
TAGAPAGSALITA ngayong umaga ang dating Philippine National Police (PNP) chief na si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa Kapihan sa Manila Bay news forum sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Inaasahang tatalakayin ng Senador ang kanyang mga karanasan sa paglaban sa illegal na droga noong siya ay PNP chief at mga batas na maaaring ipatupad anng maayos upang sugpuin ang droga. Ang …
Read More »Michael Pangilinan at iba pa susugod sa Pahinungod Festival
AS part of the yearly celebration of the Pahinungod Festival of Carrascal, Surigao del Sur, Hon. Mayor Vicente VJ Hotchkiss Pimentel III has invited through Front Desk Entertainment Production the following artists on different dates to perform and grace their week-long fiesta celebration. On July 11 darating sina Jaya with comic duo AJ Tamiza and Le Chazz for the opening …
Read More »Alyado sa Kongreso ‘pinulong’ ni Digong (Death penalty desididong isulong)
DAVAO CITY – Tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-drug crusade ng kanyang administrasyon at pagnanais nyiang maibalik ang death penalty sa ilan niyang bagong alyado sa executive and legislative branch, nitong Sabado ng gabi Kabilang sa mga mambabatas na dumalo sa pulong dakong 9:30 pm sa After Dark Resto Bar ay sina Senators Sonny Angara at Alan Peter Cayetano, …
Read More »Pinoy kidnap gang leader dumating na sa NAIA (Naaresto sa Thailand)
DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airport nitong madaling-araw ng Linggo ang Filipino kidnap-for-ransom gang leader makaraan maaresto sa Thailand. Ayon sa ulat, ang sinasabing KFR gang mastermind na si Patrick Alemania ay naaresto nitong nakaraang linggo ng mga elemento ng Royal Thai Police at Philippine National Police-CIDG sa Bangkok. Nadakip ng mga awtoridad si Alemania sa Romklao District habang …
Read More »90 buto ng santol nilunok, kelot naospital
TAGBILARAN CITY, Bohol – Naospital ang isang 51-anyos lalaki sa lungsod na ito makaraan lumunok ng 90 buto ng santol. Ayon kay Bienvenido Fernandez, naka-confinesa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital, nilunok niya ang mga buto ng santol imbes na iluwa nitong Martes. Ngunit nitong Miyerkoles, nakaramdam ang biktima ng pagsakit ng tiyan at nahihirapang umihi kaya isinugod sa ospital. Isinailalim …
Read More »Misis pinatay sa saksak, mister na suspek utas sa parak (Apo sugatan)
NAPATAY ng mga pulis ang isang lalaki makaraan patayin sa saksak ang kanyang misis at malubhang nasugatan ang kanyang apo kahapon ng madaling-araw sa Calamba City, Laguna,. Kinilala ng Calamba City Police ang napatay na suspek na si Patricio Gonzales Sr., residente ng Purok 3, Brgy. Sucol ng nasabing lungsod. Ayon sa mga imbetigador, inatake ng suspek ang kanyang 68-anyos …
Read More »5 bayan sa Bataan binaha sa Habagat
PATULOY na inuulan ang malaking bahagi ng Bataan at kalapit na mga lugar dahil sa epekto ng hanging habagat na pinaigting nang nagdaang bagyo. Katunayan, limang bayan na ang nakapagtala ng baha at may mga residente na ring lumikas. Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kabilang sa binabaha ang mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, …
Read More »‘Tulak’ na kagawad utas sa tandem
PATAY ang isang barangay kagawad na sinasabing tulak ng ipinagbabawal na droga makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Alex Simporoso, 44, kagawad ng Brgy. 102 at residente ng 42 Galino St., Brgy. 102, 9th Avenue Extension ng nasabing lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang …
Read More »5 laborer sugatan sa bumagsak na scaffolding
KALIBO, Aklan – Limang construction workers ang sugatan nang bumagsak ang isang scaffolding sa underconstruction na school building sa loob ng compound ng Kalibo Integrated Special Education Center (KISEC) sa F. Quimpo St., Kalibo, Aklan kamakalawa. Agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang mga biktimang nabalian ng buto na sina Anthony Nervar, 41; Ronel Manganpo, 26; at Christian Libre, 25-anyos. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com