Tuesday , July 8 2025

Nakoryente sa paghuhukay 1 patay, 2 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa niyang kasama nang makoryente sa Brgy. Antonino, Alicia, Isabela kamakalawa.

Ang namatay ay kinilalang si Roderick Abedosa, 32, residente ng Aurora, Alicia, Isabela.

Habang inoobserbahan sa ospital sina Jaime Longgat, 29, at Ramon Quero, 61, kapwa residente ng Antonino, Alicia, Isabela.

Sa imbestigasyon ni PO2 Randel Taruma, imbestigador ng Alicia Police Station, naghuhukay sina Longgat at Quero para sa ginagawang bombahan nang dumating si Abedosa para tulungan silang ilagay ang tubo sa kanilang hinukay na butas.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nadulas si Abedosa at nabitiwan ang tubo.

Aksidenteng sumagi ang tubo sa linya ng koryente na nagresulta ng kanilang pagkakoryente.

Ang tatlong biktima ay agad dinala sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay si Abedosa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION Lalaki nagpanggap na NPA

MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION
Lalaki nagpanggap na NPA

HALOS pitong taon naging biktima ng protection racket at extortion ang isang negosyanteng taga-Caloocan City …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis tutulong sa  non-civic project ni Vilma

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ilang shows na inialok kay Luis Manzano na gustong balikan, ang Rainbow Rumble ang …

Roselio Troy Balbacal

Actor/model Roselio Troy Balbacal nanumpa  

MATABILni John Fontanilla NANUMPA na ang mga bagong-halal na opisyal ng bayan ng Tuy, Batangas …

Oreta seremonyal na nanumpa bilang kinatawan ng Malabon

MALABON CITY — Opisyal nang nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman …

Las Piñas educational assistance

Sa ilalim ng 2025 educational assistance program
Las Piñas LGU namahagi ng school supplies para sa 850 estudyante

NAMAHAGI ng educational assistance ang Las Piñas City Government sa pamamagitan ng City Social Welfare …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *