Friday , December 19 2025

hataw tabloid

Senior citizens, PWDs tanggap na sa fast food resto at supermarkets

MAAARI nang makapagtrabaho ang ilang senior citizens at persons with disability (PWDs) sa ilang fast food restaurant at supermarket sa Lungsod ng Maynila. Lumagda si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng kasunduan kasama ang food companies na KFC at Tokyo Tokyo, at maging sa supermarket na Puregold para magbukas ng bakanteng trabaho sa senior citizens at PWDs. Dahil dito, tatanggap …

Read More »

Tauhan ng PAGCOR buking na ‘fixer’

BISTADO ang isang lalaki na sinabing tauhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isang ‘fixer.’ Hindi pinangalanan ni Jimmy Bondoc, Vice President for Social Responsibility Group ng PAGCOR, ang suspek na naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay Bondoc, nakatanggap sila ng mga ginagawang iregularidad ng suspek tulad nang paglapit sa mga humi­hingi …

Read More »

PH nagtala ng unang kaso ng n-Cov

NAKOMPIRMA ng Filipinas ang pinakaunang kaso ng bagong uri ng coronavirus sa isang babaeng Chinese mula Wuhan, ang lungsod sa China na pinagmulan ng virus, pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon. Dumating nitong Huwebes ang resulta ng laboratory test mula Australia na nagpakitang positibo sa 2019 novel coronavirus ang isang 38-anyos Chinese woman na dumating sa bansa noong …

Read More »

Ex-Solon: Batangas property ‘di dapat ibigay sa crony ni PRRD… Chevron haharangin kay Dennis Uy

KONGRESO at hindi Malacañang ang dapat magrebyu sa mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘onerous contracts.’ Pahayag ito kahapon ng liderato ng militanteng grupong Bayan Muna sabay panawagan sa Pangulo na ‘wag ibigay sa kanyang kaibigan at lumalabas na crony na si Dennis Uy ang pama­mahala ng malawak na lupain sa Batangas na ginagamit ng Chevron Philippines bilang gas …

Read More »

8-anyos totoy patay sa ligaw na bala (Target na kagawad sugatan)

PATULOY ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng isang 8-anyos batang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala sa pamamaril sa San Andres Bukid, Maynila. Ayon kay P/Cpt. Roel Purisima, hepe ng PCP Dagonoy, nakikipag­kuwentohan sa harap ng barangay hall ang si Roberto Cudal, kagawad ng Brgy. 775, Zone 84 nang pagbabarilin ng riding in tandem. Naganap ang insiden­te sa …

Read More »

Binondo hospital, Munti negatibo sa coronavirus

NAGLABAS ng impo­rmasyon ang Manila Public Information Office (Manila-PIO) kaugnay sa kumakalat na balita kaugnay sa Chinese national na naospital sa Metropolitan Hospital na umano’y may N19 coronavirus. Ayon sa Manila PIO, base sa isinagawang sur­veillance at imbesti­gasyon ng Manila Health Department (MHD) team at DOH surveillance kinilala ang Chinese na isang lalaki, 27 anyos, at dumating sa Filipinas bilang …

Read More »

Sa flag-lowering ceremony… PH Embassy sa Kuwait napabalitang ‘isasara’

OFW kuwait

PINAYOHAN kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na hangga’t maaari ay huwag maniwala sa mga kumakalat sa social media na nagsasabing magsasara na ang Embahada ng Filipinas sa bansang Kuwait dahil ibinaba na ang bandila ng Filipinas sa labas nito. Ipinaliwanag ng Embahada ng Filipinas sa Kuwait, tulad ng ginagawang flag-raising ceremony tuwing Linggo ng umaga, may …

Read More »

Lockdown sa 2 bayan ng Batangas tinanggal 6 barangay off-limits pa

TINANGGAL ng mga awto­ridad ang lockdown order sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa lalawigan ng Batangas kahapon, 27 Enero, maliban sa anim na barangay na nasa “seven kilometer-radius danger zone” na itinituring na nasa panganib kung sasabog muli ang bulkang Taal. Pinakahuli ang dalawang munisipalidad sa 14 bayan at mga lungsod sa lalawigan na muling nagbukas mata­pos ang …

Read More »

DICT, NTC pinatututok sa 3rd telco… Kapasidad ng Dito minaliit

KINUWESTIYON ng isang militan­teng party-list lawmaker ang kakayahan ng third telco na Dito Telecommunity Corporation na matupad ang nakasaad sa iginawad na permit to operate sa naturang kompanya, kabilang ang pagka­karoon ng 2,500 cell sites pagsapit ng buwan ng Hulyo ng taong kasalu­kuyan. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, kasapi ng Makabayan bloc, mag­hahain siya ng resolusyon para …

Read More »

Kobe, 13-anyos anak na babae, 7 pa patay sa chopper crash

LOS ANGELES — Hindi nakaligtas sa kamatayan si Kobe Bryant, ang 18-time NBA All-Star na nagwagi ng limang championships at tina­wag na “greatest basket­ball players of his generation” sa kanyang 20-taong karera sa Los Angeles Lakers, nang mag-crash ang sinasak­yang helicopter nitong Linggo (Lunes sa Maynila). Edad 41 anyos ang pambihirang basket­bolista. Namatay si Bryant sa helicopter crash malapit sa …

Read More »

Aplikante minolestiya ng polygraph examiner

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o Acts of Lasciviousness ang isang 54-anyos polygraph examiner makaraang isuplong sa Manila Police District (MPD) ng isang 20-anyos aplikante na umano’y pinaghahalikan at niyapos nang isalang ang biktima sa lie detector test sa Ermita, Maynila, noong Martes. Kinilala ang suspek na si Marcus Antonious, may asawa, residente sa …

Read More »

Yorme napaiyak: Resbak sa HR lawyer “Mema lang kayo!”

HINDI napigilan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  ang maluha nang resbakan ang isang human rights lawyer na tumawag sa kanyang ‘epal.’ Inakusahan ni Atty. Fahima Tajar, isang human rights lawyer, ang alkalde ng paglabag sa ilang batas kaugnay ng pagkakaroon ng billboards sa EDSA para sa mga tinanggap niyang product endorsements. Partikular na binanggit ni Atty. Tajar ang sinabi …

Read More »

‘Alien’ na umebak sa Intramuros wanted

IPINAG-UTOS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang manhunt operation sa isang foreign national na nakuhaan ng larawan habang ‘umeebal’ sa pampublikong lugar sa Intramuros, Maynila. Inatasan na rin ng alkalde si Department of Tourism,  Culture and Arts Manila (DTCAM) chief Charlie Duñgo na makipag-ugnayan sa administrador ng Intra­muros kaugnay sa nasabing insidente. Sa pahayag ng IA administrator na ipina­dala …

Read More »

Consumers sa Metro mas masuwerte sa serbisyo ng tubig

tubig water

KUNG ikokompara sa ibang urban center, masasabing mapalad pa rin ang mga consumer sa Metro. Kahit marami ang nagrereklamo sa halaga ng bayarin sa tubig, lumi­litaw sa mga datos na pinakamababa pa rin ang singil sa tubig sa Metro Manila kompara sa 12 metro cities sa buong Filipinas maging sa ibang siyudad sa Asia-Pacific region. Ang consumers ng Metro Manila …

Read More »

‘Wag sana kaming mawalan ng trabaho… Technohub workers umapela kay Digong

HINDI pa man gumu­gulong ang imbestiga­syon sa lease contract sa pagitan ng Ayala Land Inc (ALI) at ng Uni­versity of the Philippines (UP) ay aminado ang mga empleyado sa Technohub, partikular ang BPO workers, na nababahala sila sa sitwasyon at ngayon pa lamang ay nanga­ngamba nang mawalan ng trabaho. “Sa mga nangyayari ngayon at sa mga nababasa mo, nakaka­takot na …

Read More »

Kontrata ‘fruitful, beneficial’… 50k trabaho sa Ayala-UP partnership

LIBO-LIBONG trabaho ang nilikha ng kontrata ng Ayala Land Inc. (ALI) sa University of the Philip­pines (UP) para sa Techno­hub complex sa Diliman. Ayon sa ALI, mag­mula nang simulan ang operasyon noong 2008, ang ALI-UP partnership ay nakapagbigay ng 50,000 trabaho. Kasabay nito, inilinaw ng kompanya, sa ilalim ng kanilang development lease agreement sa UP para sa Technohub pro­perty, ang …

Read More »

Tulong para sa Taal victims… Kambal na reso aprub sa kongreso

BATANGAS CITY – Inaprobahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kambal na resolusyon na sumu­suporta sa adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte na agarang tulungan at makapagpatupad ng rehabilitation plan para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng bulkang Taal. Sa kauna-unahang sesyon ng Kamara na ginawa sa labas ng institusyon, pinagtibay ng mga kongresista ang House Resolution (HR) No. 662 na …

Read More »

Sa pagrerebyu ng gobyerno sa water concession deals… Pagbaba ng FDI titindi

NAMEMELIGRONG tumindi ang pagbaba ng foreign direct investments (FDIs) sa bansa dahil sa pagrerepaso ng pamahalaan sa mga kontrata ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad, ayon sa Management Association of the Philippines (MAP). Sinabi ng MAP, ito’y dahil nakaaapekto ang ‘regulatory risk’ sa pag­hikayat ng bansa sa mga investor, na hindi maka­bubuti sa ekonomiya. Sa ika-71 inaugural meeting …

Read More »

Pangako napako — Colmenares… Cell sites ng 3rd telco apurahin

DAPAT silipin ng Kongreso ang progreso ng operasyon ng third telco na Dito Telecom kasunod ng report na nahuhuli sa kanilang ipinangakong target na pagsisimula ng operasyon, ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares. Sinabi ni Colmenares, ikalawang quarter ng 2020 ang nakatakdang pilot testing ng Dito Telecom subalit lumilitaw na kulang-kulang pa rin ang pasilidad nito gaya …

Read More »

Quo warranto ihahain sa SC… Calida atat sa ABS-CBN

WALANG basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Solicitor General Jose Calida na bawiin ang prankisa ng ABS-CBN, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Ang pahayag ay ginawa ni Panelo kasu­nod ng plano ni Calida na maghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa ‘validity’ ng prankisa ng naturang TV network. Ayon kay Panelo, ang plano …

Read More »

Malvar shooting, naapektuhan ng pagsabog ng Taal; 20,000 surgical mask, ipamamahagi

ITINIGIL muna ang location shooting para sa historical movie na Malvar, ang pelikula tungkol sa buhay ng bayaning si Heneral Miguel Malvar na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao. Ito’y dahil na rin sa biglang pagputok ng Taal volcano. Ilan kasi sa mga lugar na pagsusyutingan ng Malvar ay ang Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal na direktang apektado ng pagsabog ng bulkan. Ayon sa may-ari ng JMV Production na …

Read More »

2 patay, 82,000 bakwit inilikas sa Taal eruption

DALAWA katao pa ang binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest habang patu­ngo sa mas ligtas na lugar kasunod ng pagsabog ng bulkang Taal noong Linggo, 12 Enero, habang mahigit sa 80,000 residente sa 14-kilometer radius permanent danger zone ang ligtas na nailikas ng pamahalaan, iniulat kahapon. Kinilala ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (BPDRDMO) ang mga …

Read More »