Monday , December 23 2024

Tom Jones Concert No More na, refunds makupad pa! (Attention TICKETNET!)

HINDI pa nga maka-get-over ang mga senior citizens na grabeng nadesmaya sa ora-oradang kanselasyon ng show ni Tom Jones noong  Abril 2 (2016) pero dahil sa kupad mag-refund ng Ticketnet, e naalala na naman ng isang kaibigan natin ang kapalpakan sa naunsyaming live show.

Naikuwento na nga natin na sa sobrang desmaya ng ilang senior citizen sa kanselasyon ng nasabing show, mayroong mga napaiyak habang ‘yung iba, sila-sila na lang ang nagkantahan at nagsayawan para mairaos lang ang naunsiyaming live show.

‘Yung iba sa senior citizens na ‘yan galing pa sa probinsiya as far as Cebu City and Ilocos Norte.

Labis ang pagkadesmaya nila dahil pangalawang pagkakataon nang nakansela ang show ni Tom Jones. Una hindi siya nakarating.

Kaya nga nitong bago mag-Abril 2, nang makita ng Tom Jone’s fans na dumating siya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dumagsa lalo ang nagbilihan ng tiket.

Kaya naman nagtaka ang marami kung bakit nakansela pa ang show gayong dumating na si Tom Jones. Kasi nga raw, nagkaroon ng problema sa isang kapamilyang maysakit kaya ora-orada rin na umuwi pabalik si Tom Jones.           

Pero heto ang mas nakadedesmaya…

Noong mag-announce ang Ovation Productions na kanselado ang show humingi sila ng paumanhin at lahat umano ng bumili ng ticket ay may cash refund at ang bumili sa online ay awtomatikong makakukuha ng refund sa kanilang credit card.

Medyo nakabawas ‘yan sa naramdamang pagkaasar ng mga nadesmayang fans.

Ngayon heto, noong Abril 8, nag-email ang Ticketnet na magre-refund sila sa loob ng dalawa hanggang walong araw.

Abril 8 ‘yun, nag-follow-up pa noong Abril 22 – ang sagot ‘e kokontakin daw ang mga banko para i-charge back sa credit card.

‘E anong petsa na ngayon? Abril 28 na!

Pero nang mag-check sa banko, sinabi nilang wala pa silang nare-receive any advise from Ticketnet na may incoming refund/charge back.

Kaya ini-advise ng banko na tumawag muli sa Ticketnet para alamin ang totoong status kasi puwede na raw mag-file ng dispute ang credit card holder. 

Sa Ticketnet, isang Ms. IVY BIGCAS naman ang nagsabi na tomorrow pa raw malalaman kung kailan ang exact date ng refund.

Wattafak!?

Ms. Ivy Bigcas, sana naman ‘e hindi na umabot nang Mayo 2 (2016) ‘yang promise ninyo…

Please lang ho!

Presidential candidate na walang contributor/s? Tandaan: Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw

Parang gusto namin kilitiin sa paa o kaya kahit sa kilikili ang mga presidential candidate na nagsasabing wala raw silang pera.

Wala raw silang malalaking contributors.

Wala raw nagpopondo sa kanilang kampanya. Supporters daw mismo ang gumagawa ng T-shirts nila at iba pang campaign paraphernalia.

Wow na wow!

Ibig sabihin puro abono at sa sariling bulsa nila kinukuha ang panggastos (airfare, food, mobilization ng tao) nila sa kampanya!?

Napakasuwerte namang kandidato nina Davao Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte at Sen. Grace Poe.

Walang pera pero maya’t maya ang political TV ads na milyones ang bayad. Noong nakaraan nga lang na maraming nagalit dahil sa ‘rape joke’ napansin natin na ang unang commercial break ng teleserye na “Ang Probinsyano” ay Duterte.

Mataas ang rating ng “Ang Probinsyano” kaya natitiyak natin na hindi barya ang bayad diyan.

Mantakin ninyo?!

‘Yan ba ang sinasabing walang pera?!

Pareho rin ni Sen. Grace na maya’t maya ‘e nasusungawan natin  ang political ads sa radio at telebisyon.

 Nakatutuwa na sana, na wala kayong contributors na tatanawan ninyo ng utang na loob sa hinaharap.

Pero ang tanong, totoo ba iyon?!

Huwag po nating kalilimutan, ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.

‘Yun lang!

Galit sa snatcher pero hindi sa illegal terminal

ISANG mangkukulam ‘este’ kulamnista ‘ehek’ nagko-kolum nang may bayad (daw) ang nananawagan kay Manila Police District (MPD) Director Gen. Rolando Nana na sugpuin ang sandamakmak na snatcher at holdaper sa C.M. Recto at Avenida Rizal.

Aba ‘e mananawagan na rin po tayo kay Gen. Nana, isama na po ninyo ang paglilinis sa mga illegal terminal sa Plaza Lawton, Liwasang Bonifacio at sa kahabaan ng Arroceros St., sa ilalim ng LRT.

Sabay-sabayin n’yo na, Gen. Nana, pati ‘yung matulis na pasimuno ng illegal terminal na si Reyna L. Burikak.

Go, Gen. Nana!

Erice may ambisyon maging Caloocan Mayor?

KA JERRY, matunog na dto sa Caloocan na kapag nanalo si Erice na congressman ang susunod na puntirya ay Mayor na. Si Samson nman ang papalit sa kanya. Mag-ingat na dapat si Malapitan s kanya. +63919882 – – – –

Duterte posibleng ma-kudeta?

GUD am po, pag si Duterte ho nanalo baka 2 taon lang ay mgkudeta military gaya nangyari kay Marcos, Cory at Erap. +63915646 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *