Monday , December 23 2024

Mga kasalanan at kakulangan ni De Lima sa taongbayan (3)

O Leila de Lima, nag-aambisyong maging Senadora, ano pa ba ang mga kapalpakan noong nangasiwa sa Kagawaran ng Hustisya?

Noong 2013, pumutok ang isyu ng malakihang pyramid scam ng Aman Futures Group ni Manuel Amalilio. Mahigit 15,000 katao ang naloko at kumita ang raket ng nakakalulang P12 bilyon.

Siyam na buwan bago pa man pumutok ang panloloko ni Amalilio, natimbrehan na umano ang DOJ at ang NBI sa kanyang pinaggagagawa.

Ano ang ginawa ni De Lima at mga tauhan niya? 

Waley!? 

Ano ang resulta? Wala, as in wala nang natirang perang pinaghirapan ang mga investor na nagoyo sa iskema ng Aman Futures. 

Masasabi bang may kasalanan si De Lima kung bakit nakatakas si Amalilio sa pananagutan sa kanyang mga investor? 

Ano po sa tingin ninyo?

Kung nakatakas si Amalilio, hindi naman hinayaan ni De Lima si da-ting Pres. GMA na makaalis ng bansa kahit may permiso sa Korte Suprema. 

Noong 2011, tahasang iniutos ni De Lima na huwag paliparin palabas ng bansa si GMA kahit may clearance mula sa mataas na Korte. Open defiance of a Supreme Court order ang siste. 

Ano bang klaseng abogado si De Lima, Justice Secretary pa man ding naturingan. Dapat ipatupad ang batas, huwag magmagaling na mas mataas pa sa batas!

Ewan na lang kung anong magandang magagawa ni De Lima sa Senado kung sakaling palarin?

Puro satsat lang at pabida, wala raw naman nagawang matino sa buong pagseserbisyo niya sa DOJ?!

Abangan pa ang mga susunod…

Ang kuwarta ng 4Ps mula sa bulsa ng bayan; ang pera ng jueteng sa bulsa ni Lening Matimtiman

PALUWAL as in abono ang bayan habang nagkakamal ng kuwarta mula sa jueteng ang kampo ni Leni Robredo.

‘Yan daw ang bulungan sa loob mismo ng Partido Liberal.

Habang ginagamit ng Partido Liberal ang pamamahagi ng 4Ps sa kanilang kampanya ‘sumipsimple’ naman daw ang ‘pasok’ ng pondo mula sa STL cum jueteng sa ‘laylayan’ ni Leni?!

In short, habang ipinamumudmod ng administrasyon ni DSWD Secretary Donkey este Dinky Soliman ang 4Ps sa mga kababayan nating biktima ng pamamayani ng interes ng mga panginoong maylupa, komprador burgesya at iba pang naghaharing uri, ipinamamarali nilang ‘Daang Matuwid’ lang ang nagbibigay nito.

‘Yun bang tipong, kapag hindi nanalo ang Daang Matuwid, tanggal na rin ang 4Ps.

Gano’n?!

Parang pera n’yo (ba?) ang ipinamamahagi?! Tama ba ‘yun? Ang kapal naman talaga!

Hanggang ngayon din daw walang ulat mula sa inner circle ni Madam Robredo kung magkano talaga ang kontribusyon ng ‘STL’ King sa Central Luzon nang iendoso si Leni ng misis na si Madam Lilia Pineda.

Open secret ngayon na si Leni ay sanggang-dikit ng ‘STL’ King sa Gitnang Luzon, na minsang pinatalsik ng kanyang mister na si yumaong SILG Jesse Robredo sa pamamagitan ni Among Ed Panlilio.

Pero ngayon, hindi lang sanggang-dikit, kabungguang-balikat pa.

Kung hihingin ninyo ang personal stand natin diyan sa 4Ps, hindi natin tatangkilikin ang ganyang programa, dahil nagtuturo lang ng katamaran sa ating mga kababayan.

Isang programang patapal-tapal sa kahirapan pero bumubulok sa kultura ng kasipagan at  pagiging masikap ng mga Pinoy.

Para silang mga pensiyonadong kapos!

Barya-barya lang ‘yang 4Ps na natatanggap ng maliliit nating mga kababayan pero bilyon-bilyong pondo ang lumalabas sa pondo ng bayan!

Barya-baryang 4Ps pero parang gustong angkinin ang kanilang kalayaan sa pagpapasya.

In short, habang nagkukunwang matimtiman ang biyudang nagtatangkang sagipin ang Partido Liberal unti-unti namang lumalabas ang lihim ng 4Ps at ‘kontribusyon’ mula sa STL cum jueteng king sa Gitnang Luzon.

Hay Leni, maitatago mo ba ang lihim na ‘yan sa iyong laylayan?!

Kris Aquino trending na naman sa chopper!

HALA! Heto na naman si Kris…

Nang mapuna at mag-trending sa social media ang paggamit ni presidential sister Kris Aquino sa chopper ng gobyerno para ikampanya ang Liberal Party, aba ‘e matulin pa sa alas-kuwatrong ipinagtanggol ang sarili.

Isa raw siya sa topnotcher taxpayer in the Philippines kaya may karapatan siyang gamitin ang nasabing chopper.

O ha!? 

Sino pa ang mayroong ‘kapal ng mukha’ este lakas ng loob na gaya kay Kris?!

Tingnan ninyo, hindi ba’t maliwanag na palalong pangangatuwiran ‘yan?

Nagbayad ng malaking buwis, na nararapat lang naman, pero lumalabas na may utang na loob pa ang sambayanan sa kanya?

E kasi naman, alam nang mali ng ginagawa kontodo pa-photo op pa at gusto laging nakatutok ang camera.

Mag-fulltime na lang kasi sa pagse-SELFIE!

Ay sus!

DepEd biglang nagpapogi sa SHS voucher

SIE JERRY, good morning po. Maraming salamat sa pagbibigay-pansin sa kunsumisyong DepEd Senior High School (SHS) voucher. Kanina bigla silang nagpapogi sa CNN: DepEd offers aid for Senior High School Student. Tapos ‘yung website nilang ilang araw nang hindi ma-browse, ‘yan na, nagbigay ng patalastas, sa May 20 raw ire-release ang mga voucher. Alam n’yo bang maaga pa, nakapila na ang mga estudyante  para makatiyempo ng voucher sa SHS, pero dahil sa gulo ng sistema, mukhang maghihintay pa sila hanggang Mayo 20 para matiyak kung kasama sila sa nabigyan ng voucher.

Secretary Armin Luistro, buhay ka pa ba?! 

(name withheld upon request)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *