Singer na si Nina at kapatid inirereklamo ng panunuba ng kaibigan at tagahangang girl
Peter Ledesma
April 25, 2016
Showbiz
DATI ang singer na si Nina ang nagrereklamo sa mga ex niyang parehong singer na nangutang raw sa kanya nang malaking halaga ay hindi siya binayaran.
Pero ngayon, ang Soul Siren (Nina) naman ang inerereklamo ng babaeng kaibigan at tagahanga na nakuhaaan ni Nina at ng kapatid na bading ng halagang P900,000.
Base sa sumbong no’ng girl sa kaibigang businessman at publisher ng kilalang tabloid, kinombinsi siya ng magkapatid na mag-produce ng show na si Nina ang performer.
So dahil fan na fan siya, ni Nina ay hindi na nagdalawang-isip na ipagkatiwala ang kanyang datung, na kanyang hard earned money. Kaso hanggang ngayon, wala naman siyang nababalitaan na show ni Nina.
So nagtataka ‘yung girl kung saan dinala o ginamit ang pera niya? At dahil pakiramdam niya ay wala namang nangyayari sa dapat ay investment niya ay ipinababalik na niya kay Nina ang halagang nakuha.
Pero napupudpod na raw ang daliri niya sa kate-text at tawag sa nasabing Diva ay dine-deadma raw siya nito. Hindi na raw nakikipag-usap sa kanya si Nina at ang brother nitong gay kaya hiningi na niya ang tulong ng kaibigan naming businessman.
Naku, kung totoo itong paratang kay Nina na tinakbohan niya ang halagang 900K, dapat lang na magpakita na siya at magbayad bago pa siya gawan ng legal na action ng girl na nabola nila.
Saka ‘di ba, nakapag-asawa naman siya ng mayaman at todo display pa siya ng luxury car niya, jewelry at signature bags gaya ng Louis Vuitton so siguro naman ay may pambayad naman siya no!
Si Faith Cuneta ba ang peg gyud!
Pag-amin nina Enrique at Liza sa kanilang relasyon inaabangan na ng LizQuen fans: Dolce Amore consistent sa high ratings at may destiny tour pa
Sa set visit namin last Thursday, sa “Dolce Amore” sa Dionisio M. Cornel Medical Center sa Marcos Highway, Antipolo, parehong masaya sina Enrique Gil at Liza Soberano nang humarap sa amin at sa kapwa invited na press at bloggers.
Kitang-kita sa dalawa na pareho silang nag-e-enjoy sa kanilang ginagawa lalo’t hindi lang maganda ang feedbacks sa kanilang rom-com serye kundi consistent sa kanilang high ratings gabi-gabi.
Pumapangalawa sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ang Dolce Amore sa pinakapinanonood na mga teleserye sa ABS-CBN Primetime Bida. At ang LizQuen loveteam ay walang ini-expect kaya’t natutuwa sila sa mainit na pagtanggap sa kanila ng TV viewers sa buong mundo.
“It’s amazing siyempre. Wala naman kaming ine-expect doon, e, no expecatations talaga,” sey ni Enrique at patuloy pa niya, “Pati ‘yung pagkabulol ko. Akala lang namin, “Sige i-try mo lang,” “Di namin ini-expect na matutuwa ang mga tao. Parang naging medyo comedy ‘yung show namin, e, parang pati ako naging komedyante na rin,” “At least iba rin, di puro drama lang. Na-try kong maging komedyante. It’s fun.”
Ang partner naman ng guwapong aktor na si Liza ay pinupuri sa pag-level up ng kanyang acting at pagiging actress sa teleserye nilang ito lalo sa pagbibitaw niya ng Italian dialogue na kahit hindi naman siya Italiana ay nagmukha siyang Italian actress rito.
“Thank you po sa naka-appreciate ng acting ko. And thankful ako dahil nandiyan ang coach namin si Ruben na gumaganap na daddy ko sa Dolce. Well siguro mas matured roles lang ‘yung ginagawa namin ngayon kaya napapansin,” ani Liza.
Ang dalawa pala ang itinanghal na “Most Popular Love Team of Movies and Television” sa nakaraang 47th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. At kahit hindi nakarating sa awarding ang dalawa ay malaki ang pasasalamat nila sa nasabing award giving body sa award na ipinagkaloob nito sa kanila.
“Before naka-recieve na kami ng award sa Guillermo pero mas malaking achievement ito sa aming love team ni Enrique kasi movies and TV ay napansin ‘yung pagiging partner namin,” proud pang sabi ni Liza at para naman sa kaparehang aktor.
“Solid, maraming salamat. We’re grateful, thankful. Mahal namin ang trabaho namin, mahal ko ‘yung partner ko. Binibigyan pa rin kami ng award, kahit nag-e-enjoy lang kami. We’re just happy.”
Samantala kung sobrang tine-treasure ni Liza ang ginawang pagpapasaya sa kanya ni Enrique sa birthday niya few months ago na pinauwi ng actor ang kanyang mga kapatid. Si Enrique naman ay naa-appreciate ang mga ipinakikita sa kanya ni Serena (Liza). “Effort din naman siya to let her family get close to me. Just to find ways, para magkasama kami lagi, kahit saan kapag free day kung aalis or lalabas,” ayon pa sa Kapamilya actor, alam niya kung nasaan siya sa puso ni Liza pero sa ngayon ay inirerespeto niya kung ‘di pa talaga puwedeng maging sila.
“Siya (Liza) rin naman sinasabi din naman niya. Siyempre rerespetohin ‘yung desisyon ng pamilya niya. She turned eighteen, at kahit eighteen na, siya ‘yung breadwinner ng family nila. Gusto nila i-focus sa ganito.”
Samantala nagdiwang noong March 30 ng kanyang kaarawan si Enrique at isang very expensive worth 300K na flying board ang gift sa kanya ni Liza.
“Siyempre masaya kasi tapos na ‘yung beach house namin sa Anilao. So siyempre lagi kaming nandoon saka ‘yung family niya. At least lalo kaming makapag-e-enjoy doon.”
At noong gabing ‘yon pala ibinigay ni Liza ang nasabing regalo kay Tenten (Enrique) at biro pa
ng magandang dalaga, baka siya rin ang gumagamit ng flying board dahil mahilig rin siya surfing sa beach. Aalis pala ngayong Lunes ang LizQuen para sa kanilang Destiny World Tour. Iikot sila sa iba’t ibang lugar sa Europa. Handog ito ng sikat na loveteam sa kanilang OFW fans na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga proyekto sa ABS-CBN at libre ito at walang selling tickets.
Bale sa May 1 ang Kick off nito na gaganapin sa Luneta kung saan makikita ng fans ang buong cast ng Dolce Amore. May kantahan at palaro sa event ayon pa kay Liza.
Tatlong Aspiring Divas sa Wildcard Edition na itinapat sa AEGIS pasok na sa grand finals ng ‘just duet’
Bukod sa limang grand finalists ng ‘Just Duet’ na kinabibilangan nina Donna Medina, Daniel Briones, Lean Layumas, Ruther Robosa at Louie Anne Gulala.
Tatlo sa apat na wildcard contenders na itinapat sa Aegis noong Sabado sa Broadway Studio ng Eat Bulaga ang pasok na rin sa nasabing grand finals at sila ay sina Mackie Cao, 2o yrs old, ng Los Baños, Laguna na nakipaghatawan sa Aegis sa isa sa kantang pinasikat ng grupo na ‘Sinta.’
Si Alisah Bonaobra naman ay nakipagsabayan sa Aegis ng awitin ang ‘Sayang na Sayang,’ at nakipag-jamming naman sa nasabing grupo si Lovely Rose Embuscado sa buwis buhay na song na ‘Halik.’
Pare-parehong impressed sa tatlong aspiring Divas ang mga huradong sina Ogie Alcasid, Pops Fernandez at Dabarkads Joey De Leon. Sino kaya ang tatanghaling kauna-unahang grand winner ng Just Duet abangan ‘yan soon sa Eat Bulaga.
Ang Just Duet ay hatid sa lahat ng Xtra Big Payless Pancit Canton at O+ Phone USA.