Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa pag-amin ng ibang loveteam, Kathryn ayaw magpa-pressure

“SUPORTAHAN natin ang bawat loveteam kasi nasa iisang network lang naman kami lahat.”

Ito ang hiniling ni Teen Queen Kathryn Bernardo sa pagsasabong sa kanila ng fans sa ibang loveteams ng Kapamilya Networks.

Ani Kathryn, ”Ang importante roon siguro bawat fan groups may kanya-kanyang sinusuportahan, ‘yun respetuhin ‘yung bawat sinusuportahan kasi at the end of the day nagtatrabaho kami sa iisang network.

“Hindi talaga dapat siyang ginagawan ng issue.”

Hindi ba nila pinag-uusapan ni Daniel Padilla na dapat nagle-level-up na kayo? “’Yung sa amin kasi dapat ‘yung mga taong sumusuporta sa atin hindi sila mawalan ng rason kung bakit nila tayo sinusuportahan.

“With a good projects and ‘yung quality.

“’Yung pakikisama sa kanila , so ‘yun hindi naman ‘yun mawawala.

“Sa amin naman kasi ni DJ nag-usap na simula pa lang ‘yung totoo lang ang ipakikita namin sa mga tao.

“Hindi namin kailangang ma-pressure sa iba.

E kapag sila na kaya nila ni DJ, aamin na sila? ”Basta kanya-kanyang diskarte lang ‘yan,” pagtatapos ni Kathryn.

( JOHN FONTANILLA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …