Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, inaming may ‘special connection’ sila ni Coco Martin

00 SHOWBIZ ms m“GUWAPO naman talaga si Coco. Sino ba namang ‘di magkakagusto sa kanya? Kahit sinong babae, wala kang masasabi na masama about kay Coco,” ito ang tinuran ni Julia Montes noong Biyernes sa thanksgiving presscon ng top rating serye sa ABS-CBN, Doble Kara kasama si Sam Milby.

Tugon iyon ni Julia sa katanungan kung ano na nga ba ang real score sa kanila ng actor na si Coco Martin pero iginiit nitong may ‘special connection’ sila ni Coco bagamat ayaw niyang sagutin kung ano na nga  ba sila ng actor.

Aniya, si Coco ang dapat na sumagot kung ano na ang real score nila, pero sinabi nitong, ”Super iba lang ‘yong communication namin. May usapan naman po kami. Nag-uusap naman po kami.”

Muli, pinuri ni Julia si Coco dahil sa pagiging mabuting tao nito. Sinabi pa niyang marami siyang natutuhan kay Coco hindi lamang sa showbiz kundi ukol din sa buhay-buhay.

Sinabi pa ni Julia na mayroon silang strong foundation ni Coco kaya naman komportable siyang makipagtrabaho rito.

Samantala, mas tumitindi ang pagkapit ng mga manonood sa maiinit at kapana-panabik na eksena ng nangungunang teleserye sa hapon na  Doble Kara kaya naman patuloy din ang pamamayagpag nito sa ratings.

Kamakailan, pumalo sa all-time high national TV rating na 19.1% ang serye ni Julia Montes at pinatunayan ang paghahari nito sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Kahit sinasabi pa ng iba na napakabigat at tila puro paghihiganti ang nagaganap sa serye, tinututukan pa rin ito dahil sa huli, ipinakikita pa rin kung gaano kahalaga ang pamilya.

Kinilala rin ang galing ng Royal Prinsesa ng Drama sa mahusay niyang pagganap bilang ang kambal na sina Kara at Sara at itinanghal na Best Actress sa katatapos na 14th Gawad Tanglaw Awards.

Sa tagumpay na natatamasa ng serye, taos-puso ang pasasalamat ni Julia at ng kanyang leading man na si Sam sa walang-sawang suporta at pagmamahal na kanilang natatanggap mula sa mga manonood.

At bilang handog sa mga masusugid nilang tagasubaybay, malalaking sorpresa ang kanilang ihahain sa pag-uumpisa ng panibagong yugto ng palabas.

Sa pagbubukas ng bagong kabanata, magiging ganap nang ina ang kambal na sina Sara at Kara. Ngunit habang buo at masaya si Kara (Julia) kasama ang kanyang asawang si Sebastian (Sam) at anak na si Becca, mag-isa namang itataguyod ni Sara ang kanyang anak na si Hannah matapos siyang iwan ni Edward (Edgar Allan Guzman) at hindi panindigan ang isang gabi nilang pagsasama.

Ngayon ngang may sarili na silang mga anak at ganap nang mga ina, maging daan kaya ito para magka-ayos na ang magkapatid o maging sanhi ito ng mas malalang kaguluhan? Ang kanilang mga anak kaya ay maging mortal na magkaaway din tulad nila?

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …