Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jason, isinusulong ang RH Bill

HINDI man niya lantarang aminin, isa si Jason Francisco sa may adbokasiyang nagsusulong sa kontrobersiyal na Reproductive Health o RH Bill.

May kung anong family planning method pala silang ina-adopt ng kanyang misis na siMelai Cantiveros. ”Siguro, dahil pareho na rin kaming pagod sa trabaho kaya pag-uwi, wala nang lakas para…,” biting paliwanag ni Jason, na siyempe’y nasakyan na namin kung ano ang kasunod ng kanyang pangungusap.

Jason is cast in ABS-CBN’s My Super D bilang katrabahong security guard ng bidang si Dodong played by Dominic Ochoa.

Nitong April ay nagdalawang taon na si Mela, ang supling nila ni Melai. The Hawaiian-themed children’s party was held in a resort in Batangas, home province ni Jason.

“Kung tutuusin, puwede na namin siyang sundan kaso marami pa kaming gustong gawin ni Melai. Balak kasi naming magtayo ng isang restaurant sa General Santos City na pamamahalaan ng mga kamag-anak doon ni Melai,” kuwento ni Jason.

“Ma-set up lang namin ‘yon, puwde na naming planuhin ang susunod naming baby.”

Francis, malakas ang boyish charm

SPEAKING of My Super D, maikli lang ang exposure roon ng teen actor na si Francis Magundayao.

He plays the teen Dodong na hindi nakapasa sa military school, kaya nang lumaki ay namasukan bilang sikyo.

Why Francis has a brief exposure in My Super D may well be explained sa kanyang regular TV work na #Parang Normal Activity na he plays Blue na kahalo sa adventurous peer group nina Ella Cruz, Kiray Celis atpb. na lagi na lang nasusuong sa mga makapanindig-balahibong encounters with the supernatural.

Simple pero malakas ang boyish charm ni Francis sa screen. Hindi man siya kasing Tisoy ni James Reid o Daniel Padilla pero he has a distinct charismatic attraction.

In #PNA, mas nakakikilig ang kanyang interaction with the two major female cast members prompting one to speculate na hindi imposibleng may mamuong real-life loveteam from there.

Francis and Ella? Teka, hindi ba’t nasilo na si Bret Jackson si Ella?

Randy, aligaga kay Atty. Topacio

KUWELA rin itong si Randy Santiago na isang komikero pala.

Sa nakaraang birthday party ng kaibigang Jobert Sucaldito, nang malaman niyang naroon din si Atty. Ferdie Topacio ay aligaga niyang hinanap ito.

Tamang-tama na  may nag-uumpukan sa isang gilid, photo op pala ‘yon ng mga gustong magpakuha ng litrato kasama ang tinaguriang lawyer to the stars.

And guess kung bakit ganoon na lang ka-excited si Randy to have a photo taken with Atty. Topacio?

Ipakikita raw niya ang kuha nilang ‘yon sa kanyang kapatid na si Raymart. So, anong konek? Abogado kasi ito ng estranged wife ni Raymart na si Claudine Barretto noong kasagsagan ng kanilang court battle!

Pang-inis?

HOT, AW! – ROnnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …