Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtitiyaga ni Sarah, nagbunga na!

LABADA ni Lahbati! Ang pagiging patient really pays off for Sarah Lahbati na ang kakayahan sa pagsasayaw eh, naibahagi na ng maraming beses sa  ASAP sa ABS-CBN.

But of course, gusto pa rin siyang makitang nag-e-emote sa harap ng camera ng mga tagahanga nila ng mister na si Richard Gutierrez and their whole clan!

Kaya naman itatambal sa unang pagkakataon si Sarah sa kapwa Kapamilya na si Ejay Falcon sa MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado (April 23) para ibahagi ang isang kuwento ng pag-ibig at pagkakaibigan.

Simula pa lang, tila itinadhana na sa isa’t isa sina Mia (Sarah) at NJ (Ejay) na nagsimula ang love story sa kolehiyo. Masaya ang unang taon ng kanilang samahan, na sinubok din nang pumanaw ang ama ni Mia at nang operahan sa likod si NJ.

Kahit na nalampasan nila ang malalaking hamong ito, nagsimula rin ang sunod-sunod at madalas na pag-aaway ng dalawa, hanggang sa nauwi ang relasyon sa isang mapait na hiwalayan.

Ngunit isang araw ay nagdesisyon ang dalawang magkita matapos ang matagal na panahon. Kaya bang kalimutan nina Mia at NJ ang sakit na naidulot nila sa isa’t isa para maalala ang masasayang nagdaan sa kanila?

Kasama sa naturang episode sina Dante Ponce, Jobelle Salvador, Shey Bustamante, Alexis Navarro, Margo Midwinter, Noemi Oineza, Guji Lorenzana, at Karen Timbol. Ang episode ay idinirehe ni Giselle Andres at isinulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, Amg  MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ng libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Speaking of Jobelle, na nagiging suki na ng MMK, panay pa rin ang wish nito na after ng You’re My Home eh, mabigyan pa siya ng mas challenging roles in the future.

Mukhang may pagsisisi on the part of Jobelle now dahil sa mga pinalampas niyang offers sa indie world na bida pa mandin sana ang sasalangan niya. One went to Gina Alajar. And another to Ai Ai delas Alas.

Sabi nga, ‘a moment gone is gone forever’. Kanta ba ‘yun?

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …