ITO ang nakatatawa. Sina Andi Eigenmann at Liza Soberano ay pinalabas na ini-endorse nila si Mayor Rodrigo Duterte.
“I’m a Filipino and my president is Duterte” ang nakalagay sa photos nina Liza at Andi.
Nag-react si Andi and said, “Whoever made this, pls dont use my face to promote your choice for presidency without my permission.”
“Paglilinaw lang po: walang ine-endorse na Presidentiable si @lizasoberano. Kaya sorry po sa gumawa nito,” reaction naman ni Ogie Diaz na manager ni Liza.
O, ngayon, bakit hindi ninyo i-bash ang gumawa ng ganito kina Liza at Andi? Mga idiot na ito, akala mo kagagaling. Bakit hindi ninyo kuyugin ng lait ang gumamit kina Liza at Andi para palabasing ini-endorse nila si Duterte?
UNCUT – Alex Brosas