TANGING si Daniel Padilla lang daw ang gusto ng Teen Princess na si Kathryn Bernardo na makapareha sa kanyang mga gagawing proyekto. Pero depende raw sa pamunuan ng ABS CBN kung may ipapareha sa kanyang iba.
Masyadong kakaunti lang daw kasi ang Kapamilya leading man at halos lahat ay mayroong kapareha kaya naman ayaw nitong makagulo ng ibang loveteams.
Ayon sa Ambassador ng NCF Philippines, ” Depende yan ka’y Tita Malou (Santos) kung sino ang feeling niya, pero sa ngayon si DJ muna, roon muna tayo kay DJ.”
Matured roles? ”Napagusapan namin na kung mature roles yung gagawin dapat makakasabay pa rin ‘yung mga supporter namin kasi may mga bata kaming supporters ayaw naming ma-shock sila sa gagawin namin or something.
“Basta gusto namin dahan-dahan para sabay naming mag-grow ‘yung audience,” pagtatapos ni Kathryn.
MATABIL – John Fontanilla