PAGKAKAROON umano ng relasyon ni Carmen Soriano kay dating PangulongFerdinand Marcos at ang pagbato sa kanya ng ashtray ni dating unang ginangImelda Romualdez Marcos; ang pagkakaroon ng magka-ibang bahay ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista. Ilan lamang ito sa mga colorful, juicy at revealing interviews na nakapaloob sa librong inilimbag ng VRJ Books, bagong publishing label ng Viva Communiations Inc., ni Ricky Lo.
Noong Sabado, inilunsad ang Conversations Pa More ni Lo sa Sampaguita Garden na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan ng magaling na editor ng Philippine Star.
Ang Conversaions Pa More ay koleksiyon ng classic interviews ni Lo sa may 60 stars tulad nina Kris Aquino, Alden Richards, Maine Mendoza, Piolo Pascual, Sam Milby, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Heart Evangelista, Luis Manzano, at Robin Padilla. Ang interbyung nakapaloob sa libro ay pinili at nagmula saConversations newspaper column ni Tito Ricky sa Philippine Star.
“Di ko akalain na ire-reveal nila ang mga ganoong bagay sa akin,” ani Lo nang makausap namin siya ukol sa kanyang libro. Maraming juicy interviews ang mababasa sa Conversations pa More with Ricky Lo.
“Most unforgettable interview eh ‘yung kina Carmen Soriano, Pilita Corrales, & Carmen Patenia. Iyon kasi ‘yung interbyu ko kay Carmen regarding sa rumor na nagkaroon sila ng affair ni President Ferdinand Marcos na sinabi niyang hindi totoo.
“Hindi rin totoo na binato siya ng ashtray ni First Lady Imelda Marcos. So, maganda ‘yun dahil nalinaw lahat.
“Naliwanagan lahat. Mga ganoong revelation,” kuwento ni Lo.
Inihalimbawa rin niya ang interbyu kina Chiz at Heart.
“Maganda rin ‘yung interview ko kina Chiz at Heart, ‘yung kung paano naging komportable si Heart sa twin children ni Chiz, and kung paano na magkahiwalay muna sila ng bahay ngayon.
“Si Heart kasi ‘yung bahay niya maraming gamit kaya hindi puwede roon si Chiz at ‘yung twin. Sa bahay naman ni Chiz, hindi rin puwede si Heart dahil marami siyang mga gamit. So, puno rin ‘yung bahay ni Chiz, puno ang bahay ni Heart. Hinihintay muna nilang dalawa na matapos ‘yung bahay nila bago sila magsama sa iisang bahay.
“Pero magkalapit lang ang bahay nila, as in five minutes eh naroon na kapag gusto nilang may gawing mag-asawa, madali naman ‘di ba? Pupunta lang doon si Chiz or pupunta lang si Heart.
“After that, balik na sila sa kani-kanilang bahay,” kuwento pa ni Tito Ricky.
Bukod sa mga pakikipag-usap ni Lo sa mga artista, mayroon ding unreleased exclusive photos na nasa libro kaya mas naka-eenganyong basahin ito na available na sa lahat ng National Bookstore at Powerbooks stores nationwide.
Ang VRJ Books ay isa sa newest publishing labels sa bansa. Mag-e-specialize ito sa celebrity-oriented titles anchored sa Viva Communications Inc., vast pool of artists gayundin sa iba pang showbiz personalities.
Isusunod namang ilulunsad ng VRJ Books ang biography book ni Wenn Deramas, ang last project ng magaling na director bago bawian ng buhay noong Pebrero gayundin ang lifestyle-oriented book mula sa young superstars at reel and real couple na sina James Reid at Nadine Lustre.
Sa kabilang banda, inamin ni Lo na marami pa siyang gustong mainterbyung artista lalo na iyong mga couple na hindi pa umaamin. ”Marami silang couple eh, ayoko namang ilagay sila on the spot,” sagot ni Lo nang tanungin kung sino-sinong couple ang mga iyon.
At nang tanungin kung mayroon bang mga delikado, o scandalous stories o interviews siyang isinama sa libro?, ”Actually ang mga sinabi ko involve ang ilang high government officials. Scandalous in a way kasi involve ang ilang government officials, may kanya-kanyang pamilya na klinaro nila ang mga sabi nga nila urban legend.
“Ang maganda nga diretsang sinagot nila and diretsahan din naman ang tanong ‘di ba? Hindi ‘yung nagdedetalye ka pa. Ang tanong dapat direct to the point, hindi ‘yung parang nagmamalisya ka.
“Mga diretsahan ba para malaman nila na gusto mong malaman from them ‘yung tunay na istorya na gusto mong ipahatid sa publiko. Dapat straight to the point tayo, hindi ‘yung nangingimi ka o parang may itinatago kang kung anong punto,”kuwento pa ni Lo.
Bale ito ang ikatlong libro nang nailimbag ni Lo, ang una ay noong 1995, angStarstudded at after a few years ay nasundan ng Conversation with Ricky Lo (part 1). ”Ito ‘yung part 2 ng Conversation… Bale ika-3rd ko na ito. Maganda na gawin ninyo rin ito kaya ina-advise ko sa inyo na ipunin ang mga article par mai-publish din.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio