IBA talagang magtrabaho ang grupo ni Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID).
Muli tayong pinabilib ni Major Figueroa at ng kanyang mga tauhan nang masakote ang P24-milyones shabu.
Masasabi nating, sila ‘yung yunit ng pulisya na 24/7 kung magtrabaho alang-alang sa kaligtasan ng bayan laban sa salot na illegal drugs.
Kumbaga, jingle at power nap lang ang pahinga.
Nitong Abril 17, araw ng linggo, dakong 6pm naman nang makatimbog muli sina Major Figueroa at Supt. Jay Agcaoili, hepe ng QCPD–District Special Operation Unit (DSOU) ng P375-milyon shabu.
Naaresto rin ang dalawang demonyong bigtime drug dealers na tubong Taiwan at China sa parking lot ng isang food chain sa Philcoa, Quezon City.
Naaresto sila matapos makompiskahan ng 75 kilong shabu na nagkakahalaga nga ng P375 million.
Diyan tayo pinabilib ng PNP-QCPD.
Bigtime illegal drug operations ang binibigo nila alang-alang sa kinabukasan ng bayan.
Tayo po bilang anti-illegal drug advocate ay personal na natutuwa sa ginagawang ito ng QCPD-DAID at DSOU.
Congratulations Chief Supt. Ed Tinio, Supt. Agcaoili at Major Figueroa…
Mabuhay kayo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com