Sa gitna ng mga bali-balitang nagpadala umano ng emisaryo si Nacionalista President Manny Villar kay tumatakbong bise presidente Antonio Trillanes IV, upang pakiusapan na magparaya para sa pagtakbo ng isa pang kandidato sa pagkabise-presidente na si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, inilinaw ni Trillanes na walang katotohanan ang balita, tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo bilang bise-presidente.
“Hindi ako aatras. Determinado akong tapusin ang laban at manalo bilang Bise-Presidente.”
“Mas matindi at mas mahirap pa ang mga pinagdaanan ko noon, pero kahit kailan ay hindi ako tumalikod sa aking mga laban. Nang ako’y magdesisyong tumakbo bilang bise-presidente, alam kong hindi ito magiging madali. Ngunit dahil sa walang patid na tiwala at suporta ng aking pamilya, mga kaibigan, at ng ating mga kababayan, patuloy akong naniniwala at nagtitiwala na makakamit natin ang tagumpay sa VP race,” ani Trillanes.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com