Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai, nagiging komplikado ang buhay

MAS magiging komplikado pa ang buhay ng magkaibigang Wilma (Pokwang) at Maricel (Melai Cantiveros) sa pagpapasya ng huli na makipagsapalaran sa ibang bansa para matustusan ang pagpapagamot ng kanyang anak at lola sa Kapamilya primetime series na We Will Survive.

Ibayong pag-aalala ang naramdaman ni Maricel matapos niyang malaman ang balitang na-stroke at muntik malagay sa peligro ang buhay ni Lola Judy. At hindi pa man bumubuti ang kalagayan ng kanyang lola, lalo pang madaragdagan ang pagkabahala ni Maricel dahil sunod namang ma-oospital si Baby Jude na madadapuan ng sakit na dengue.

At dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, kukunin ni Maricel ang oportunidad na magtrabaho sa Spain upang mabayaran ang mga gastusin sa ospital at mapunan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Bilang tulong naman sa kanyang kaibigan, sisiguraduhin ni Wilma na  bibigyan niya ng ibayong pagmamahal at pag-aaruga si Baby Jude.

Ngayon ngang nakatakdang umalis si Maricel, paano nito haharapin ang buhay na malayo sa kanyang pamilya? Mabigay niya kaya ang kinabukasang hinahangad para sa kanyang anak?

Ang lahat ng iyan ay matutunghayan sa We Will Survive tuwing gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Maaari ring panoorin ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o saskyondemand.com.phpara sa Sky subscribers.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …